CHAPTER SEVENTEEN

100 6 3
                                    

Pinilit ni Jarred na ngumiti sa harap ng madla para i-presinta sa board members ang tema ng proyektong tinapos niya noong isang araw. Nagnakaw pa siya ng sulyap kay Josh na mukhang kampante sa sitwasyong ito. Pakiwari niya'y matatalo siya nito ngayon pero hindi na iyon mahalaga. Tila nawalan na siya ng interes sa pakikipagkumpetisyon. Napag-isipan niya rin kagabi na hindi na niya kaya pang magkunwari sa feelings niya para kay Leigh Anne. Alam niyang bawal ang pakikipagrelasyon sa kapwa colleages sa Serenity Life pero nang magkagusto siya kay Leigh Anne, unti-unti niyang napagtanto na may mga bagay pa pala siyang dapat na maranasan maliban sa pagtatagumpay—gaya na lamang ng ideya na dapat pala siyang magmahal.

He cleared his throat and widened his smile to everyone. Iwinaksi niya muna ang pag-iisip sa sarili niyang damdamin habang sinusulyapan din si Leigh Anne.

"Good Morning!" his cheerful greeting.

"So Mr. Jarred, as we see your photos, na-confuse kami. Out of all the models na nagtatrabaho sa'tin, bakit ordinaryong modelo pa ang napili mo? Seems like she's below standard level." May sarkasmo sa pananalita ng isa sa mga board member na hindi na matandaan ni Jarred kung sino.

Mabuti na lang at hindi niya natandaan, ang mga tulad nitong malakas manglait ay dapat kinakalimutan na lang at binabaon sa limot. Na-offend siya para kay Leigh Anne. Nang sulyapan niya ito ay nabatid niya kaagad na nasaktan din ito sa remark ng mapagmataas na board member.

"Because I want to make a difference. Lahat ng tao puwedeng maging modelo, regardless of his/her professions, body size or status in life. Sabi nga nila, pantay-pantay ang Diyos sa mga taong nilikha niya. So, bakit kailangang may standard pa? And I'm proudly standing here because I'm proud of my model. She's beautiful, the way she is."

Leigh Anne's heart suddenly beat like a bass drum. Isang magandang musika ang papuri sa kanya ni Jarred pero kahit gano'n, hindi niya pinahalatang kinilig siya.

Narinig niyang tumikhim ang nanay nitong si Ms. Rena na nasa gilid lang pala niya. Nagkibit-balikat siya at minabuting mag-focus na lang kay Jarred na nagpe-present sa harapan pero bigla naman siyang kinalabit ni Ms. Rena.

"Mag-usap tayo pagkatapos ng presentation na 'to. Dumiretso ka agad sa office ko. Get it?" pabulong na sikmat ng ginang.

Binundol ng kaba si Leigh Anne sa mga sandaling iyon. Ano bang kailangan sa kanya ni Ms. Rena? Wala namang kinalaman ang mga trabaho niya sa isang board member na gaya nito.

Dahan-dahan siyang tumango at pinilit pang ngumiti bago bawiin dito ang tingin.

"And kindly explain us, bakit working attires ang suot niya? May similar outfits sa bombero, plumber, doctor at iba pa. Cosplay ba ito?" tanong naman ng isa.

"Ang tema ko po kasi ay women empowerment at ang mga damit na 'yan ay designed by SLi's professional designers pero hindi masyadong nabibigyang pansin," tugon ni Jarred.

Napangiti nang malapad si Mr. Fontafella. "Wow, that sounds interesting, hindi ka babae pero women empowerment ang temang napili mo."

"Kasi hindi naman natin kailangang maging babae para hindi maramdaman ang struggle nila. Ang gusto ko lang na patunayan, kaya ng mga babae ang trabahong panlalaki, flexible din sila gaya ng mga lalaki. At layunin din ng temang ito na magkaroon ng safe place to work ang mga kababaihan. Dito sa Serenity Life, hindi pa rin nawawala ang indecent proposals ng ibang share holders sa mga babaeng empleyado na natitipuhan nila rito. May mga nambabastos pa rin, feeling nila ay nabo-boost ang pagkalalaki nila dahil nakakapang-harass sila ng babae."

Tumango-tango si Mr. Fontabella. "Magandang idea Mr. Jarred. Bago ito sa pandinig ko. I will consider it. Pero, hindi naman lingid sa kaalaman mo na medyo mababawasan ang puntos mo dahil muntik mo nang 'di ma-meet ang deadline."

"Kung anumang desisyon ninyo, tatanggapin ko po nang maluwag sa damdamin ko Sir," nakangiting sagot ni Jarred. Napatingin siya sa gawi ng kanyang ina at alam niyang dismayado ito sa kabila ng effort niya.

***

Paulit-ulit na bumuntong-hininga si Leigh Anne bago pumasok sa tanggapan ni Ms. Rena.

"Good afternoon Madam," pormal na bati niya rito.

"Maupo ka." Kahit sa puntong iyon, wala man lang siyang nabakas na sigla sa tinig nito. Tila nayayamot ito na makipag-usap.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy Ms. Leigh Anne. Alam mo bang lately, may napapansin akong kakaiba sa anak ko? At alam mo kung sino ang anak ko 'di ba?"

Napakagat-labi siya. Batid niyang may matinding dahilan si Ms. Rena kaya gano'n ang tanong nito. May nagawa ba siyang mali?

"Yes Maam, si Sir Jarred po," nanginginig na tugon ni Leigh Anne.

"Hindi ko man lubusang kilala ang anak ko, pero may mother instinct ako Ms. Leigh Anne. At alam kong may nagugustuhang babae ang anak ko kaya hindi siya makapag-focus o baka may dini-date siya. Kilala mo ba kung sino?" Nakataas ang kilay ni Ms. Rena nang ibato ang tanong kay Leigh Anne.

"Hindi ko po alam. Hindi ko po ugaling makialam sa personal na buhay ng boss ko," tahasang sagot ni Leigh Anne at sinalubong ng tingin si Ms. Rena.

"Pero pinakialaman niya ang personal mong buhay. Tama ba ako?"

"Ma'am?"

"Bingi ka ba? Sabi ko, pinakialaman niya ang personal mong buhay. Nalaman kong pinapatanggal niya sa shareholders si Mr. Romulo nang dahil sa'yo." Biglang sumilay ang ngiti sa labi ni Ms. Rena.

"Akala ko hindi kayang ma-inlove ng anak ko. Wala pa siyang naka-date dahil masyado namin siyang pinalaki bilang isang ambisyoso at akala talaga namin ng dad niya, ngusto niyang maging CEO sa Serenity Life, but it turns out na kami lang pala talaga ang may gusto nito. At sa presentation niya kanina, napatunayan ko na nga na ikaw pala talaga ang gusto niya."

"Ma'am, huwag n'yo pong bigyan ng kahulugan ang mga sinabi ni Sir Jarred. Natural lang na sabihin niya 'yon dahil sa tema ng project namin," Leigh Anne clarified.

"Kung anumang maging kapalaran ng anak ko, kung maging CEO man o hindi, proud pa rin naman ako sa kanya. Kaya lang, hindi ko talaga maipakitang proud ako sa achievements niya. Dahil sa ma-pride at perfectionist akong tao. I also tried to talk to him last night, pero wala siya sa mood. Para siyang na-basted," pagtatapat ni Mrs. Rena.

Napalunok lamang si Leigh Anne at hindi na umimik pa. Alam niyang hindi siya dapat umasa sa mga sinabi ni Mrs. Rena. Sa bibig na nga nito mismo nanggaling na hindi nito lubusang kilala ang anak. Pero sa kabilang banda naman, ina-assume niya na baka nga siya pala ang dahilan ng pagiging malungkot daw ni Jarred. Sana nga, siya na lang iyon.

"But as of now, I just have to witness what he can do. Kung tatagal ba siya sa challenge na ito, o ipagpapalit niya 'yon para sa pag-ibig. Ms. Leigh Anne, kahit na gusto ka ng anak ko eh sasamantalahin mo na. Of course, nandito kayo sa SLi so kailangan n'yo munang maging professional. Huwag kayong maglandian," paalala ni Ms. Rena kasabay ng paghagikhik niya.

"Opo, ma'am." Abot tainga ang ngiti niya sa mga sandaling iyon. Ngunit nasira ang maganda niyang mood dahil sa biglang pagsulpot naman ni Josh.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon