“Ikaw talaga ang pinagpapantasyahan sa buong campus. Iba ka talaga Jarred!" namamanghang bulalas ni Theo sa kaibaigan niyang si Jarred. Ito lang naman kasi ang king of the night ng prom nila na ginanap last saturday at hindi maikakailang matunog ang pangalan nito sa mga babaeng schoolmates nila. Hindi lang guwapo si Jarred, matalino rin at athletic kaya kahit sinong babae ay lumuluwa ang mata kapag nariyan siya. Siya rin naman ang representative ng school nila sa National Science Quiz competition.
“Mas gwapo ka naman Theo. Mauuna na pala ako, pupunta lang ako ng library dahil magre-research ako para sa homework natin," wika ni Jarred. Tumango naman si Theo at nagpaalam na rin sa kanya.
Diretso siya agad sa library. Lumapad ang ngiti niya nang makitang kaunti pa lang ang taong naroroon. Tanging librarian lang ang nasa loob kaya kampante siyang makakapag-focus sa pagre-research. Karamihan kasi sa mga babaeng kapwa niya estudyante ay hindi naman talaga nagre-research kapag nariyan siya, walang ibang gagawin ang mga ito kundi ang magpapansin sa kanya kaya wala na siyang ibang magawa kundi ang umiling at magkunwaring hindi niya alintana ang pagpapa-charming sa kanya ng mga babae.
"Aha, gotcha!" Napangiti siya nang mahawakan ang pakay na librong may kinalaman sa physics. Nalalapit na ang quiz competition kaya kailangan niyang mag-memorize nang maigi para maipanalo ang kanilang school. Inilapag niya sa table ang libro at tiningnan ang table of contents nito.
"Page 72," aniya habang binubuklat ang pahina ng hawak niyang libro. Nagpatuloy siya sa pagti-take notes at hindi niya namalayan ang isang pares ng matang kanina pa nakatingin sa kinaroroonan niya.
Meanwhile, every time when Leigh Anne saw this guy, daig pa niya ang tumakbo sa isang marathon dahil sa mabilisang tibok ng kanyang puso. Matagal na siyang may crush kay Jarred, sa pagkakatanda niya ay nagsimula ang paghanga niya rito noong nasa 1st year pa lang siya. Iba si Jarred sa lahat ng lalaki. Very approachable kasi ito, magalang, matalino at masayahin ito. Bonus na lang ang pagiging gwapo nito para sa kanya kaya siya napahanga. She dreamed for several years na magkaroon man lang ng time na makausap niya si Jarred pero malabong mangyari dahil nasa 4th year na si Jarred at malapit na ang graduation nito sa kanilang school. Samantalang siya, 3rd year pa lang at kapag nagkakaroon ng events ang school, palaging nakahiwalay ang students depende sa kanilang year. Pagkakataon na sanang makausap niya si Jarred sa prom pero hindi niya nagawa. Hindi kasi siya naka-attend dahil naospital ang nanay niya at siya lang ang inaasahang magbantay hanggang sa paggaling nito. Siya kasi ang panganay sa kanilang magkakapatid at ang bunsong kapatid niya ay nasa murang edad pa lamang. Ang tatay niya naman ay nakadestino sa ibang bansa bilang engineer.
Tamang tama, walang ibang tao sa library at malayo naman ang puwesto ng librarian. Ito na siguro ang pagkakataong hinihintay niya, ang makausap si Jarred at umamin na crush niya ang binata. Bumuntong hininga siya bago ito lapitan.
"Hi Jarred," nahihiyang bati niya. Umangat naman ang mukha nito sa kanya.
"Yes? Bakit mo nga pala ako kilala?" takang tanong nito.
"Popular ka kasi dito sa school kaya kita kilala," nahihiyang tugon ni LeighAnne.
Napakunot noo si Jarred. "Kung ganoon, ano palang kailangan mo? Itong physics book ba?"
"Ahm… Jarred, sa totoo lang, matagal ko na 'tong pinangarap eh. Matagal ko nang tinatago ang nararamdaman ko. Gusto ko lang sanang umamin. Kasi eh.. Crush talaga kita."
Tanging pagyuko ang nagawa ni Leigh Anne sa pagsiwalat niya ng nararamdaman. Nanatiling blangko ang facial expression ni Jarred. Sanay na si Jarred na makarinig sa mga babaeng schoolmates niya nang ganoon. Pero wala siyang balak makipagrelasyon dahil 16 years old pa lamang siya.
Pansin niya ang pag-blush ng pisngi ni Leigh Anne kaya napailing si Jarred.
‘Paano nga ulit i-sugarcoat ang masakit na katotohanan?’
"Miss, hindi ko masusuklian ang pagkagusto mo sakin. Pero puwede rin naman tayong maging magkaibigan," alanganin niyang sagot. At nakuha pa niyang mag-offer ng friendship? Okay lang din, ga-graduate naman siya at hindi na niya makikita ang babaeng ito.
Mapait ang ngiti ni Leigh Anne. Hindi nga siya magugustuhan ni Jarred. Walang wala siya kung ikukompara sa mga campus chicks na lumalapit sa binata. Simple lang siya pero alam niyang hindi naman siya ganoon kapangit, hindi pa lang talaga siya hini-hit ng puberty kahit 15 na siya.
'Hindi lang naman itsura ang basehan ng pagmamahal di ba?' binigyan niya pa ng simpatya ang sarili.
"Okay Jarred." Parang dumilim ang paligid dahil sa kanyang disappointment. Pero hindi siya patatalo, basta ang alam niya, mahal na niya si Jarred.
"Jarred—"
Basta na lang niyang hinila ang kuwelyo ng uniform ni Jarred at hinalikan ito sa labi. Pagkatapos ng pagnanakaw ng halik, tumakbo si Leigh Anne. Tangay na rin niya ang librong hawak kanina ni Jarred. Para siyang nanalo sa lotto.
“Sorry Jarred!” bulalas niya habang tumatakbo.
Ilang araw ang lumipas, umugong ang matinding tsismis sa school.
“Hindi na raw makakalaban sa competition si Jarred. May nagawa siyang iskandalo,” sambit ng schoolmate ni Leigh Anne habang nakatanga siya sa school cafeteria.
Minabuti niyang gawi ang palihim na pakikipag-usyoso sa mga nag-uusap.
“Iskandalo?”
“May nakahalikan sa library, junior high student. Mas bata ng isang taon sa kanya. Sabi na nga ba eh, mga playboy ang poging katulad niya. Akala ko pa naman galing siya sa isang conservative na pamilya.”
Tila gumuho ang mundo ni Leigh Anne. Alam niyang siya lang naman ang posibleng tinutukoy na junior high student na kasama ni Jarred. Kung siya man iyon, nangangahulugan na nasira niya ang imahe ng kanyang crush.
AN
Aguuy, sabi ko ayoko ng puppy love thingy na story kaso nakaka-miss ang pagiging teenager. How's the prologue? Sana okay lang sa inyo hahahaha. Re-publish lang since tapos na si series 2 at nagbalik na from military ang portrayer ko rito na si Im Siwan 💜
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...