CHAPTER EIGHTEEN

93 4 4
                                    

"Congrats sa project ninyo. Feeling ko, gusto ka talaga ni Jarred. I can see it through his eyes. Tapos kausap mo pala ang nanay niya nang masinsinan," panunudyo agad ni Josh.

"Wala naman kaming napag-usapan masyado, sir," nahihiyang tugon pa ni Leigh Anne at naiiling na nagsimulang maglakad palayo kay Josh.

"Wait, Leigh Anne. Ganyan ka ba talaga kapag kinakausap? Ilang buwan ka na rito sa Serenity Life pero mahiyain ka pa rin. Seriously?" may pang-uuyam na tanong ni Josh.

"Sinabi po kasi ni Sir Jarred na hindi ako pwedeng magtiwala sa rival niya. At ikaw lang naman ang rival na tinutukoy niya," paglilinaw ni Leigh Anne.

"Alam mo, naaawa nga ako sa'yo eh. Kasi ang alam ko, nagkukunwaring mabait lang naman talaga sa'yo si Jarred. Pakitang-tao naman talaga siya from the start," pagbubunyag ni Josh.

"Hindi naman sa gano'n, oo napagsabihan siya ni Mr. Fontabella pero mabait si Sir Jarred, unlike you," naiinis na sambit pa ni Leigh Anne.

"Concerned na nga ako sa'yo pero ayaw mo pang maniwala. Hindi naman talaga sincere si Jarred. Ginawa niya lang 'yon para mapapayag ka na gawin ang project na 'yon. Napakahipokrito niya. May mga naging sekretarya na rin siya na muntikan niyang naging girlfriend dito. Malakas lang ang kapit niya kaya hindi siya natatanggal," giit ni Josh na mas lalong ikinainis ni Leigh Anne.

"Pwede ba? Hindi ako interesado na marinig ang mga sinasabi mo!" aburidong sigaw niya at tumakbo palayo. Napadpad siya sa comfort room at doon na nagsimulang lumuha.

Mas masakit pa palang marinig ang totoo kaysa i-assume lamang.

***

"Leigh Anne, welcome back!"

Sinalubong ng yakap si Leigh Anne ng isa sa close friend niyang si Cassie. Nasa likod din nito si Nick na bakas ang kasiyahan dahil nagbalik na siya sa trabaho.

"Makakapag-lunch na ulit tayo nang magkakasabay!" pakli naman ni Nick at yumakap din kay Leigh Anne.

"Na-miss ko 'yon. Pagkatapos ba ng work, magk-KTV tayo ulit?" masiglang tanong pa ni Leigh Anne.

"Naku, baka lumakas ang ulan. Tag-ulan pa man din ngayon," biro pa ni Cassie.

"Pero walang makakapigil sa'tin. So, game tayo mamaya?" sabad ulit ni Nick.

"Game na 'yan!" hagikhik pa ni Cassie.

"Sige, magkita tayo mamaya. Sa ngayon, babalik muna ako sa office, baka hinahanap na ako ni Sir Jarred."

"Okay Leigh Anne, see you later!" paalam pa ni Nick. Sumunod sa kanya si Cassie dahil magkapareho lang naman sila ng department.

Napaalis ang ngiti ni Leigh Anne nang makalayo na ang mga natatanging kaibigan niya. She was about to walk inside her office when she noticed that Jarred was standing nearby. Parang kanina pa ito nakatingin sa kanya at bahagya siyang naalarma sa pagiging seryoso nito.

"Sir, pasensiya na kung hindi ako nakabalik kaagad. Kinausap din kasi ako ni..." Sinadya niyang putulin ang nais sabihin. Hindi na dapat pang malaman ni Jarred na kinausap siya ng nanay nito.

"Nakipag-usap pa ako sa mga kaibigan ko saglit." Napakamot-ulo siya sabay iling.

"Okay. Balik ka na sa office dahil may tasks pa tayo," kibit-balikat namang tugon ni Jarred.

Pagkadiretso sa office, kapwa sila naging abala sa kani-kanilang trabaho. Hindi na nga nila namalayan ang oras dahil sa pagiging busy.

Parang kumikirot pa rin ang puso ni Leigh Anne sa mga sandaling iyon. Ni hindi niya kayang komprontahin si Jarred at itanong kung ano ba talaga siya sa buhay nito? Bakit bigla itong bumait? Minamahal na nga ba siya nito?

Sa halip na magtanong, minabuti ni Leigh Anne na magpaka-busy na lang sa trabaho.

***

Naiiling si Leigh Anne nang sulyapan si Jarred. Tapos na kasi ang oras ng trabaho at may usapan pa sila nina Nick at Cassie na lalabas. Nagpadala naman siya ng message na hindi pa siya tapos dahil sa tambak na gawain. Pero ayaw lang niya na may naghihintay sa kanya. Para kay Leigh Anne, mas maigi nang maghintay kaysa magpahintay.

Nagdalawang-isip pa siya kung magpapaalam na kay Jarred pero sa bandang huli, pinili na lang niyang magpaalam. "Sir, uuwi na ako. Malapit nang mag-seven."

Naagaw naman niya ang atensyon ni Jarred nang iangat nito ang tingin sa kanya. Tutok na tutok kasi ito sa laptop.

"Okay, mag-iingat ka," sambit nito at mabilis na binawi ang tingin sa kanya.

"Thank you Sir." Akmang palapit na siya sa pinto upang makalabas nang biglang magsalita ulit si Jarred.

"Lala..."

"Sir, may ibibilin pa ba kayo na dapat gawin bukas?" she curiously asked.

"Nothing. Within next week lalabas na ang evaluation ng project. It means that would be your last day working with me. Thank you for helping me," sinserong tugon ni Jarred. Kahit hindi niya tingnan nang matagal si Leigh Anne, alam niyang pagod din ito sa maghapon.

"Kaya nga po. Mabuti kung gano'n, at least, kaya ko nang bitawan ang dapat kong bitawan," kaswal na sambit ni Leigh Anne bago yumuko para umiwas ng tingin.

"Lala, what do you mean?" Bakas ang lubos na pagtataka sa boses ni Jarred. Pakiwari niya ay upset ngayon si Leigh Anne, marahil na-pressure niya ito nang husto dahil sa rushed project nila recently.

"Hindi ka naman talaga mabait, hindi ba? Lahat ng ginagawa mo, puro kaplastikan lang. At siguro, ginagawa mo lang itong pekeng kabaitan para gumanti sa'kin. Dahil may nagawa akong masama sa'yo," himutok ni Leigh Anne at nagsimula nang lumuha sa harap ni Jarred.

"Hindi kita maintindihan, Lala. Oo aaminin ko na gusto kitang pahirapan dati. Pero mas nangibabaw ang pagkabilib ko sa pagiging dedicated mo sa trabaho. Ginagawa ko rin ito para matulungan kang palabasin ang potensyal na mayro'n ka. Akala ko wala na tayong problema? Akala ko naman, hindi na masama ang loob mo," litanya ni Jarred na parang dinudurog na ang puso sa mga sandaling iyon.

"Akala ko lang pala 'yon. Akala ko nga dati, noong makita kita rito, nawala na ang feelings ko. Pero hindi pa rin pala. Kasi bigla kang naging mabait. Pero bigla rin akong natauhan. Parang umasa kasi ako, pero okay lang. Hindi mo naman kasalanan. Naniniwala akong ginagawa mo lang ito dahil sa ambisyon mo. Pero, promise, hindi talaga ako nasasaktan," madamdaming sagot ni Leigh Anne at tumigil din sa pagsasalita upang ibalik ang tingin kay Jarred.

"Gusto ko lang ipaalam sa'yo, sir. Na wala na talaga akong feelings. Ngayon, tinatapos ko na. Na-realize ko na ibang-iba na ang Jarred na minahal ko dati kaysa sa Jarred na kaharap ko ngayon. Pero gaya nga ng sabi ko, hindi mo kasalanan."

Lalong bumuhos ang luha niya pagkalabas sa opisina ni Jarred. Narinig niyang tinawag ng binata ang kanyang pangalan ngunit hindi niya ito nilingon pa. 

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon