CHAPTER FOUR

137 4 0
                                    

"Saglit lang! Sisiksik na lang ho ako!" hindi alintana ni Leigh Anne ang masikip ne jeep at tiniis niyang umupo kahit nahihirapan na dahil ayaw niyang ma-late sa unang araw niya sa SLI. Laking pasasalamat niya dahil hinintuan siya ng tsuper upang makasakay siya.

"Ganito na nga talaga kalala ang traffic, sabi maunlad na raw ang bansa kapag may traffic, well saan banda?" aniya habang nakadungaw sa labas at pinahaharurot ng tsuper ang jeep upang makarating ang lahat ng pasahero sa kanilang destinasyon. Nang makarating sa ikalawang stop papunta sa Serenith Life, mabilis na inamoy ni Leigh Anne ang sarili at napangiwi siya dahil doon.

"Buti na lang may cologne ako, nakakahiyang mag-amoy usok sa office mamaya," sabi niya nang ilabas ang maliit na cologne at iwinisik sa suot niyang blouse.

Nakahinga rin siya nang maluwag dahil nakarating siya sa SLI building bago pa ang oras ng kanyang time in.

"At least 10 minutes early," pampalubag-loob ni Leigh Anne sa sarili niya.

Inilapag niya sa mesa ang bag at nag-time in sa biometrics. Hinanap niya kaagad si Jarred na kanyang boss. Sa totoo lang, nate-tense na kaagad siya kahit hindi pa sila magkaharap.

"Nasaan na kaya siya?"

She shook her head to ease the tension. Malapit na ang oras ng trabaho ngunit wala pa rin si Jarred, mahirap namang tumunganga baka masita siya ng mga superbisor sa kompanya.

"Leigh Anne, sumunod ka sa'kin."

She gasped as she heard the baritone voice. Kanino pa nga ba manggagaling kundi kay Jarred na hinihintay niyang dumating. Napaangat ang tingin niya at tila lumiliwanag ang paligid sa kaguwapuhan nito. Suot ni Jarred ang kulay asul na suit at maayos 'din ang pagkaka-gel sa buhok. Talaga ngang hindi nagbago ang binata sa pagiging presentable since high school pa lamang. She timidly stood up and followed her boss. Napadpad sila sa isang atrium ng SLI building na nagsisilbing lugar kapag may mahahalagang anunsiyo mula sa pinakamataas na officer ng kompanya. Nagtitipon-tipon na rin ang halos isandaang empleyado.

"Good morning everyone, ngayon ay mangyayari na ang pagtatagisan ng galing nina Mr. Jarred at Mr. Josh para sa CEO position na iniwan ni Mr. Howard Fontabella. Ngayon, makakaasa kayo na kakaiba ang challenge na ibibigay natin sa kanila dahil makikita ninyo sila kung paano magtrabaho at gumawa ng alternatives para lumago ang kompanya."

Nagpalakpakan ang lahat sa anunsiyo ni Mr. Fontafella, ang tatay ng dating CEO na si Howard. Magkatabi lamang sina Jarred at Josh at nagkasalubungan ng tingin.

"Goodluck, sana naman hindi ka mag-take advantage dahil lang kamag-anak ka ng CEO," pabulong na pasaring ni Josh kay Jarred. Si Jarred kasi ay pinsang buo ni Howard Fontabella na kilala sa palayaw nitong "Howie".

Dahil nais na mag-focus sa pagbuo ng pamilya at sa bago nitong propesyon bilang professor, naisip nitong ipaubaya ang pagiging CEO ng Serenity Life.

Jarred forced himself to smile.

"Kung nagti-take advantage ako, eh 'di sana ako na ang pumalit sa posisyong naiwan ni Howie, kaso hindi nangyari 'yon dahil gusto kong maging patas sa'yo. Hindi kasi ako 'yong tipo ng tao na gumagawa nang mali para makuha ang desired position niya sa kompanya. Nag-iisip naman ako, ewan ko kung nag-iisip ka," ganti ni Jarred at tinapunan ng mapagbantang tingin si Josh.

Napansin niyang rumehistro ang pagkayamot sa mukha nito at may sasabihin pa sana ngunit narinig nilang nagpatuloy sa pagsasalita si Mr. Fontabella.

"Ngayon, ipakikilala kong muli sa inyo ang dalawang loyal employee ng SLI, si Jarred Fontafella ng marketing dept. at Josh Juan ng Advertising dept."

Nagkatinginan ang dalawa na para bang hindi nagkagirian bago umakyat sa entablado.

Matapos ang pagpapakilala ni Mr. Fontabella kina Jarred at Josh, bumalik na ang lahat sa designated department. Leigh Anne felt so awkward while following her boss inside the office. Napansin niya rin kanina pa ang pagkayamot ni Jarred, hindi niya alam kung dahil ba sa kanya. Samantalang okay naman ito bago magsimula ang announcement ni Mr. Fontabella sa atrium.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon