"Lala, are you okay?"
Nagbalik sa wisyo si Leigh Anne nang tanungin siya ni Jarred habang lulan sila ng elevator pabalik sa office.
"Y-yes Sir Jarred." Napatango si Leigh Anne.
"Seems like you're not. Are you sick?" tanong ni Jarred dahil simula nang mag-start ang meeting sa kliyente nila ay mukhang hindi na okay si Leigh Anne. Nauna itong lumabas sa elevator nang makarating na sila sa palapag kung saan ang office ni Jarred.
Hangga't matapos ang office hours, nanatiling walang kibuan ang dalawa. Pinilit pang ayusin ni Leigh Anne ang minutes of meeting para wala na siyang iisipin kinabukasan. What made her uncomfortable is Mr. Romulo, parang minamanyak siya ng lalaki kanina pero hindi siya makapalag dahil importanteng ka-meeting ito ni Jarred. Dala-dala niya ang balakid na 'yon hangga't makauwi siya sa bahay. Naabutan niya si Klein na nanonood ng TV. Pinasadahan din niya ng tingin ang kabuuan ng bahay, mukhang malinis na at walang kalat.
"Mabuti naman at naglinis ka, sana lagi kang ganyan huh?" bungad ni Leigh Anne sa kapatid.
Tumawa lang ito. "Tingin mo talaga sa'kin napakasama kong kapatid."
"Naninibago lang talaga ako. Wala ka namang ibinagsak na subject huh?" paniniguroong tanong pa ni Leigh Anne.
"Of course wala. Heto ang prelim grades ko oh." Dali-daling kinuha ni Klein ang report card para ipakita sa kanyang ate.
"Klein, sabihin mo nga, hindi mo 'to dinoktor 'di ba? Pinaghirapan mo talaga ito?" namamanghang tanong ni Leigh Anne. Puro 1.5 hanggang 2.5 na ang grado ng kapatid ngayong semester hindi katulad noon na puro tres.Nanlaki pa ang mga mata niya habang binabasa ang kabuuang grado sa card ng nakababatang kapatid.
"Syempre naman. Alam mo kung bakit ako nagsisigasig ngayon?"
"Bakit nga ba?"
"Sabi kasi ni papa, kapag mataas ang grades ko ipapakuha na niya ako kay Tita Bessy. Ang saya sa ibang bansa, 'di gaya rito na ang init palagi," sagot naman ni Klein.
"Ganoon ba?" nakasimangot na tanong ni Leigh Anne. Hindi naman niya naisip na gugustuhin ni Klein na manirahan sa Belgium. Alam niyang hindi nito kayang iwanan ang mga kaibigan pero siguro nagbabago talaga ang isip ng sinuman kapag nagplano nang maigi sa buhay.
"Ayaw mo ba? Pinagtutulakan mo nga akong umalis na tuwing nagagalit ka," pambubuska ni Klein.
"Siyempre nalulungkot ako kasi mag-isa na lang ako dito. Baka mabaliw ako sa lungkot," pag-amin ni Leigh Anne saka ibinato ang bag sa couch.
Napangisi lang ang kanyang nakababatang kapatid. "Ate, nabasa ko nga pala ang diary mo. Ikaw huh?"
"Ano?" bulalas ni Leigh Anne at nanlisik ang mga mata habang nakatingin kay Klein.
"Naglilinis kasi ako ng kuwarto mo tapos nakita ko 'yon sa ilalim ng kama mo," dahilan ni Klein at ibinigay sa kanyang ate ang diary. "Kaya ba hindi ka makapag-resign kasi boss mo 'yong dati mong crush?"
Mabilis namang pinabulaanan ni Leigh Anne ang kapatid, sakto lang nang makuha na niyang tuluyan ang pinakaiingatan niyang talaarawan.
"Siyempre hindi! Gusto ko lang na lumawak ang experience ko habang nasa Serenity Life pa ako. Kapag nagtagal ako, puwede na akong mag-resign. Saka hindi ko na siya crush."
Napabunghalit ng tawa si Klein. "Talaga ba? Eh ano 'yong nakasulat sa last page? Na naninibago ka dahil bigla siyang naging mabait at baka magkaroon ka ulit ng gusto sa kanya. Mga gano'n, di ba?"
"Nakakainis ka!" pagmamaktol ni Leigh Anne sabay irap sa kapatid bago siya pumasok sa sariling kuwarto. She decided to keep her diary inside her bag. Maigi na lang sigurong dalhin iyon araw-araw kahit hanggang sa pagpunta niya sa office.
***
"Sabi ni Mr. Romulo, gusto raw niya na gumawa tayo ng ads, temang babagay sa clothing line na may advocacy na women empowerment dahil malapit na naman ang women's month," wika ni Jarred habang pinapakita niya ang report kay Leigh Anne. Ilang oras na lang ay makikipag-meeting na naman sila kay Mr. Romulo ngunit sa sarili nilang opisina.
"Okay Sir. Paghahandaan ko po 'yan," wika ni Leigh Anne at napayukong muli. Nagkukunwari lamang siyang okay kahit na sobrang kinakabahan na naman siya dahil makikita na naman niya ang lalaking iyon.
Ilang saglit pa ay nakarinig sila ng pagkatok sa pintuan.
"Probably that's him," ani Jarred at pinagbuksan ang panauhin nilang kumakatok.
"Good afternoon Mr. Jarred Fontabella," bungad ni Mr. Romulo at bumaling din kaagad kay Leigh Anne. "Good afternoon din sa'yo Ms. Leigh Anne."
"Good afternoon Sir," alanganing bati ni Leigh Anne at saka umiwas ng tingin.
"Ah, wait Sir. I'm gonna check some of my staff. Nagpahanda kasi ako ng meryenda for us," Jarred excuse himself to go outside. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon na makausap muli ni Mr. Romulo si Leigh Anne.
"Baka naman this time puwede mo nang ibigay ang number mo? May boyfriend ka na ba?"
Napaangat ang tingin ni Leigh Anne kay Mr. Romulo saka niya napagtantong malagkit ang mga mata nitong nakatitig sa kanya. She cleared her throat as she got the urge to speak up. "Sorry Sir, I came here for work not to talk with someone."
"Importante naman ito ah, saka everytime na may itatanong ako kay Sir Jarred, sa'yo ko na lang ipapaabot. Kasi busy siyang tao," ani Mr. Romulo kasabay ng paghawak niya sa kamay ni Leigh Anne. Madali namang nakaiwas si Leigh Anne at lakas loob siyang tumayo. "Huwag n'yo akong hahawakan!" she yelled and her voice echoed inside the office.
Mr. Romulo clenched his jaw. Puwersahang hinawakan niya ulit ang mga kamay ni Leigh Anne at napatili ito. Ganoong eksena rin ang naabutan ni Jarred.
"What happened?" tanong niya at napatingin sa luhaang si Leigh Anne. Wala pa ngang kalahating minuto pero pakiwari niya ay marami nang naganap habang wala siya.
"Sir, kayo na lang ang mag-meeting," nahihikbing tugon ni Leigh Anne. Natatarantang kinuha niya ang bag niya na hindi pa nakasara nang maayos. Wala na siyang pakialam sa ibang gamit na nahulog, basta naisip niyang makaalis kaagad. Nagmadaling lumabas si Leigh Anne sa office habang hindi pa rin humihinto ang luha sa kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...