Kapwa walang imik sina Leigh Anne at Jarred habang lulan sila ng sasakyan galing sa bahay ni Josh. Hindi na kasi nila natanggihang dinner invitation nito kaya napagabi na rin sila sa daan. Marami din silang napag-usapan pa matapos ang pag-amin ni Josh sa sarili nitong kamalian at 'di lubos maisip ni Leigh Anne na close pala sina Jarred at Josh kahit magkalaban sila sa loob ng Serenity Life. Panay kasi ang bangayan at obvious na patalbugan ng dalawa.
"Inaantok ka na siguro." Si Jarred na ang unang bumasag sa katahimikan.
"Medyo," tugon ni Leigh Anne saka pineke ang paghikab. She just want to stay silent until they reach her house. Ngayon, iniisip niyang iwaksi ang nararamdaman para kay Jarred pero ngayong pinaglalapit naman sila ng pagkakataon, lalong lumalakas ang tibok ng puso niya. Dapat niyang pigilan iyon. Hangga't hindi umaamin si Jarred o hindi nito nililinaw na may gusto ito sa kanya, dapat niyang pigilin ang sarili niyang damdamin.
Malapit na silang magkalayo, there's no need to hold her unrequited love for him. Alam niyang wala naman siyang mapapala kay Jarred kahit pa sinabi ni Josh na nagsinungaling lang siya para siraan si Jarred.
"Sige. Gigisingin na lang kita," malumanay na tugon ni Jarred, tila musika sa pandinig ang malamyos nitong tinig. Mase-sense ng kahit sino ang pag-aalaga sa boses ni Jarred.
Napatango si Leigh Anne at ipinikit ang mga mata kahit 'di pa siya inaantok. Baka sakaling makatulog siya habang nakapikit.
Sa loob lamang ng kalahating oras, nasa tapat na rin ng bahay sina Leigh Anne at Jarred. Marahan niyang tinapik ang balikat nito at hindi naman siya nabigo na gisingin ito.
"Sorry, napahaba yata ang tulog ko," paumanhin ni Leigh Anne saka kinusot-kusot ang mga mata.
Jarreth grinned. "Ayos lang. Sige, matulog ka na rin. Goodnight."
"Maraming salamat, ikaw din matulog na agad pag-uwi," Leigh Anne reminded him. Tinatanggal na niya ang seatbelt na nakasukbit sa kanya ngunit bigla namang nagsalita si Jarred.
"Lala..."
"Sir?" Napaigtad si Leigh Anne nang salubungin ang tingin ni Jarred. Tila may ibig ipakahulugan ang mga titig nito sa kanya. Those stare almost touched her soul.
"May sasabihin ka pa ba? Kasi uuwi na ako Sir," untag ni Leigh Anne.
"Huwag mo akong iwan. Puwede ba?" nalungkot na pakiusap nito.
"Hindi pa naman ako aalis Sir. Ano bang ibig n'yong sabihin?"
"Leigh Anne, I love you."
"Sir? Ano kamo? Mahal ninyo ako?" maang-maangang tanong ni Leigh Anne. Nagdulot ng kakaibang ligaya ang puso niya dahil sa narinig. She can tell that Jarred isn't drunk, hindi niya naaamoy ang alak habang nakalapit dito. At alam niyang hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na uminom kanina nang makita siya nito.
"Y-yes," nagkandaumid na tugon ni Jarred.
"Sir, mananatiling hanggang dito lang ang ugnayan natin sa isa't isa. Baka nalilito lang kayo." She can't look at his eyes. Wari niya'y natutunaw siya habang pinupukol ng tingin ni Jarred.
She dreamed of him to love her back. But that was before, ayaw niyang maging hadlang sa mga pangarap ng binata. Napakaimposibleng magustuhan siya nito. They're not on the same level. Ang tulad ni Jarred ay napakahirap abutin at napakalaking issue sa Serenity Life kung magkakaroon sila ng relasyon. Kahit pa sinabi na ni Josh kung gaano ka-sincere sa kanya si Jarred.
"Huwag kang umalis. Huwag kang pupunta sa ibang bansa—"
"Paano n'yo nalaman ang tungkol doon?" naguguluhang tanong ni Leigh Anne at hindi pa rin tumitingin nang diretso kay Jarred.
"Hindi na mahalaga kung kanino ko nalaman, okay? Basta, huwag kang aalis." Punong-puno ng pakikiusap sa mga mata ni Jarred ngunit naiinis siya dahil 'di naman iyon nakikita ni Leigh Anne. Panay lang ito iwas ng tingin sa kanya.
"Alam ko na, kay Ms. Rena." She let out a heavy sigh twice. "Uuwi na ako Sir Jarred. Siguro pagod ka lang kaya kung anu-anong nasasabi mo."
Mabilis na lumabas sa kotse si Leigh Anne at pumasok na sa loob ng bahay.
Binalot siya ng matinding kaba at saya. Ito na nga, nangyari na ang pantasya niya noon pero bakit umaarte pa siyang pa-hard to get?
Pagkapasok niya pa lang sa bahay, namataan niya si Klein na nanonood pa rin ng telebisyon.
"Bakit nanonood ka pa? Gabi na ah, wala ka bang exam?" sita niya sa kapatid.
"Tapos na po ang finals ate. Saka bakit hindi mo papasukin muna ang bisita mo? Saan ba kayo galing? Gabi na rin ah." Tila may nais ipahiwatig ang timbre ng boses ni Klein. Animo'y binubuyo siya nito.
"Si Sir Jarred lang 'yon," nakairap na tugon ni Leigh Anne at nakinood na lang din sa tv nang isalampak ang sarili sa maliit na sofa.
"Ah, 'yong first love mo?"
"Tumigil ka nga!"
Itinirik ni Leigh Anne ang mga mata at muling itinuon ang sarili sa panonood, isang kdrama na tagalized at ang eksena ay confession ng bidang lalaki sa bidang babae. Napanganga siya nang tuluyan.
'Siguro pareho kami ng nararamdaman ng female lead, mukhang gulat at kinikilig kaso nagtitimpi lang dahil nakakahiya. Kaya lang, maganda siya at ako— nevermind,' kastigo niya sa sarili kahit hindi man lang isinasatinig ang mga salitang iyon.
"Hindi pa siya umaalis oh, 'di ka yata nag-goodbye kiss. Nagtampo yata, teka lalabas muna ako," ani Klein at ginawa nga kung anong sinabi.
Hindi na siya napigilan ni Leigh Anne. Sinilip niya mula sa bintana kung anong gagawin ni Klein kay Jarred. Namataan niyang nag-uusap ito at pumasok pa si Klein sa loob ng kotse.
"Hay naku! Ano bang pinag-uusapan nila?"
Saka lang siya bumalik sa panonood ng TV nang lumabas na si Klein at pinaandar na rin ni Jarred ang kotse nito.
"Anong napala mo?" maang-maangang tanong ni Leigh Anne.
"Wala naman. Yayayain ko pa naman sana siyang kumain kaso busog pa raw siya eh. May niligtas ka palang bata, ang bait mo nga daw eh. Mukhang gusto ka na rin niya," natutuwang saad ni Klein.
"Matutulog na 'ko!"
Padabog na kumilos si Leigh Anne hangga't sa makarating sa sariling silid. Kinapa niya ang kanyang dibdib, malakas pa rin ang kabog nito.
'Hindi ako nananaginip, umamin sa'kin si Sir Jarred pero hindi ko alam kung sincere ba siya. Paano ko malalaman kung sincere o hindi?'
Napayakap tuloy siya sa unan at nagpaantok na lang.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...