CHAPTER TWO

150 7 8
                                    

Tiningala muna ni Leigh Anne ang mataas na building ng Serenity Life Corp., bago tuluyang pumasok sa loob nito.

"Leigh Anne, huwag kang kakabahan," habilin niya sa sarili pagtapos ay bumuntong-hininga. Dahan-dahan siyang lumakad patungong reception area dahil hindi siya sanay na magsuot ng three inch heel.

"Good morning Ms., I have an appointment with Ms. Legarda for a job interview," pormal na bungad ni Leigh Anne sa receptionist.

"For a while Ma'am, tatawagan ko lang siya," sagot naman nito sa kanya. She waited for almost two minutes at the lobby. Muling pinukaw ng receptionist ang atensyon niya nang magsalita ito.

"Ms., proceed daw kayo sa 5th floor, room 3."

Nilaparan niya ang ngiti sa receptionist bago lisananin ang lobby. "Salamat!"

She rushed to the elevator when she realized that there's only five minutes before the time of her scheduled interview with the HR Manager. Nakakahiyang ma-late siya sa interview! Hindi na nga niya alintana ang siksikan sa elevator, she bumped at a tall guy wearing royal blue suit with an alluring scent of his perfume. Napasulyap si Leigh Anne sa lalaki. At 'di inaasahang magigimbal ang buo niyang pagkatao nang mamukhaan niya ang lalaking iyon.

"Jarred?"

Kasabay ng pagtigil ng elevator sa 4th floor ay ang paglabas din ng lalaki. Hindi niya tuloy makumpirma kung kilala niya ba talaga iyon. But her heart skipped beating when she took a glimpse of that guy, the same way she felt every time she saw her first unrequited love. Bumalik sa realidad ang utak ni Leigh Anne nang makarating na siya sa 5th floor na dapat niyang puntahan.

"Siya ba talaga 'yon? Pero anong ginagawa niya rito?"

Nagpatuloy siya hanggang marating ang opisina kung saan isasagawa ang interview na nagtagal ng thirty minutes.

"Feeling ko mababa ako sa written exam, at wala pang kwenta 'yong mga sinagot ko sa HR manager. Hay naku Leigh Anne, tanggapin mo na lang na 'di ka dapat sa trabahong ito," bulong ni Leigh Anne sa sarili makalipas ang ilang minutong paghihintay ng result sa exam niya. Napatingin siya sa gilid, isang kapwa babae na job hunter din ang nandoon. Pero mukhang may confidence siyang nakikita sa mukha nito.

"Ang hirap ng exam ano?" approach niya sa babae habang nakangiti.

"Not really. Natapos ko nga within 10 minutes kahit 30 minutes ang palugit ni HR," pagyayabang nito.

"Buti ka pa, hindi ka nahirapan," alanganing sambit pa ni Leigh Anne.

"If you finished bachelor degree course naman, bakit ka mahihirapan?"

Napasinghap siya. "Ako kasi to be honest, kahit naman nakapagtapos ako, mahina pa rin ang utak ko. So, good for you. Sana makapasa ka."

"I know, sana ikaw din," pakli nito sabay ang tipid na ngiting hilaw.

"Leigh Anne Gerona"

Napatayo kaagad si Leigh Anne sa pagtawag ng hr manager. "Yes Ma'am?"

"Halika, idi-discuss ko sa'yo ang result ng exam mo."

Kinakabahang lumapit si Leigh Anne sa HR head. Ngayon pa lang, inaasahan na niyang hindi siya pasado sa job application na ito.

"Dideretsahin na kita Ms., ang baba ng score mo sa exam. Aside from that, hindi ka rin confident sa pananalita mo. And sa resume mo, makikitang wala ka pang experience sa office job. Pero dahil ni-recommend ka ni Ms. Bessy na wife ng isa naming loyal investor, ico-consider ka na lang namin. So, welcome to Serenity Life." Bakas man ang sarkasmo sa tinig ng HR manager na si Ms. Legarda, iniabot pa rin niya ang palad upang makipagkamay kay Leigh Anne.

"T-thank you Maam." Leigh Anne kept a grin on her face, kahit parang dinudurog na ang puso niya dahil sa pagprangka ni Ms. Legarda. Nakipagkamay pa rin siya, as a sign of professionalism na lang.

"Diretso orient na rin ang gagawin ko Ms. Gerona. Wala kang department na mapupuntahan, kasi i-a-assign kita bilang assistant ng isang top employee na running for CEO position," paliwanag ni Ms. Legarda.

"Okay po Maam," magalang na sambit ni Leigh Anne.

"Ang gagawin mo lang, sundin ang inuutos niya sa'yo. Mayro'n pa rin namang magtutyro sa'yo na isang senior officer. Hindi ka dapat kabahan. Ang magiging boss mo, halos kaedad mo lang. And wait — sa pagkakaalam ko pareho kayo ng pinasukang high school."

Umarko naman ang kilay ni Leigh Anne. Sino kaya ang tinutukoy ni Ms. Legarda? Pakiwari niya tuloy ay si Jarred na iyon dahil ito lang naman ang nakita niya sa elevator na pwede niyang kapareho ng school. Kung tama nga siya, masasabi niyang napakaliit ng mundo. Magkahalong tuwa at kaba ang lumulukob sa kanya kung si Jarred nga ang kanyang makakatrabaho sa Serenity Life. Tuwa dahil sa wakas, makikita na niya ang una niyang pag-ibig at kaba, dahil alam niya na siya ang dahilan kung bakit ito napahiya sa campus nila noon.

"Ano po bang pangalan niya? Baka po magkakilala kami?" tanong naman ni Leigh Anne.

"Jarred Fontabella. Do you know him?"

Nanlaki ang mga mata niya, halos lumuwa na nga iyon dahil sa pagkagulat.

"Y-yes Maam," she nervously uttered.

"Tamang-tama naman pala eh. Magkakilala na kayo, hindi na kayo mahihirapang mag-adjust sa isa't isa," komento naman ni Ms. Legarda.

"Actually, kilala ko po siya. Pero hindi niya ako kilala. At masyadong malaki ang school namin noon," paglilinaw naman ni Leigh Anne.

"Okay then. Siguro talagang popular si Jarred, sa gwapo ba naman niya eh. Di ba, guwapo siya? At matalino?" may halong kilig na pahayag ni Ms. Legarda.

"Opo Maam. Guwapo nga siya." Lihim na ngumiti si Leigh Anne. Now, she has the main reason that she can hold on to this job, aside from the fact that she badly needs it to meet her ends too.


***


Habang si Jarred naman, kinakabahan pa rin dahil bigla silang ipinatawag sa meeting para sa kompetisyon nila ni Josh sa pagiging CEO.

"Ngayon ninyo makikilala ang mga assistant ninyo. Tama, binibigyan ko kayo ng assistant dahil may activities ako na ipapagawa at kailangan ninyo ng assistant."

Nagkatinginan ang magkatunggaling sina Jarred at Josh matapos na marinig ang anunsyo ni Mr. Fontabella, silang tatlo lamang ang kasalukuyang nasa loob ng conference room.

"Excuse me, sir. May sekretarya na ako, si Trisha. Bakit kailangang magpalit pa?"

"Dahil nga sa reshuffling. Okay?" sagot ni Mr. Fontabella.

Ilang saglit ay may tinawagan muna sa telepono si Mr. Fontafella. "Delly, papasukin mo na ang newly hired employees natin."

Kapwa napalingon sina Jarred at Josh nang bumukas ang pinto. Dalawang female employees ang pumasok at hindi maitatago ang kaba ng mga ito kahit pa nakangiti. Ngunit napansin ni Jarred na pamilyar ang isang employee sa kanya. He raised his brows when he recognized that lady.

Paano ba niya makakalimutan ang babaeng nagnakaw ng kanyang first kiss noong high school pa lamang siya? That same girl na naglagay sa kanya sa matinding kahihiyan noon?

"That girl in the library, ikaw nga," sa isip-isip niya habang tinapunan ng mapanuring tingin si Leigh Anne. Until now, he hated her. Kung hindi sana ginawa ni Leigh Anne iyon, hindi sana siya mapapahiya at hindi sana magkakaroon ng bad reputation sa buong school. He graduated nang hindi pa rin tinatantanan ng tsismis tungkol sa kanilang dalawa.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon