CHAPTER NINE

118 5 3
                                    

Oras na naman ng uwian pero hindi pa rin natatapos ni Leigh Anne ang ibang filings na dapat ayusin sa mesa ni Jarred. Dahil sa pagka-busy, hindi niya namalayang nakamasid pa pala ito at hindi pa nag-a-out.

"Ms. Leigh Anne, bukas na lang 'yan. Umuwi ka na," untag ni Jarred. Mabilis namang nilingon ni Leigh Anne ang lalaki.

"Sir, okay lang po ito, hindi naman ako aabutin ng isang oras. Ako na lang ang magpapatay ng ilaw dito," katwiran naman ni Leigh Anne.

"Okay, ikaw ang bahala. See you tomorrow," sagot ni Jarred at kinuha ang bag na nakapatong sa swivel chair niya. Palabas na sana siya sa office pero bigla siyang may naalala, na dapat niyang itanong kay Leigh Anne. Baka kasi hindi siya makatulog, if he failed to speak up.

"May itatanong nga pala ako," biglang bulalas ni Jarred.

Kusa tuloy na bumitaw sa pagkakahawak sa mga papel si Leigh Anne. "Ano ba 'yon Sir?"

Jarred cleared his throat. "Galit ka pa rin ba sa'kin hanggang ngayon?"

"Sir?" untag ni Leigh Anne sa tanong ng boss. Kunwari'y wala siyang kaalam-alam sa tanong ni Jarred. Bakit kaya nito naisip na may galit siya? Dahil lang ba sa hindi siya nito nagustuhan? Parang napakababaw namang dahilan noon. Eh sa totoo lang, si Jarred pa nga ang dapat na magalit sa kanya dahil sa pagka-pull out nito sa national quiz competition.

"Ah, nothing Leigh Anne. Uhmm... Should I call you by your nickname na lang?" Jarred diverted the topic just to avoid sudden awkwardness between them.

"L.A na lang, as in L-A," tugon ni Leigh Anne at muling itinuon ang mga mata sa mga papel na nagsiliparan sa office. She acted like she didn't feel nervous while talking to him.

"Or should I call you Lala?" nakangiting tanong pa ni Jarred.

Ikinagulat niya ang suggestion ng boss. Si Jarred pa talaga ang nagbigay ng nickname. That was unexpected.

"Lala? Okay, kayo ang bahala. Masyado bang mahaba ang pangalan ko?" pinilit ni Leigh Anne ang kanyang ngiti. Ngunit sa loob-loob niya, tila romantic para sa kanya na bigyan pa ng sariling nickname ng lalaking malapit pa rin sa kanyang puso.

"No, in fact— I like your name. Bagay sa'yo, maganda," walang halong pagsisinungaling na komento ni Jarred. Bukod sa pangalang maganda, pati ang nagdadala nito ay maganda naman talaga. In fairness naman kay Leigh Anne, ang laki na rin ng improvement ng itsura nito. Her body is in good shape too. He shrugged, baka masobrahan na siya sa kakatingin sa assistant dahil sa paghanga sa physical features nito. Bakit ba siya nagkakagano'n?

"Okay Lala, uuwi na ako. See you tomorrow," paalam ni Jarred.

Bigla isinara ni Leigh Anne ang pinto ng opisina matapos niyang makumpirma na nakalayo na ang boss niya. Kinapa niya ang kaliwang dibdib, napalakas ng tibok nito.

"Bakit bigla siyang bumait?" she wondered. Pero bigla niyang naisip na ginagawa lang ni Jarred na magpakabait sa kanya dahil sa trabaho.

****

"Hello, Sir I received the email. Yes we will immediately do our plan," sabi ni Jarred sa kausap niya sa intercom.

Nang matapos na siyang makipag-usap ay binalingan niya si Leigh Anne na busy sa pagta-type sa PC nito.

"Lala," he almost whispered. Sinusubukan pa lang niya kasing sanayin ang sarili na tawagin sa palayaw si Leigh Anne.

"Sir?" alanganing imik ng assistant. Napahagikhik naman si Jarred dahil sa nakikita niyang reaksyon ni Leigh Anne, tila nahihiya pa ito sa pinapakita niyang kindness.

"Well, I'm glad that you like your nickname. Lala, sounds good." Sumimsim pa si Jarred ng isang tasang kape habang nialabi iyon.

"Magdala ka ng notes mo mamaya, may pupuntahan tayo," dagdag pa ni Jarred.

"Okay Sir." Kumuha na agad si Leigh Anne ng isang filler notebook at isinilid kaagad sa bag.

"Lala, puwede bang alisin mo na lang ang formality between us? Puwede mo akong tawagin sa pangalan na lang. Isang taon lang naman ang tanda ko sa'yo."

Ikinagulat ni Leigh Anne ang sinabi ni Jarred. Kay aga-aga pa, parang naiihi na naman siya sa kilig. Parang bumalik na tuloy ang dating Jarred na nagustuhan niya noon. Dapat ba siyang matuwa o hindi?

"Sorry Sir. I will never drop that formality, ikaw ang magiging future CEO ng Serenity Life. Hindi kita pwedeng tawagin sa pangalan mo lang," Leigh Anne insisted. Kahit papaano, sana makumbinsi niya si Jarred. Mahirap malaman kung ano ang naglalaro sa utak nito. Maybe, his sudden change of approach was all because of his ambitions. Siyempre, may reputasyon din itong iniingatan na dapat manatili para sa isang CEO wannabe. Iyon lang ang naiisip niyang dahilan, never siyang mag-a-assume na magkakagusto ito sa kanya. Pinapairal niya lang dito ang professionalism. At isa pa, hinuha niya ay wala nang natirang feelings ang dating Leigh Anne para kay Jarred. Puppy love lang ang naramdaman niya noon.

"Okay. Then I will call you Ms. Lala. It's more formal though," sabi pa ni Jarred saka tumayo sa swivel chair at sumilip sa kanyang wrist watch. "Pupunta lang tayo saglit sa isang coffee shop, somewhere in Ayala street. May dapat lang tayong i-meet na importanteng tao."

"Okay Sir. Ngayon na tayo aalis?" paniniguro ni Leigh Anne.

"Yup. Tara na."

Within five minutes, narating agad nila ang coffee shop kung saan sila may kakapanayaming importanteng tao. Ginalugad ni Jarred ang loob ng coffee shop at napangiti siya nang makita ang kanyang pakay. Nakasunod lang naman si Leigh Anne sa likod niya.

"Good morning Sir Romulo," bati ni Jarred sa isang lalaking nasa late 40's na kung titingnan. Mabilis naman itong nag-angat ng tingin at tumayo sa kinauupuan.

"Oh? Mr. Jarred Fontabella? Maupo ka," sagot nito at nakipagkamay pa.

Tinanggap agad ni Jarred ang pakikipag-shake hands nito. "This is Leigh Anne, my assistant," pagpapakilala ni Jarred sa kasama.

Nakipagkamay din si Mr. Romulo kay Leigh Anne. Pagtapos magpakilala ay naupo ang tatlo.

"Sir, I'm gonna order 3 cups of coffee for us," ani Jarred at pumunta muna sa counter para mag-order ng kapeng maiinom habang mag-ta-tackle sila ng business plans. Naiwan sina Leigh Anne at Mr. Romulo.

"Gaano katagal ka nang assistant ni Sir Fontabella?" pagbasag ni Mr. Romulo sa namayaning katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

Tipid na ngumiti si Leigh Anne. "Mga dalawang buwan na po."

Natawa lang si Mr. Romulo. "Bakit ka naman nagpo-po? Eh bata pa naman ako."

Pakiwari ni Leigh Anne, may ibig ipahiwatig ang lalaki, sa tono pa lamang ng pananalita.

"Pero Sir, para lang po maging formal ako sa inyo," paglilinaw ni Leigh Anne. Ewan ba niya, bigla siyang nangilabot— lalo na't tinapik nito ang kamay niyang nakalapat sa mesa.

"You're pretty and sexy." Tila gusto nang maduwal ni Leigh Anne sa oras na 'yon. Kaya naman pala hindi maganda ang impression niya kay Mr. Romulo, may ibig ngang ipahiwatig ang pagbibiro nito sa kanya.

"Th-thank you," nauutal pang sagot ni Leigh Anne. Nagpatay-malisya na lang siya. Gusto na tuloy niyang umalis sa harapan nito, pero hindi puwede. Kailangang pakisamahan niya ang importanteng tao daw na handang makipag-usap kay Jarred.

"List down your number, we can be friends," sabi pa ni Mr. Romulo. Umasim tuloy ang mukha ni Leigh Anne.

"Sorry Sir. Hindi ko pa rin matandaan ang number ko dahil kapapalit ko pa lang ng sim," she lied again.

"Okay, si Jarred na lang ang tatanungin ko." Ngumisi pa ang lalaki.

"Pero bakit Sir?" naglakas-loob siyang magtanong.

"Maganda ka kasi, puwede kitang gawing nobya ko."

Naibuga tuloy ni Leigh Anne ang iniinom na tubig. Sana mabilis na dumating si Jarred at nang maputol na ang usapang ito.

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon