CHAPTER ONE

195 6 8
                                    

"Congrats Howie!" masiglang bati ni Jarred kay Howie nang matagpuan niyang prente ng pag-upo nito sa swivel chair. Kababalik lamang ni Howie galing sa di pamilyar na probinsya kung saan ginanap ang honeymoon nito at ng asawang si Zannie. "Hindi na ba talaga mababago ang isip mo? Ayaw mo nang maging CEO?" tanong niya saka bumunghalit ng tawa si Howie. "Alam ko namang gusto mo akong palitan. Wait for papa's announcement later," nakatawa nitong tugon. Dahil magkakaanak na si Howie at nais nang mag-focus sa pamilya, talagang dapat na niyang bitawan ang karera bilang CEO ng SLI. Pero nasa tatay pa rin nito ang desisyon kung paano pipili ng bagong CEO.

Na-interrupt ang conversation nila sa pagdating ng sekretarya ni Jarred na si Trisha. "Sir, sorry po sa istorbo. Inform ko lang po kayo na magsisimula na ang meeting after 10 minutes."

"Sige susunod na kami," nakangiting sagot naman ni Jarred.


--

Napaismid si Jarred nang tabihan siya ni Josh. As usual, may balak na naman yatang mang-inis ang kanyang colleague sa pamamagitan ng mapang-asar nitong ngiti.

"Gaano ka ka-confident na ikaw ang magiging candidate for CEO position?" tanong pa nito. "A hundred percent. Why not?" Jarred proudly answered. Sa katunayan, si Josh ang numero unong rival ni Jarred sa SLI, manager din itong kagaya niya pero sa ibang department naman. At si Josh ang isa sa pinararangalan ng SLI bilang best employee kada buwan. Hindi niya maitatanggi na isang threat si Josh sa ambisyon niya. "Well, let's see. Sure naman ako makakapasok ka, kasi kamag-anak ka ng may-ari."

Kusang napakuyom ang mga palad ni Jarred. Sa part na 'yon ay hindi niya maiwasang ma-insecure. Tingin kasi ng iba ay hindi siya masyadong nag-eeffort dahil tiyuhin naman niya ang owner ng SLI na ama ni Howie. Feeling ng iba ay mas pinapaburan siya dahil doon kahit ang totoo'y nagsusumikap siya sa trabahong ginagawa kaya na-promote siya bilang manager.

Natunaw ang inis niya kay Josh nang dumating na sa meeting hall si Mr. Fontafella. "Good afternoon guys, I'm here to announce the two candidates for the CEO position," pormal na panimula nito sa lahat.

"Dalawa lang?"

"Maraming magagaling na managers, supervisors sa SLI ah"

Nagsimulang umingay ang hall dahil sa anunsiyong iyon.

"Napagdesisyunan kong dalawa na lamang ang pipiliin dahil magre-reshuffle tayo next month. May mga mapo-promote ngunit wala namang bababa sa rank ng position nila bilang empleyado. I appreciate you all. At kaya dalawa lang ang pipiliin, dahil gusto kong mag-focus sa pag-evaluate. Kapag marami kasi ay baka hindi ko kayanin pa," paliwanag pa ni Mr. Fontafella.

"So expect some changes, ako muna ang magiging CEO temporarily. At ang dalawang napili ko ay top employees ng SLI, walang absent, walang late at consistent sa trabahong ginagawa. Alam n'yo na kung sino sila."

Naging kampante si Jarred dahil siya naman ang isa sa mga best employee. Kahit hindi pa sinasabi ni Mr. Fontafella ang mga pangalan, malakas ang kutob niya na maisasama siya bilang candidate sa nais niyang posisyon.

"Mr. Jarred Fontafella and Mr. Josh Juan, congrtulations dahil kayo ang napili ko na magiging magkatunggali upang masungkit ang posisyong iiwan ng aking anak."

Nagpalakpakan lahat matapos banggitin ang pangalan nilang dalawa. Pero nabahiran ng pangamba ang confidence ni Jarrer dahil rival na naman ulit sila ni Josh sa pagkakataong ito.


--

"Leigh Anne, ano nang ganap sa'yo? May work ka na ba hija?"
Hindi ipinarinig ni Leigh Anne ang pag-ismid niya sa bungad ng kanyang Tita Bessy sa kabilang linya. Kada tawag nito mula ibang bansa ay lagi siya nitong kinukulit patungkol sa status ng career niya. "Nag-a-apply pa lang ako tita. Hindi ako makapag-focus pa dyan kasi si Louie kailangan ko pang i-supervise sa pag-aaral niya." Ang Louie na tinutukoy niya ay ang kaisa-isang kapatid na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. May pagkapasaway kasi ito at napapabarkada sa mga batang bad influence.

"Come on, 26 ka na mahihirapan ka talaga niyan. Bakit kasi pinaabot mo pa sarili mo sa ganyang edad bago ka humanap ng stable career? Kung ako sa'yo, dito ka na lang sa Belgium," alok ni Tita Bessy na ilang ulit na rin niyang tinanggihan. Ayaw naman niya talagang mag-abroad dahil bukod sa dapat tutukan ang kapatid ay mahina na rin ang resistensya ng kanyang ama at madalas nang kapitan ng sakit pero nagtatrabaho pa rin para sa kanila. Naulila na sila ng kanilang nanay right after she graduated high school due to colon cancer. "May trabaho naman po ako tita, hindi ko naman kasalanang ma-endo ako."

Well, may trabaho naman talaga siya noon pero napakalayo ng naging career niya sa kursong tinapos niya na Business Administration. Sa mall o stores lang siya natatanggap at contractual pa. Ang masaklap, hindi siya pinahaharap sa customers dahil lagi siyang ina-assign sa bodega bilang checker kaya mahina ang kanyang communication skills at mababa rin ang kumpiyansa sa kanyang sarili.

"Mag-ayos ka sa sunod na araw. Mag-apply ka rito sa kompanyang ito. Ie-email ko ang info. Madali kang makakapasok dahil ako ang backer mo," nasasabik pang pahayag ni Tita Bessy. Tumatawa-tawa pa ito na parang 'ready to eat' na ang nilulutong plano para sa pamangkin. "Baka hindi ko po kayanin, baka himatayin ako sa interview sa sobrang kaba," nangangambang katwiran ni Leigh Anne. Paano ba naman kasi, dahil sa mababang self esteem, lagi siyang inuunahan ng kaba sa job interviews kaya bigo siyang ma-hire sa anumang kompanya na apply-an. "Hindi 'yan, sure hired ka na. Itatawag ko lang 'yan sa kakilala ko, di mo na maitatanong, investor kasi sa kompanyang 'yon ang asawa kong si James," pagmamalaki ng tiyahin sa napangasawa nitong belgian citizen na ubod ng yaman.

"Pero tita-"

"Pero pero ka dyan. Sige na, tanggapin mo na 'tong alok ko, di ba gusto mong tulungan si papa mo? Tawagan kita ulit, aalis lang kami ni hubby. Bye!"

Ihinagis ni Leigh Anne sa bedside table ang phone na hawak. Buti na lang, matibay iyon at hindi nasira kahit tumama ang screen sa corner ng table. Nasapo niya ang magkabilang pisngi at napahiga na lang sa kama.

"Hindi pa talaga ako handa para sa pagbabago."

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon