"Leigh Anne, I mean Ms. Leigh Anne."
Mabilis na napatayo si Leigh Anne nang marinig niya ang boses ni Jarred. She tried to stay formal in front of her boss. Umagang-umaga pa lang kasi, pero ang mukha ni Jarred parang pang-uwian na dahil mukhang stressed na kaagad.
"Yes Sir, good morning po," bati ni Leigh Anne.
"Patingin ng summary of interviews. Kailangan 'yan ngayon." Naupo si Jarred nang hindi man lang tumitingin sa kanya. Nasa laptop lamang ang atensyon nito. Mabilis namang kinuha ni Leigh Anne ang hard copy ng kanyang report at inilagay iyin sa mesa ni Jarred.
"Thanks," pakli ni Jarred at bahagyang nginitian si Leigh Anne. Pero biglang nalukot ang mukha nito nang pasadahan ng tingin ang unang pahina ng report.
"Report ba ito?" diretsahang tanong ni Jarred. Napabuntong-hininga pa nga siya sa nakita.
"Hindi maayos ang indentions ng paragraph. May iilang typographical errors pa. Magkakaiba rin ang fonts. Hindi ganito ang report Ms. Leigh Anne." Kahit dismayado, napanatili pa rin niya ang pagiging kalmado sa harap ng kanyang assistant. Nauunawaan naman niya kasi ito dahil baguhan pa lang at hindi pa siguro familiar sa paggamit ng microsoft word.
Napayuko na lamang si Leigh Anne at unti-unting nanliit sa kanyang sarili. Ito ang unang pagkakataon na galit ang kanyang boss, at baka may susunod pa kapag magkamali na naman siya.
"Sir, sorry," ang tanging namutawi sa kanyang bibig.
"Dito sa corporate world, hindi mahalaga ang salitang sorry Leigh Anne. Kailangan maging maagap para maiwasan ang pagkakamali. Buti na lang tiningnan ko 'to, kasi hindi tayo pwede magpasa ng hindi presentableng report. Kaya kung nagkamali ka at ayaw mo nang aberya, ayusin mo agad o kaya magtanong ka sa'kin kung hindi ka pamilyar," sermon pa ni Jarred at bahagyang napadabog sa kanyang mesa.
"Ayusin natin ito Ms. Leigh Anne, pakita mo nga sa'kin ang soft copy at tuturuan kita." Sa puntong iyon ay napakalma na niya ang sarili.
"Y-yes Sir," sagot ni Leigh Anne at saka mabilis na binuksan ang screen ng kanyang desktop. Nilapitan siya ni Jarred at ito na rin ang nag-edit ng report. Tumabi kasi ito sa kanyang upuan.
"Panoorin mong mabuti ang gagawin kong pag-edit ng report mo. Makinig kang mabuti dahil wala na tayong oras," habilin ni Jarred habang nagtitipa sa keyboard. Napaling ni Leigh Anne sa ibang direksyon ang tingin. Too bad, she can't look straight in front of the computer. Mas nakakawiling pagmasdan si Jarred. At aminin man niya o hindi, parang kinikiliti ang puso niya sa tuwing nalalanghap niya ang pabango nito habang magkalapit pa rin silang dalawa.
***
"Mag-iisang buwan na ako sa company pero gano'n pa rin si Jarred, masyado siyang pormal kapag kausap ako. Bihira ko lang makita ang ngiti niya at halatang stressed na siya. Bakit bigla na lang akong naging concern?" parang nahihibang na si Leigh Anne na nakikipag-usap sa kanyang sarili. Nakatingin lamang siya sa mataong park at hinihintay ang paglubog ng araw. Nakagawian na niya kasing tumambay sa isang park na malapit sa Serenity Life building. Doon lang siya nakakalanghap ng sariwang simoy ng hangin dahil pakiwari niya ay nakaka-suffocate ang stress sa opisina lalo na't ilang beses na siyang muntik na pagalitan ni Jarred. Mabuti na lang at mas mahaba pa sa pisi ng saranggola ang pasensiya nito pagdating sa kanya.
"Pero Leigh Anne, wala ka nang gusto sa kanya 'di ba? Sobrang tagal na no'n. Puppy love lang 'yon, hindi ka na niya natatandaan pa. Kaya maging professional ka, huwag mong isipin na magkakagusto ka ulit sa kanya." She let out a deep breath.
"Oha, sinong gusto mo?"
Halos mapalundag si Leigh Anne nang makarinig ng pamilyar na boses mula sa likod ng kinauupuan niya.
"Nick? Diyos ko nakakagulat ka naman!" nakangiwing bungad niya kay Nick na una niyang naging kaibigan sa SLi.
"Hindi ba puwede 'yong sa isip ka na lang nagsasalita? Paano 'pag naiinis ka sa boss mo? Talagang isinasatinig mo pa?" pabirong tanong nito.
"Hindi naman siya gano'n ka-strict. Mabait siyang boss, kahit nakakainis na ako, hindi pa rin siya sumisigaw. Gusto ko nga sanang bumawi. Ano ba ang magandang gawin?" tanong pa ni Leigh Anne at dumistansiya nang kaunti upang magbigay ng space kay Nick na makikihati sa upuan.
"Alam mo ba kung ano ang paborito niyang kainin? Favorite flavor niya ng kape? Subukan mo siyang ilibre. Gano'n ang ginagawa ko sa senior accounting staff dahil sa pagiging matiyaga niya sa'kin eh," suhestiyon ni Nick. "Pero sino muna 'yong nagugustuhan mo?"
"Kalimutan mo na nga lang na nagtanong ako." Napatayo si Leigh Anne at akmang iiwas sa tanong na iyon.
"Iyong boss mo ba na guwapo? Siya lang naman ang lagi mong kasama, imposibleng 'di ka ma-fall doon," pambubuyo ni Nick.
"Hindi kaya," tanggi ni Leigh Anne na pinarisan niya ng paulit-ulit na pagtirik ng mata.
"Normal lang naman na may magustuhan sa Serenity Life, ako nga maraming crush pero bawal jowain. Alam mo na, may rules kasi."
"Kaya nga hindi ako puwedeng ma-fall sa kanya."
Bumunghalit ng tawa si Nick dahil sa sagot ni Leigh Anne. "So, it's real? May gusto ka nga sa boss mo?"
"Hinaan mo naman ang boses mo, may ibang taga-Serenity Life na tumatambay din dito. Malay mo 'yong mga 'yan na naka-casual attire eh doon lang 'di nagtatrabaho," saway ni Leigh Anne kasabay ng marahang paghampas sa balikat ng kaibigang lalaki.
"Oo, gusto ko nga siya," nahihiyang pag-amin niya sa wakas.
Pinatunog ni Nick ang kanyang dila. "Sabi na eh, may usap-usapan akong narinig mula sa kaibigan ni Ms. Legarda na HR natin, kaya ka nilagay bilang assistant ni Jarred eh kasi pareho pala kayo ng secondary school. At kilala mo na siya."
"Anumang dahilan iyon, sana hindi na lang si Jarred ang naging boss ko. Kahit ginawa na lang akong utusan na tagabili ng lunch at kape, okay na 'yon. Kaso bawal naman akong pumili," pagrereklamo pa ni Leigh Anne.
"Alam mo ba, dapat talaga si Jarred na daw ang magiging CEO at si Josh, ginamit lang siya para masabing may competitor sa CEO position. Kung sa talino, lamang na lamang si Jarred kaso hindi daw bilib ang nanay nito sa kanya na isang board member ng kompanya," paglalahad ni Nick. Napaangat naman ang kilay ni Leigh Anne dahil hindi siya kumbinsido sa tsimis ni Nick.
"Saan naman galing ang tsismis na 'yan? Kabago-bago mo pa lang eh ang dami mo nang nasasagap na tsismis dyan. Nakalagay sa handbook natin na bawal 'yon," nakasimangot na saad ni Leigh Anne.
"Kina Ms. Legarda nga," pagtatapat naman ni Nick habang tumatawa na may halong pang-aasar.
"Nakakalungkot naman na wala pa ring tiwala ang nanay ni Jarred, bakit ba gano'n? Eh si Jarred ang pinakamagaling sa school namin noon." Naaawa si Leigh Anne para kay Jarred, baka hindi naman talaga nito gusto na makamit ang posisyon bilang CEO. She felt bad for him.
"Sa totoo lang, balewala naman talaga ang kompetisyon sa loob ng school, maaring magaling siya doon kasi wala siyang kalaban. Magkaiba sa corporate world, lahat ng tao dapat competitive, kasi kapag napag-iwanan ka, 'di ka uunlad. Iyan ang turo ng tatay ko na nagpasok 'din sa'kin dito," pagtatapat ni Nick na ikinagulat ni Leigh Anne.
"Ikaw? May backer? Hindi ako makapaniwala dahil mukha kang magaling at may experience na sa propesyong pinasukan mo at ibig sabihin lang, mayaman ka rin," bulalas niya. Bakit hindi pa niya napansin noon pa? Mukha naman talagang anak mayaman si Nick at tila wala sa itsura nito ang magpapakahirap sa pagtatrabaho.
"Kaya nga kita in-approach kasi pareho lang tayo. Alam kong magiging mababa lang ang tingin ng iba kapag nalaman nilang may backer ka rin. At alam kong kailangan mo ng kaibigan. Huwag kang mag-alala, hindi lang naman ikaw ang in-approach ko, pati na rin 'yong iba nating kasabay noon sa job interview. Nahanap ko na kung saan ang department nila, makaka-close natin sila maliban kay Hilda na mayabang," turan pa ni Nick.
Natawa na lang sa kanya ang dalaga. "Biruin mo 'yon? Napansin mo ring may something si Hilda."
"Oo naman. Masyado kayang obvious ang pagiging bilib niya sa sarili niya. Kaya kung ako sa'yo, mag-observe ka rin sa paligid mo. Pati 'yong boss mo na crush mo pala. Paano ba 'yan? Good luck sa'yo," panunudyo naman ni Nick.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...