CHAPTER SEVEN

113 4 1
                                    

"Leigh Anne, bilisan mo. We will proceed to Mr. Fontabella's office!"

Naalarma si Leigh Anne dahil sa lakas ng boses ni Jarred na mukhang kanina pa sa likod at pinagmamasdan kung paano siya maging busy sa pagf-file ng mga dokumentong ihaharap kay Mr. Fontabella.

"Y-yes Sir. Saglit lang po at inaayos ko lang ang—"

"Di ba sabi ko bilisan mo?" pagalit na tanong ni Jarred. Hindi pa natatapos ang araw na ito ay nag-uumapaw na ang stress na kanyang nararamdaman. Biglaan kasing nagpatawag ng meeting ang tito niya at kasama pa ang nanay niyang si Mrs. Rena na isa sa board members ng kompanya. Apologetic na napangiti si Leigh Anne upang ikubli ang pagkapahiya sa harap ni Jarred. Mabilis naman siyang tumalima sa utos nito.

"Diyos ko. Mas nakakatakot si Sir Jarred ngayong araw," usal niya sa sarili. Inabot ng limang minuto bago nila marating ang meeting venue. Kitang-kita agad ni Leigh Anne ang isang babae na malaki ang pagkakahawig kay Jarred na kasama ni Mr. Fontabella.

"So what I need is the recommendations kung paano i-improve ang department errors. Sabi mo sa'kin Jarred, maraming delay sa accounting. Maari ko bang makita ang report?" untag ni Mr. Fontabella.

Kaagad namang binalingan ni Jarred si Leigh Anne dahil naihanda naman nito ang nasabing dokumento.

"Pakibigay ang report," bulong ni Jarred sa kanyang assistant.

Natatarantang hinanap ni Leigh Anne sa patong-patong na folders ang tinutukoy na report ni Jarred pero tinambol ang puso niya sa laba dahil wala doon ang pakay.

"Nandito lang 'yon," ani Leigh Anne sa sarili at binabalasa na ang folders na parang mga baraha. Inabot ng isang minuto ang paghahanap ngunit hindi niya pa rin nakita. She noticed that all the people in the meeting office were looking at her.

Napakunot-noo na lang si Jarred. Hindi siya puwedeng magmukhang unprepared dahil bukod kay Josh ay kasama rin sa meeting ang kanyang ina. Ngayon siya dapat magpakitang-gilas pero mukhang nabulilyaso pa dahil sa kapalpakan ni Leigh Anne.

"Wala ba kayong back up?" tanong pa ni Mrs. Rena habang nakataas ang kilay sa anak niyang si Jarred.

"Sorry for the delay. Puwede po bang paunahin muna sa presentation si Josh?" kinakabahang tanong ni Jarred.

"Is it okay with Mr. Josh?" tanong naman ni Mr. Fontabella.

"Of course Sir, we're always prepared," pagmamalaki pa ni Josh at mabilis namang kinuha ni Hilda ang report. Napatayo si Jarred sa upuan at sinenyasan si Leigh Anne upang lumapit ito sa kanya. Saka na siya muling umimik nang makalabas sila sa opisina.

"Ms. Leigh Anne, alam mo bang malaking bulilyaso 'yon? Bakit hindi mo dala lahat? Ang layo pa ng office ko rito. Paano na?" panenermon ni Jarred. Napakagat-labi si Leigh Anne at hindi agad nakasagot. Kaag inangat niya ang kanyang mukha at salubungin ang tingin ng boss niya, baka atakihin na siya sa sobrang tensyon. She's the one at fault pero nadamay pa si Jarred, nakakahiya.

"Sir, wait lang po. Babalikan ko sa office, tatakbuhin ko na lang," suggestion ni Leigh Anne at nakayukong tumakbo palayo sa nagngingitngit na si Jarred. Wala siyang pakialam kahit ilang beses na siyang natapilok sa kanyang three inch heel habang tumatakbo. Masisisi ba niya ang sarili na huwag mataranta gayong pinabibilis ni Jarred ang pagkilos niya kanina habang inaayos ang mga dokumento?

Saka lamang siya muling huminga nang nasa tapat na siya ng office ni Jarred. Ang file na hinahanap nito ay nasa mesa lang pala at naiwan. May iba pang unnecessary documents pero naisip na lang 'din na dalhin ni Leigh Anne dahil baka hanapin pa.

Nang matapos ang meeting, nagsialisan na ang mga tao sa office ni Mr. Fontabella at tanging si Jarred at nanay nito ang naiwan sa loob.

"Prepared ka ba talaga para sa gusto mong posisyon? Kita mo 'yong palpak mo kanina? Buti 'yon lang dahil kung mas malala pa, alam kong 'di mo naman maso-solve kaagad," iritableng sermon ni Mrs. Rena sa kanyang anak. Simula pa noon, pangarap na niya para kay Jarred ang maging CEO, kung tutuusin ay hindi na kailangan ni Jarred ng ganitong uri ng kompetisyon pero siya ang nag-insist. Nakakahiya naman kasi na panghabambuhay na i-bully ng mga taga-Serenity Life si Jarred at sabihing pinapaboran lang ito dahil kamag-anak ni Mr. Fontabella. Bukod doon ay hindi pa sapat ang diskarte nito sa pagtatrabaho kahit aminado siyang matalino ang kanyang supling. She wants a perfect Jarred like in her dreams.

"Nagawan namin ng paraan Ma, okay na 'yon, may next time pa naman," walang kagana-ganang tugon ni Jarred. He doesn't want to argue this time. Baka lamunin siya ng stress kapag nangatwiran pa. Pressured na nga siya kay Josh, nadagdagan pa dahil sa sariling ina.

"Next time? Kailan? Kapag naungusan ka ni Josh?" Umikot ang mga mata ng ginang at padabog na kinuha ang pagmamay-aring folder sa mesa. "Kung nakinig ka lang sa payo namin ng dad mo. Na i-grab mo ang offer ng tito mo na maging CEO agad at hindi na dumaan pa sa kompetisyong ito."

"Ma, hindi pa ako magaling. I take this challenge to improve—"

"Iyon na nga. Puro improvement ang goal mo, pero hindi ka umuusad. Walang nangyayari. Tila pagong ka kung kumilos. Bahala ka na." Mrs. Rena sighed with full disgust. Hindi na niya matagalang makita ang anak kaya iniwan na niya ito sa opisina.

Napasuntok nang marahan sa mesa si Jarred. Kahit kailan, hindi nakita ng kanyang ina ang mga pagsisikap niya bilang empleyado. Nasanay na kasi ito na nadadaan sa mabilisang proseso ang lahat. Wala siyang kamalay-malay na naririnig ni Leigh Anne ang usapan nilang mag-ina. Naghintay lamang si Leigh Anne sa tapat ng office gaya ng iniutos sa kanya ni Jarred. Nakaramdam siya ng awa para sa binata dahil hindi niya lubos maisip na ganoon makipag-usap ang nanay nito, parang galit at ambisyon na lang ang pinapairal.

"Siguro dahil pressured si Jarred sa sarili niyang nanay kaya gano'n siya kumilos," sambit ni Leigh Anne.

***

Paika-ikang maglakad si Leigh Anne habang palabas na sa office building. Nasira ang kasi takong ng kanyang sapatos dahil sa pagmamadali na mabalikan ang report sa office.

"Sabi ng tindera matibay daw 'tong sapatos. Ilang minuto lang akong tumakbo, tumuklap na at humiwalay na ang takong. Puntahan ko nga siya mamaya," nakangiwing sambit niya nang hubarin ang sapatos sa kanyang mga paa. Wala pa naman siyang baon na tsinelas kaya no choice kundi ang maglakad habang nakapaa hanggang sa bus station pauwi sa bahay.

Maingat naman siya sa paglalakad pero 'di inaasahang makakatapak pa rin siya ng maliit na bubog sa daan. Napaigik siya bigla sa sakit at sumandal sa pader.

"Bakit ngayon pa? Wala rin akong band aid. Bakit naman kasi napakalayo ng tiangge rito? Wala man lang bang tiangge?" Huminga na lamang siya nang malalim upang maibsan ang kirot.

Naupo muna siya sa upuang bakante sa isang waiting shed. Sinubok niyang patigilin ang pagdurugo ng talampakan gamit ang tissue paper pero 'di rin umubra.

"Ano nang gagawin ko nito?" tanong niya sa sarili.

Several minutes later, isang kotse ang bumusina at huminto sa tapat lamang ng kinauupuan niya. Napaangat ang tingin ni Leigh Anne dahil sa nakabibinging busina. Iyon pala, si Jarred ang lalaki sa kotse. Lumabas ito at mabilis siyang sinaklolohan.

"Anong nangyari? Bakit hindi ka nagsabi na nasaktan ka sa work kanina?" may himig panenermong tanong ni Jarred at nakatingin sa paa ni Leigh Anne.

Napakamot-ulo lang ang dalaga. "Hindi naman 'to nangyari sa work. Bago lang 'to, habang naglalakad Sir Jarred."

"Kahit na ba? Nasira ang sapatos mo dahil sa pagmamadali. Sana sinabi mo, mukhang may pilay ka na rin. Tara, samahan kita sa ospital," nag-aalalang sagot ni Jarred. He wanted to get mad for Leigh Anne. She's too resilient. Ikinaiinis niya ang ugaling ganoon. Paano na lang kung may malala pang mangyari, posibleng maapektuhan ang performance nito sa trabaho.

"Wala ka pa ring pinagbago Leigh Anne," Jarred mouthed. Kumunot ang noo ni Leigh Anne at sinalubong ang tingin ng kanyang boss na to the rescue sa kanya, unexpectedly.

"Ako? Kilala mo ako Sir Jarred?"

He smirked. "Bakit kita makakalimutan? Ikaw ang first kiss ko, ang dahilan ng kahihiyan ko sa school."

Napailing na lang si Leigh Anne. "Sir, sorry talaga sa nangyari noon. Immature pa ako that time."

"Hanggang ngayon naman, immature ka pa rin," pakli naman ni Jarred. "Huwag ka nang tumanga-tanga dyan. Ihahatid na lang kita sa inyo."

"Hindi na po kailangan," tanggi ni Leigh Anne.

"Po?" Bahagyang natawa si Jarred. "Isang taon lang ang tanda ko sa'yo."

"Pero kahit na ba, kailangan pa rin kitang igalang," katwiran pa ni leigh Anne.

"Kung ginagalang mo ako, papayag ka na ihatid kita," suhestyon pa ni Jarred.

Alanganin tuloy ang naging ngiti ni Leigh Anne. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya dahil na-open up na ni Jarred ang tungkol sa embarassing past nila.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon