CHAPTER THIRTEEN

103 5 1
                                    

"Pasensiya na Sir, wala talaga akong time na magpaliwanag sa inyo. At isa pa, nag-resign na nga ako," prangkahang paliwanag ni Leigh Anne sa aburidong si Jarred.

On the other side, she still hopes that Jarred needs her because she earned a trust from him when it comes to work. Ayaw niyang isipin na wala na itong makuhang assistant bukod sa kanya. That's impossible, napakalaki ng SLi at may mahuhugot itong ibang employee sa pamamagitan ng mahusay nitong HR team.

"But why can't you explain?" di patatalong tanong ni Jarred habang nakikipagtagisan ng tingin kay Leigh Anne. Sa nakikita niya, mukhang desidido na talaga itong mag-resign at wala siyang mabakas na anumang pagsisisi. That thing cuts his heart slowly until it bleeds.

"Bakit n'yo gustong malaman? Masyadong personal ang rason ko Sir. Labas na 'yon sa pagiging assistant ko sa inyo," katwiran pa ni Leigh Anne. Papasok na sana siya sa bahay ngunit nahatak ni Jarred ang sling bag niya kaya nasubsob siya sa dibdib nito.

She didn't know how to react. Naamoy niya ang samyo ng cologne sa polo nito at hindi niya maikakailang kahit sa bagay na 'yon, nakaramdam pa rin siya ng 'di pamilyar na kilig. Parang pinaaalala lang nito kung paano siya nabaliw noon kay Jarred.

Nilayo niya rin ang sarili at umirap sa binata. "Please Sir, humanap na lang kayo ng kapalit ko. Hindi ako capable bilang assistant ng isang future CEO. Baka masira ko lang ang mga pangarap ninyo."

"I won't accept that, not until you explain your side Ms. Leigh Anne," Jarred insisted.

"Okay," sapilitang sagot ni Leigh Anne. She opened the door for her former boss. Pagkapasok pa lang ay namataan nila sa sala si Klein na nanonood ng sports sa TV.

"Nandito ka na pala ate at sino—"

Napanganga ang binatilyo dahil sa nakitang kasama ng kanyang ate na si Leigh Anne. "At sino siya? Boyfriend mo?"

Pinandilatan naman kaagad ni Leigh Anne ang kapatid. "Boss ko 'yan."

"Ah 'yong boss mo na—"

"Klein manahimik ka nga!" paasik na saway ni Leigh Anne sa nakababata niyang kapatid. Alam kasi nito na may gusto siya kay Jarred. Kung hindi dahil sa diary, di talaga nito malalaman ang tungkol doon. Nakakahiyang malaman pa ni Jarred ang paghangang nararamdaman niya.

Napatikhim si Klein at binati si Jarred. "Hello Sir, kumain na muna kayo ni Ate. Nagluto ako ng adobo."

"Mabuti pa ngang kumain muna tayo Sir," binigyang diin ni Leigh Anne ang huling salita. Hindi naman tumanggi si Jarred. Gutom na rin siya dahil sa matinding traffic kanina.

'Nakakainis, hindi ka talaga tumanggi,' sambit niya pa habang ninanakawan ng sulyap si Jarred. Napangiwi lang din si Leigh Anne hangga't sa maabot nila ang maliit na dining area.

"Pasensiya na sa simpleng hapunan," pakli ni Leigh Anne habang ipinagsasandok niya ng kanin si Jarred. Naiilang siya sa ibinabatong tingin nito kaya nagkunwari siyang walang pakialam.

She started eating her brother's dish on her own plate.

"Masarap," walang halong sarkasmo na papuri ni Jarred. "I think you're a good sister, may mabait at maalalahanin ka kasing kapatid. I wish I have one."

"Ah, only child ka pala Sir," pilit na sagot ni Leigh Anne. It's a better way to avoid awkwardness.

"Yup. Only child kaya lahat ng expectations ng mga magulang ko, sa akin ibinuhos. They forgot that I'm breathing too."

Bumigat tuloy ang pakiramdam ni Leigh Anne dahil sa inamin ni Jarred. Kung iisipin, mukhang palagay na ang loob ng binata sa kanya kaya nakapag-open up ito ng issues patungkol sa personal nitong buhay.

"Sorry to hear that Sir, I always thought you are perfect, even your family seems perfect too," apologetic na pagkakasabi ni Leigh Anne.

"They covered those imperfections by acting like they are perfect enough. And I'm really sick of it," pag-amin ni Jarred at saka lumagok ng isang basong tubig.

"Again, I'm sorry po." Yumuko si Leigh Anne at nagpatuloy sa pagkain.

"Don't be too much apologetic. May kasalanan din ako sa'yo. Sorry kung ikaw ang madalas kong pagbuntungan ng galit sa office. Maybe that's the reason why you quit. Pero kahit papaano, gusto kong marinig mula sa'yo ang rason mo. Let's be professional here," Jarred clarified.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinapos lang nila ang pagkain ng hapunan bago mag-usap nang masinsinan.

"I'm not really comfortable with Mr. Romulo Sir," nahihiyang pag-amin ni Leigh Anne.

"Why? Mr. Romulo seems to be nice, at anong dahilan kung bakit gano'n ang nararamdaman mo?" malumanay na tanong ni Jarred.

"Hina-harrass niya kasi ako, I mean baka nag-assume lang ako na harassment 'yon pero bigla niya kasi akong hinawakan." Tears suddenly fell down from her eyes down to her cheeks.

Nahihiya siyang umamin dahil alam niyang mahirap paniwalaan ang bagay na 'yon para kay Jarred. Nabalitaan din niya kasi na trusted business partner din ng nanay ni Jarred si Mr. Romulo. May posibilidad na mas panigan ni Jarred si Mr. Romulo, because money and influence talks and that's all really matters.

"I believe in you," seryosong turan ni Jarred. Lubhang naalarma siya sa pinagtapat ni Leigh Anne at gusto niyang yakapin ito habang pinapatahan sa pag-iyak.

He felt the sudden guilt for what happened to her. Of course, walang sinumang babae na nasa tamang pag-iisip ang magsisinungaling tungkol sa harassment. Hindi biro ang trauma na dulot ng bagay na 'yon sa sinumang makaranas nito.

And as Leigh Anne's superior, dapat kahit papaano'y nalaman niya kaagad ang ginawa ni Mr. Romulo.

"Salamat," tipid na tugon ni Leigh Anne saka pinunasan ang luhang rumagasa mula sa kanyang mga mata.

"I will solve this matter Lala, trust me."

A hint of smile grew on his face. Tila umawit ang puso ni Leigh Anne sa sinabi ni Jarred. Wala siyang nabakas na panghuhusga sa mga mata nito. She just have to trust him this time.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon