Dismayado si Jarred sa nilabi ni Leigh Anne. Hindi niya akalaing sa kabila ng ginawa niya, wala na rin pala itong balak na magbalik sa Serenity Life. He has to dig deeper. Mayro'n pang ibang dahilan bukod sa pangha-harass sa kanya ni Mr. Romulo kaya ayaw na nitong mag-resume sa trabaho.
The whole week, totally out of focus na siya. Wala pa rin siyang nagagawa sa advertisement project at wala siyang balak na gawin 'yon hangga't 'di bumabalik si Leigh Anne.
'Masyado na akong affected sa nangyayari. Kung ayaw niyang bumalik, ano pa bang magagawa ko?'
He sighed twice. Mabuti na lang at may kumatok sa pinto kaya nagbalik siya sa wisyo.
"Yes?" aniya nang iluwa ng pinto ang isa sa staff ng advertising dept.
"Sir, deadline na po 'yong project. Wala pa kayong naipapasang output," pagpapaalala ng staff.
Napahilot tuloy siya sa sentido. "Oo. Alam ko, I won't ask for extension. I'll try within the day."
"Noted Sir. Thank you. May meeting daw po kayo with Ms. Rena."
Ngiti lang ang huling tugon ni Jarred at lumabas na rin ang staff sa tanggapan.
He immediately dialed his mother's number.
"Ma, I mean Ma'am Rena," bungad niya.
"Jarred, I'm busy. Pakibilisan." Iritable ang tono nito.
"May meeting? Bakit hindi ko alam? Biglaan ba 'to?"
"Yeah. About what you did to Mr. Romulo, you tried to reach out sa head na ipatanggal siya sa investors? Bakit? Nahihibang ka na ba? He's one of the biggest—"
"Maam, I don't care. He harassed my assistant."
"Dahil lang doon?"
"Anong dahil lang doon? Hindi ka ba babae? Malinaw na manyak ang lalaking 'yon." Di siya nagpatinag at nagtaas na ang kanyang boses.
"But—"
"Bye." Padabog niyang ibinaba ang telepono. Naiiling siyang tumanaw sa bintana kung saan kitang-kita ang nagtataasang gusali.
He picked up his cellphone and as usual, he tried to call Leigh Anne. Kaninang umaga, naka-ten missed calls na nga siya rito.
Samantala, napilitan na lang si Leigh Anne na sagutin ang tawag ni Jarred. Kasalukuyan siyang nasa embassy ng Belgium para mag-asikaso ng papeles para makalipad na paalis sa bansa.
"Bakit Sir?" wala sa loob niyang tugon.
"Nasaan ka?" Biglang kumunot ang noo niya sa maawtoridad nitong tanong. "Bakit kailangan mong malaman? Hindi mo na ako empleyado Sir."
"Ipapaalala ko lang, may kontrata kang pinirmahan."
Natutop ni Leigh Anne ang bibig. Naalala niya nga ang napirmahan niyang kontrata sa Serenity Life at nakasaad doon na dapat tapusin niya ang probationary period. Dahil kung hindi niya matapos, hindi niya makukuha ang certificate of employment na kailangan kung siya'y mag-a-apply sa ibang kompanya. Sayang naman ang experience niya sa SLi kung hindi niya makukuha ang katibayan na doon siya nagtrabaho.
But somehow, that certification is useless since she decided to travel abroad. Si Tita Bessy naman na daw ang bahala sa employment niya roon.
"Ano, Leigh Anne? Are you still there?" untag pa ni Jarred.
Napabuga siya ng hangin. "Yes Sir. Sige, makikipag-usap ako, for the last time."
"Nasaan ka? Ako na ang pupunta sa'yo."
"No, ako na. Pupunta ako sa office mo."
"Okay." Narinig pa ni Leigh Anne ang paghagikhik ni Jarred bago nito i-end ang tawag. Napangiwi tuloy siya.
"At anong nakakatawa sa sinabi ko?"
Ibabalik na sana niya sa bulsa ang phone pero nag-text naman si Jarred.
"Mag-iingat ka sa pagpunta rito." Napaalis ang pagkangiwi sa mukha ni Leigh Anne dahil tila umawit ang puso niya sa mensaheng iyon.
It's just like she could assume that the message was sent with love and care— na parang sin-end iyon ni Jarred dahil mahalaga siya rito higit pa sa isang ordinaryong assistant.
'Again, assumera na naman ako.'
Tinapos lang niya ang pag-aayos sa immediate papers niya bago dumiretso sa Serenity Life. Pagpasok pa lang niya'y pinagtitinginan na siya ng mga tao. Na-conscious tuloy siya. Pakiwari niya'y nasa hot seat siya at siya lamang ang topic ng mga ito.
'So what? Ako lang ba ang empleyadong nag-awol at biglang nagpakita? May mas malala pa nga sa'kin. At hindi naman gano'n kabigat ang ginawa ko.'
Naiiling siyang dumiretso sa elevator at pinindot ang button ng palapag na pakay. Humugot na naman siya nang malalim na hininga at dahan-dahang pumwesto sa tapat ng pinto ng opisina ni Jarred. Kahit papaano, na-miss niya ang gusaling iyon. Naalala niya tuloy ang mga sandaling ninanakawan niya ng tingin ang guwapong amo. Pilit niyang pinakalma ang sarili dahil sa bilis ng tibok ng kanyang puso na halos ikabingi niya.
'Leigh Anne, si Jarred lang 'yan. Wala ka namang ginawang masama. Bakit ka ninenerbyos?' Animo'y baliw na kinausap niya ang sarili.
Sa sobrang kaba ay napasandal na lang siya sa pinto. Inabot siya ng dalawang minuto sa ganoong posisyon at napaigtad siya nang bumukas ang kinasasandalang pinto. Akala niya'y babagsak na siya sa sahig ngunit naramdaman niyang may sumalo sa kanya at umalalay sa kanyang likuran.
"Sir Jarred..." Hindi siya agad makahuma at tila nanaisin pa niyang nasa bisig na lamang ni Jarred sa mga sandaling iyon. Naging banayad din ang pakiramdam niya nang maamoy ang pabango nito.
Kung hindi pa tumikhim si Jarred, baka mas tumagal pa sa pagkakasandal si Leigh Anne.
Narinig niyang tumikhim din ito at mabilis na umiwas ng tingin.
"Sorry," sambit nito.
"Kanina ka pa ba? Bakit ba naman kasi nakasandal ka sa pinto?" kunot-noong tanong ni Jarred.
"Wala naman, sige na Sir. Pag-usapan na natin ang tungkol sa kontrata at kung anong dapat kong gawin para mabilis na ma-terminate iyon." Naging pormal ang tinig ni Leigh Anne.
"There's no way for termination. Hindi ko hahayaan na maka-exit ka nang gano'n na lang. You have to help me first." May kalakip na makahulugang tingin si Jarred nang sabihin iyon.
"Sir?"
"Pwede ka bang maging model para sa advertising project na hindi ko natapos dahil sa'yo?"
Nagsalubong ang kilay niya at natatawang pinagmasdan si Leigh Anne na halatang nagitla sa kanyang sinabi.
She frowned. "Model? Huwag nga kayong magbiro. Ang daming modelo dito sa Serenity Life."
"Pero hindi ko gusto. Hindi sila bagay sa proyekto," Jarred insisted.
"Pagkatapos? Puwede na akong mag-resign?"
"Yup." Lingid sa kaalaman ni Leigh Anne na labag naman sa kalooban ni Jarred na pakawalan siya bilang assistant nito.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...