Flashback:
"Wow, may first kiss na si Jarred!" panunudyo ni Theo sa kaibigang abala sa pagbabasa ng libro habang nagla-lunch sila sa canteen. Napaismid si Jarred sa panunuksong iyon.
"Magaling Theo, nakuha mo ang atensyon ko. Pero alam mo naman kung anong nangyari after that," seryosong sagot niya nang hindi binabali ang tingin sa librong binabasa. Dapat siyang mag-focus ngayon dahil nalalapit na ang 4th grading period, mini-maintain niya ang mataas na grado dahil hindi siya puwedeng malaglag sa honors at graduating na rin siya sa school year na ito. Ngunit sa kabilang banda, labis siyang nanghihinayang sa pagkalaglag niya sa competition ng school dahil kay Leigh Anne.
"Usap-usapan na kaya 'yon sa campus. Ang lakas ng loob ng babaeng 'yon ah, maraming may crush sa'yo pero hanggang pag-amin lang pero ang babaeng 'yon may kasama pang halik. Ibang klase!" dagdag na pambubuska ni Theo. Several minutes, napaangat na rin ang tingin sa kanya ni Jarred at padabog na ibinagsak sa mesa ang libro.
"Wala akong pakialam sa kanya, lilipas din 'yon. Pero naiinis talaga ako," katwiran ni Jarred para sa ikatatahimik ng kaibigan ngunit hindi naman ito nakumbinsi sa kanyang paliwanag.
"Bakit kaya hindi mo na lang klaruhin ang side mo. Sabihin mo na wala namang proof," pakli naman ni Theo.
"Hindi na kailangan Theo. Mas kailangan kong magseryoso sa pag-aaral. Mas okay na nga yun na may iba nang papalit sa'kin bilang representative. Although, nakapanghihinayang pa rin. Kaya ikaw, mag-aral ka na rin kasi minsan ang hirap mong turuan," iritableng sagot ni Jarred.
Napanguso naman si Theo. "Okay. Pasensya na, gusto ko lang naman magka-lovelife ka na, parang ang lungkot naman kasi kapag walang inspirasyon."
"Inspired ako, sa mga magulang kong supportive. Ayos na ba? Mag-aral ka na nga," pagkaklaro ni Jarred na sa kabilang banda ay naguguluhan kung talaga bang inspired siya sa ginagawang pagpe-pressure ng kanyang mga magulang.
Since Leigh Anne stole a kiss from him, mas lalong umingay ang pangalan niya. Noon pa siya hindi kumportable sa pagiging popular niya sa school, mas lumala pa ngayon lalo na sa naging usap-usapan tungkol sa kanila. He didn't think about revenge. Ang naisip niya lang ay kausapin ang babaeng 'yon at ipaintindi na hindi tamang nakawan ng halik ang sinuman, regadless of the gender. Kawalang respeto kasi iyon.
Kaya naman nang matapos ang oras ng pagre-review, minabuti niyang hintayin na lang din ang oras ng uwian ng third year students. Nandoon siya sa hallway ng 3rd year high classrooms. Mabuti at nakita niya rin kaagad si Leigh Anne. Madali niya itong namukhaan dahil sa kulot nitong buhok na natural ang pagka-brown. Nang makita siya nito ay mukhang umiwas pa, sumubok kasing dumaan sa ibang hagdan na hindi siya makakasalubong.
Though it seems to be awkward, siya na ang lumapit. Pinagtitinginan pa sila ng ibang estudyante.
"Ms., mag-usap nga muna tayo," kalmadong bungad ni Jarred.
Pumayag naman si Leigh Anne kaya pumuwesto sila sa gilid ng hallway na kaunting estudyante lang ang dumadaan.
"Gusto ko lang malaman mo na kahit hindi ako galit sa ginawa mo, sobrang naiinis naman ako dahil na-disqualify ako. Hindi mo ba alam na dapat may consent muna bago gawin ang isang bagay? Pwede 'yong harassment. Kahit lalaki ako, hindi tama 'yon. You cry for equality pero kapag kayo ang ninakawan ng halik o nahipuan unintentionally, magagalit pa kayo."
Leigh Anne immediately sense the anger of Jarred. Hindi naman maikukubli ng maamo nitong mukha ang galit sa boses nito. Napayuko si Leigh Anne para itago ang pangingilid ng luha sa kanyang mata.
"Pasensiya na," tanging sambit niya.
"Wala nang magagawa ang pasensya mo. Pero sana hindi na maulit ito. At huwag ka nang lalapit sa'kin."
Mabilis na tumalikod si Jarred. Wala nang ibang magagawa si Leigh Anne kundi ang sundan ng tingin ang lalaking papalayo. It was one of the painful frustration, Jarred reject her indirectly. Alam naman niya kung bakit, hindi kasi siya maganda at hindi siya popular sa school. Nakakahiya nga namang maging tampulan ng tukso dahil obvious namang hindi sila nababagay sa isa't isa. At malaking kahihiyan talaga ang ginawa niya sa binata.
***
Leigh Anne sighed exactly when she reached the hallway area. Para siyang nahilo sa pagkagulat na si Jarred pala ang magiging boss niya. Wala na nga siyang mukhang maiharap noon, paano na lang ngayon? Nakabaon na sa malalim na hukay ang feelings niya para kay Jarred. Ang aim niya ay mag-focus pero mukhang hindi niya magagawa pa dahil gaya ng dati, parang humihinto ang oras kapag nasusulyapan niya ang binata.
"Gwapo pa rin siya at mas makisig na tingnan," usal niya sa sarili. Hindi na kasi patpatin ang katawan ni Jarred 'di gaya noong highschool student pa lang ito.
"Bahala na, kakayanin kong harapin siya," pangmo-motivate niya sa kanyang sarili.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga at nagpatuloy sa paglalakad.
"Saan ka pupunta? May orientation pa, sumama ka na sa'kin."
Para siyang nakuryente sa sobrang gulat nang magsalita mula sa likuran si Jarred. Hinarap niya ito nang may ngiting alanganin.
"Sorry, hindi ko alam. I mean, hindi ko na kasi naintindihan," pagdadahilan ni Leigh Anne sabay kamot sa ulo.
Jarred frowned. "Hindi puwedeng hindi mo naiintindihan ang mga bagay-bagay na sinasabi sa'yo. Halika na, sa office ko."
Maawtoridad ang tinig ng lalaki kaya naman natatarantang sumunod si Leigh Anne.
"Okay po. Sir," kinakabahang tugon niya sa gwapo niyang boss.
Hangga't sa makauwi ay sinasaulo pa rin ni Leigh Anne ang mga nakasulat na rules sa handout na binigay kanina ni Jarred. Masyadong marami ang nakapaloob pero hindi naman gano'n kahirap intindihin. Laking pasasalamat din niya dahil medyo maluwag pa sa empleyado ang Serenity Life. Si Jarred kasi ang nagsabi sa kanya na simula nang mag-resign ang dating CEO, maraming rules ang nabago. Hindi rin masyadong mahigpit sa dress code ang kompanya pero dahil baguhan pa lamang siya, binilinan siya ni Jarred na magsuot ng formal attire sa bawat araw na papasok siya sa opisina. Bukod sa rules ng kompanya, may mahalagang bahagi sa handout na hindi dapat makalumutan ni Leigh Anne.
Dahil running for CEO position si Jarred, may mga mahalagang paalala na dapat niyang sundin upang hindi masira ang reputasyon at masigurong mapipili ito sa bandang huli. Unang-una, dapat transparent ang candidate at ang assistant nito, sisiyasatin siyang maigi ni Jarred para naman makampante ito na hindi mapupunta ang loyalty niya sa iba, lalo na sa rival nitong si Josh. Pangalawa, dapat panatilihin ng boss at assistant ang magalang nilang pag-uugali sa lahat ng empleyadong makakasalamuha sa Serenty Life at dapat umiwas sa tsismis. Ikatlo, hindi pwedeng ma-late at lumiban nang madalas sa trabaho, basic rule man iyon pero mahalagang pati ang assistant ay hindi nagsasayang ng oras. Kung sakaling ma-late si Leigh Anne, may sanction din ang boss niyang si Jarred. At ang ikaapat, mahigpit na pinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa sinumang empleyado ng Serenity Life, basic pa rin— but it doesn't bother her anymore. Natitiyak naman niyang wala nang natira sa feelings niya para kay Jarred. Napakawalan na niya ito pagkatapos ng graduation noong high school sila. At napakaimposible namang pumatol pa sa kanya si Jarred.
"Hindi ko na talaga siya crush. I swear," pangungumbinsi niya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...