CHAPTER TWENTY TWO

177 4 12
                                    

The next day, balik na ulit sa trabaho si Leigh Anne. She doesn't know how to act properly in front of her boss after that confession. Pero ang iniisip niya ay kung paano pakikitunguhan ito kahit awkward na ang sitwasyon.

Pagpasok niya sa office, seryosong Jarred na ang bumungad sa kanya. Ni hindi man lang siya binati o kaya tiningnan. Leigh Anne ignored that. Dumiretso na lang siya sa sariling desk at sinimulan kaagad ang trabahong hindi natapos. Tama lang ang paninindigan niya na huwag nang ibigin pa si Jarred dahil sa pagbabago nito ng mood.

Bahala nang lumipas ang ilang oras na magkasama sila sa iisang office, basta dapat lagi siyang busy. Hindi pa nga umiinit ang puwet niya sa upuan, nag-ring kaagad ang telepono kaya napilitan siyang tumayo at sagutin iyon.

"Wait a minute Maam, I will just tell Sir Jarred." Panandaliang inilayo niya sa tainga ang telepono.

"Sir, kailangan daw kayong makausap ni Sir Fontabella." Pormal ang pagkakasabi niya rito.

"Okay. Paki-transfer sa'kin ang tawag," malamig na pagkakasabi ni Jarred na mabilis namang sinunod ni Leigh Anne.

Naiiling na bumalik sa desk si Leigh Anne. Parang tinutusok ng karayom ang puso niya dahil nanumbalik na naman ang pakikitungo sa kanya ni Jarred noong baguhan pa lamang siya sa Serenity Life.

"Okay Sir. I will go to your room after an hour," pakli ni Jarred at ibinaba na ang telepono.

Namayani muli ang katahimikan sa office. Pinilit ni Leigh Anne ang pagfo-focus sa files na ini-encode pero mas nangingibabaw pa rin ang thought na muling lumamig ang pakikitungo ni Jarred sa kanya.

Lumipas ang kalahating oras na walang pansinan ang dalawa. Tumikhim si Jarred at tumayo sa kinauupuan niya. Hinugot niya sa drawer ang notebook na pinakaiingatan ni Leigh Anne, ang diary nito. At walang kaimik-imik na inilapag ni Jarred sa desk ni Leigh Anne ang notebook na lubusang ipinagtaka ng dalaga.

Natameme lang si Leigh Anne. Akala niya'y nawala nang tuluyan ang diary pero sa kabutihang palad, nadampot pala ni Jarred. Siguro nadampot iyon nang mag-walk out siya dahil kay Mr. Romulo.

Namula tuloy ang pisngi niya sa kahihiyan at isa-isang binuklat ang pages ng diary notebook, wala namang napigtas na pahina doon hangga't sa napadpad siya sa pinakadulo.

"Ms. Lala, nabasa ko na ang lahat. No need to hide your feelings, I feel the same way for you. Love me, my lady!"

Mabilis na kumaripas si Leigh Anne ng takbo palabas. Alam niyang papunta si Jarred sa office ni Mr. Fontabella kaya doon na rin siya magpupunta at maghihintay sa paglabas ng binata.

She have to explain and clarify things for him. Kailangan na niyang ilaban ito dahil kung hindi, baka pagsisihan niya lang sa bandang huli.

***

"Are you sure Jarred? Honestly, ang project ninyo ni Leigh Anne ang napili namin kaya nakakapanghinayang na bibitiw ka na sa kompetisyon ninyo ni Josh," malungkot na tanong ni Mr. Fontabella. "Ikaw na ang ia-announce na CEO. Hindi ka masaya?"

Desidido na si Jarred na pakawalan ang pangarap dahil may mas mataas na pangarap pa palang gusto niyang maabot— si Leigh Anne.

"Yes Sir. Buo na po ang desisyon ko. At isa pa, deserving si Josh. Mas kailangan niya 'to para sa pamilya niya. While me on the other hand, I don't have a family yet. At naisip ko na walang sense ang ambisyon ko dahil hindi pa pala ako fully motivated. My mom forced me wayback then, but we already reconciled and she listened to my sentiments. She told me that it's up to me if I concede or not. Bahala na po kayong mag-decide basta ako, I'm losing my motivation to pursue the CEO position," pag-amin ni Jarred.

Pagak na natawa ang ginoo. "I admire you more. I think you need a break too after this. Ilang years ka nang employed pero 'di ko nakitang nag-a-unwind ka. What's your plan?"

"Magpapakasal."

"Oh, kaya naman pala. Pinana ka na ni Kupido. Akala ko puro trabaho lang ang iniisip mo at robot ka. Hulaan ko, 'yong model ba ng project na si Ms. Leigh Anne ang gusto mo? Iyong dating sinusungitan mo?" Nangislap ang mga mata ni Mr. Fontbella nang ibato nito ang seryosong katanungan na dapat sagutin ni Jarred.

"Paano n'yo nalaman?" Tinubuan ng hiya si Jarred sa sandaling iyon.

"Because your eyes were smiling everytime you took a glance at her. You proudly talk about her. You put her on a pedestal. When you look at her, it seems like she's the only person at the crowd. You never look at someone in a gorgeous way if you're not into her. Your eyes says it all— you admire her beauty, inside and out. It's like you were searching for something that your naked eyes can't see— her soul because you're not a mind reader. You want to know if she feels the same way about you. Admit it before somebody else take her away from you."

Punong-puno ulit ng determinasyon si Jarred matapos marinig ang payo ni Mr. Fontabella. "Yes po, gagawin ko na. Kailangang mapaamin ko na siya."

"So congrats, hindi dahil CEO ka na, kung hindi— congrats dahil sasagutin ka na ni Ms. Leigh Anne," habol na tugon ni Mr. Fontafella bago siya makalabas ng office.

"I hope so, Sir!"

After a while, pinayagan na rin ni Mr. Fontabella na magsalita ang announcer sa buong building ng Serenity Life para i-announce kung sino ang napiling CEO.

"Congratulations, Mr. Josh Juan! Our new CEO!" sabi ng announcer na dumadagundong ang mayuming tinig sa samo't saring speakers na nakakalat sa buong building.

Abot tainga ang ngiti ni Jarred matapos niyang marinig ang announcement. Naniniwala siyang matutuwa si Josh sa balita at baka nga walang humpay ang pagtalon nito dahil sa tuwa.

***

Laking gulat ni Jarred nang bumungad si Leigh Anne pagkalabas niya sa office. Pansin niya ang panginginig ng katawan nito nang magsalubong ang kanilang tingin.

"Better tell me why you followed me here," aniya sa baritonong boses.

Napalunok si Leigh Anne at makailang beses pang tumikhim dahil tila may bikig sa kanyang lalamunan para mahirapan siyang magsalita.

"Dahil sa diary. Sana tinapon mo na lang at hindi mo na binasa," nahihiyang pag-amin ni Leigh Anne.

"Kung binasura ko 'yon, para ko na ring binasura ang pagkakataon na magkalapit tayong dalawa. At dahil sa diary, nalaman kong mahal mo pa rin ako gaya noong nasa high school pa tayo," nangingiting paliwanag ni Jarred.

"Sir, kalimutan mo na—"

"Bakit ko kalilimutan? Eh hindi rin kita makalimutan, Lala." His eyes were pleading again. Then, he smirked.

"Mag-usap tayo sa labas mamaya, okay?"

"Okay Sir."

"Please drop the formality, magiging boyfriend mo na ako." He winked before he left.

Ngayon, sasadyain muna ni Jarred ang katunggaling si Josh. Mamaya na ang personal na issues niya kay Leigh Anne, madali lang naman ang bagay na 'yon. Hindi na siya kumatok pa dahil bumukas agad ang pinto sa office ni Josh. Parang may pupuntahan ito dahil may nase-sense siyang pagmamadali sa kilos.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon