"Bakit hindi ka pa umuuwi? Malapit ka nang masarahan ng building."
Napapitlag si Jarred at napailing nang makitang papalapit sa kanyang kinarooonan si Ms. Rena.
Iniayos niya ang pagkakaupo sa swivel chair. "Ma, sobrang dami ko kasing hindi nagawa kaya heto, bumabawi ako."
"Bumabawi? Eh wala ka namang ginagawa, nakatulala ka lang sa laptop mo. Parang nanonood ka lang sa netflix," pabirong tugon ni Ms. Rena sabay hagikhik.
Napakunot-noo si Jarred. Bihira lang niyang marinig ang pagtawa ng kanyang ina. May good news ba itong hatid para sa ganoong mood? Pero kahit pa good news iyon, hindi pa rin niya kayang iwaglit sa isip niya ang huli nilang pag-uusap ni Leigh Anne. He felt that he needed to apologize to her. Bukod pa roon, kailangan niya itong suyuin at ipakita ang buo niyang sinseridad.
"Patingin nga ng series na pinanonood mo," sabi pa nito at sinilip ang laptop.
"Kaya ka naman pala nakatulala." Mas lumakas ang halakhak ni Mrs. Rena.
"Ang ganda nga naman kasi ng pinagmamasdan mo. Napakaganda ni Leigh Anne sa pictorials niya kanina, bagay kayo," pagpapatuloy ng ginang.
"Ma, ano ba naman kayo? Ngayon ko lang tiningnan kasi gusto ko lang i-review ulit kung maayos ang naging output," palusot pa ni Jarred. Lalo siyang nahihiya dahil sa pambubuyong natamo niya kay Ms. Rena. Iba nga naman ang mother instinct, kahit na hindi sila close ay malakas pa rin ang pakiramdam nito.
"Anong sense ng review mo? Tapos na ang evaluation. At bakit mo kasi siya tinitingnan? May gusto ka talaga sa kanya ano?" nakatawa pa ring tanong ni Ms. Rena.
"Ma, itigil n'yo na 'yan. Imposibleng magustuhan ko si Leigh Anne, mabait siya at masipag pero hindi ko siya tipo," giit ni Jarred kahit pakiwari niya'y kung si Pinnochio lang siya, baka humaba na ang kanyang ilong dahil sa pagsisinungaling.
"Pero tingin ko, mabuti siyang tao. Nabasa ko kasi ang diary niya sa room mo."
"Binasa mo?" Bumilog ang mga mata ni Jarred sa sobrang pagkagulat. Naalala niyang nakatago nga pala sa kuwarto niya ang diary ni Leigh Anne.
"Oo, one time kasi naglinis ako ng bahay. Alam mo naman, pag bored ako trip kong maglinis 'di ba? Restday ko no'n at napadpad ako sa room mo. May nakita akong notebook na ginawang diary. At alam kong hindi 'yon sa'yo. Mukhang babae ang may-ari. So na-curious ako, baka kasi galing sa girlfriend mo. Iyon din ang gusto ko sanang itanong sa'yo noong isang gabi na nagkita tayo sa bahay," pagsisiwalat ni Mrs. Rena.
"Ma, bakit mo naman ginawa 'yon?" nakangiwing tanong ni Jarred. Parang gusto na niyang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. "Ibabalik ko na nga sana sa kanya 'yon pero nawala na rin sa isip ko."
"At pag binalik mo ba, maniniwala siyang 'di mo binasa 'yon? Umiibig ka na nga. Maganda 'yan, siguro dapat huwag mo nang i-pursue ang pagiging CEO. Dahil nakikita kong mas masaya ka kapag in-love. I only want what's best for you. Sorry sa mga pagkukulang ko Jarred."
"Ma..." He was moved by his mother's sincerity. Bihira lang sila mag-usap, ganito pa ang mga sinabi nito. Nakakapanibago ngunit nakakataba naman ng puso. Hindi niya akalaing may soft spot sa kanya ang magulang na buong buhay niya'y hindi kontento sa achievements niya.
"If you like her, then tell her. Kinausap ko si Leigh Anne kanina, sabi niya na malapit na siyang umalis papuntang Belgium."
"Aalis siya?" bulalas ni Jarred. Kaagad siyang napatayo.
"Oo, so kung ayaw mo siyang mawala, umamin ka na." Naglaro ang ngiti sa mga labi ni Ms. Rena.
"Ma, salamat!"
Napayakap si Jarred sa kanyang ina dahil sobra siyang thankful sa ginawa nito.
He must admit, he fell in love with Leigh Anne. At kailangan niyang umamin bago pa mahuli ang lahat. At bukod pa sa pag-amin, kailangan niyang klaruhin ang side niya. He felt like this is his first move to give up his goals as an aspiring CEO. Pakiwari niya, mas matimbang na ngayon si Leigh Anne at hindi na niya kakayaning mawala ito sa kanya.
***
"Sana hindi marami 'yong tao na magpupunta sa KTV. Gusto ko talagang maglabas ng sama nang loob sa pamamagitan ng pagwawala sa videoke. Letse talaga 'yong boss namin ni Nick, e." Tila mauubos na ang hininga ni Cassie sa paulit-ulit na pagbuga ng hangin. Super stressed na kasi siya sa trabaho samantalang si Nick ay pa-chill chill lang.
"Sana nga eh. Ano kayang kakantahin mo? Sana hindi na love song huh?" pambubuska pa ni Leigh Anne.
"Oo naman, hindi na hugot. Galit ako ngayon eh," nakabungisngis na tugon ni Cassie. Patawid na sana sila sa kabilang kalsada ngunit napansin kaagad ni Leigh Anne ang batang lalaki na umiiyak sa isang tabi.
Sa hinuha niya ay baka naliligaw ito. She excused herself out of her friends and approached the kid.
"Bata, bakit ka umiiyak?" mahinahong tanong niya sa bata.
"Hindi ko po makita si papa. Gusto ko na po siyang makita. Masyado siyang busy sa work niya," tumatangis na tugon ng inosenteng paslit.
"Taga saan ka ba? At anong pangalan ng mga magulang mo?"
Panandaliang tumahan ang bata at ipinakita nito ang isang ID. "Heto po ang ID ng papa ko, baka kilala n'yo siya."
Nanlaki ang mga mata ni Leigh Anne dahil kilala niya ang nasa ID.
"Josh Juan, anak ka ni Josh?" paninigurong tanong niya sa bata at mabilis na pagtango ang sagot nito.
"Kung gano'n, balak mong magpunta sa office niya. Pero bakit wala kang kasama? Delikado ang lumabas mag-isa lalo na't gabi," nag-aalalang aniya.
"Sinubukan ko lang po magpunta, mukhang nag-away po kasi sila ni mama. Gusto ko silang magkabati. Saka malapit na ang birthday ni papa," naluluhang sambit ng paslit.
"Sumama ka sa'kin, baka nasa office pa si Josh." Dahan-dahan niyang inakay ang bata.
Nagpaalam na lang siya kina Cassie at Nick na susunod na lang sa pupuntahan nilang gimik kapag naihatid na ang bata sa tatay nito. Nagmamadali sa paglakad pabalik sa SLi si Leigh Anne. Kinailangan niyang buhatin ang bata dahil baka bumitaw ito at masagi ng sasakyan sa kalsada. Pero laking gulat niya nang makitang sarado na ang entrance door. Ibig sabihin, wala nang taong natitira sa loob.
"Diyos ko, hindi ko pa naman alam kung saan nakatira ang tatay mo," aniya habang karga pa rin ang batang tila inaantok na dahil sa pamumungay ng mga mata nito.
Wala na siyang maisip na puwedeng hingian ng tulong maliban kay Jarred. May posibilidad na baka alam nito ang address ni Josh but she didn't bother herself to call her boss. Minabuti niyang itanong na lang sa bata kung kabisado nito ang address ng kanilang tirahan. Wala kasing address sa likod ng ID ni Josh.
Magbo-book na sana siya sa grab pero napansin niyang huminto ang pamilyar na sasakyan sa kanyang tapat.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...