Nakaramdam ng 'di maipaliwanag na tuwa si Jarred dahil nasipat niya sa side mirror si Leigh Anne. Nakatayo ito at may kargang bata. Ipinagtataka niya lang kung anak ba nito ang bata o pamangkin. Hindi naman kasi ito nagkukwento ng tungkol sa personal na buhay at hindi niya rin naitanong ang tungkol sa bagay na 'yon.
Hininto niya ang sasakyan dahil na-sense niya ang pag-aalala sa mukha ni Leigh Anne.
"Lala, akala ko nakauwi ka na. Sino 'yang batang karga mo?" mabilis na tanong niya pagkababa pa lang sa kotse.
"Sir, mabuti na lang at nakita ko kayo. Anak daw ito ni Josh. Nagpunta rito ang bata dahil gusto raw makita ang tatay nito. Kaso, hindi niya kabisado ang address nila. Wala na rin akong mapagtanungan dahil sarado na," paliwanag naman ni Leigh Anne. Isinantabi na lang niya muna ang sama ng loob niya sa binata. Mas mahalagang maiuwi nila nang ligtas ang anak ni Josh.
"Alam ko kung saan siya nakatira Lala. Tara na, ihatid na natin ang bata," mungkahi ni Jarred. Di na nag-alinlangan pa si Leigh Anne at isinakay niya rin papasok sa loob ang bata.
Isang oras pa ang kailangang gugulin para marating ang bahay ni Josh. Alam ni Jarred kung saan ito nakatira dahil minsan na siya nitong naimbitahan sa isang company celebration na ginanap sa bahay ni Josh. Kahit magkatunggali sila ngayon, naging mabuting magkaibigan at magkatrabaho pa rin sila noon.
Nakatulog na nga ang batang lalaki. Nasa backseat ito at gano'n din si Leigh Anne na narinig niyang tumawag sa mga kaibigan nito at nagsabing hindi na siya makakatuloy sa pupuntahang KTV bar.
"Lala..."
Napahinto si Leigh Anne sa pag-browse sa cellphone dahil biglang nagsalita si Jarred.
"Bakit?" kinakabahang tanong ni Leigh Anne. Basta na lang niyang na-sense na may sasabihing mahalaga ang kanyang amo sa timbre ng pananalita nito. Sana lang ay hindi na tungkol sa alitan nila kanina.
"Mamaya puwede ba tayong mag-usap? Kapag naihatid na natin ang bata," tugon pa ni Jarred. Sa kalsada ang focus niya habang nagmamaneho at panaka-nakang sumusulyap kay Leigh Anne mula sa rear view mirror.
"Okay Sir. No problem. Pero sana, hindi na 'yong personal na bagay," ngiting tugon ni Leigh Anne. Napasinghap tuloy siya at napatingin na lang sa bawat view sa labas na nadaraanan nila.
***
Nag-aalangang kumatok si Jarred at Leigh Anne sa pinto ng bahay ni Josh. Kanina pa sila nakatayo sa labas at naririnig nila ang batuhan ng argumento ni Josh at ng asawa nito.
"Lagi ka kasing busy! Nakakalimutan mo na may pamilya kang dapat uwian! Kapag may nangyaring masama kay Cholo ikaw ang sisisihin ko!" singhal ng babaeng asawa.
"Ako pa ang may kasalanan? Ginagawa ko 'to para may pambayad sa operasyon ng nanay mo! Mali ba 'yon huh? Saan ba ako lulugar?" di patatatalong sigaw din ni Josh.
Sa puntong iyon ay napaisip si Jarred. May matinding dahilan pala kung bakit over competitive si Josh para makamit ang inaasam na posisyon sa Serenity Life. Naawa siya sa katunggali. Tila nagkaroon pa ng reason para mag-give up siya sa pangarap niya na maging CEO.
Napasinghap siya nang balingan si Leigh Anne na tila apektado sa mga narinig.
"Lala, kunin na muna natin 'yong bata para maibalik na sa parents niya," malumanay na sambit niya sa dalaga.
Bumalik sila sa kotse ni Jarred na naka-park lang sa tapat ng bahay ni Josh. Ilang saglit pa ay kinatok na ni Leigh Anne ang pinto, habang si Jarred naman ang kumarga sa batang tulog pa rin dahil sa pagod nito sa pagluha.
"Cholo!" bulalas ng asawa ni Josh pagkakita pa lamang na karga ni Jarred ang anak nito.
"Nakita siya ng assistant ko malapit sa Serenity Life building at umiiyak siya," saad pa ni Jarred.
Mangiyak-ngiyak tuloy na lumapit si Josh.
"Leigh Anne, thank you. Actually, siya lang siguro ang nag-commute papunta doon. He's only 9, I can't imagine he did that to see me. Sabi niya kasi sa mom niya, nami-miss na daw niya ako. At alam niyang nag-away din kami ng mom niya. Hindi namalayan ng asawa ko na nakatakas siya dahil nag-grocery lang siya saglit," paliwanag ni Josh upang bigyang linaw na hindi naman siya naging pabaya sa anak.
"Mabuti na lang at sinabi niya ang pangalan mo at magkamukha kasi kayo, natumbok ko agad na ikaw nga 'yong Josh na sinasabi niyang tatay niya raw," sagot pa ni Leigh Anne habang may kalakip na ngiti sa labi.
"Hindi ko lubos maisip na kahit magkatunggali tayo, magagawa n'yo pa rin akong tulungan. Salamat talaga." Kulang na lang ay lumuhod si Josh sa harap nina Leigh Anne at Jarred dahil sa paulit-ulit nitong pasasalamat.
"Kung sa'min man ni Leigh Anne nangyari 'yon at nawala ang anak namin, gano'n din siguro ang mararamdaman naming pag-aalala. Saka isinasantabi ang work issues sa personal na buhay Josh. I always keep that in my head," dire-diretsong tugon ni Jarred without thinking that his words made Leigh Anne puzzled.
"Wait Jarred, don't tell me that you and Leigh Anne turned into lovers? Kaya ba siya nawala? So, tama papa talaga ako." Nangislap ang mga mata ni Josh at nagkasabay pa sa pag-iling sina Leigh Anne at Jarred.
"Nagbibiro lang ako, wala kaming relasyon. Kunwari lang, ginawa ko lang sample 'yong sitwasyon," naiiling na depensa ni Jarred sabay sulyap kay Leigh Anne na nakakunot-noo. He wanted to punch himself, those words came out of nowhere but he still let it out.
Kung maari lang bigyan ni Leigh Anne ng kahulugan ang birong 'yon, bibigyan na talaga niya at magv-volunteer pa siyang maging asawa ni Jarred.
Matapos paunlakan ang dinner ng pamilya ni Josh, kinuha na rin ni Josh ang pagkakataon na kausapin sina Jarred at Leigh Anne.
"May nagawa pala akong mali. Lalo na kay Leigh Anne," malungkot na panimula ni Josh.
"What's that? Ikagagalit ba niya?" tanong pa ni Jarred.
"At ikagagalit mo rin," tugon naman ni Josh at nahihiyang tumingin kay Leigh Anne.
"Ms. Leigh Anne, hindi totoo 'yong sinabi ko na nagpapakitang-tao lang si Jarred. Alam ko kung gaano siya kabuti sa kapwa niya. Ginawa ko lang iyon dahil insecure ako. Aminado naman kasi ako na mas matalino si Jarred at posible talaga na siya ang piliin na maging CEO sa bandang huli," pag-amin pa ni Josh na mas lalong nagpagulo sa isip ni Jarred.
"So it turns out, na ikaw pala ang may kasalanan kung bakit umiyak si Leigh Anne at sumama ang loob sa'kin?" pagkwestyon ni Jarred.
Marahang pagtango lang ang naging sagot ni Josh. Sa puntong iyon, parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Leigh Anne at napatingin lamang kay Jarred.
"Kung sasaktan mo ako, gawin mo na," sabi pa ni Josh. Ngunit natawa lang sa kanya si Jarred.
"Hindi ko kayang pagbuhatan ng kamay ang kahit sino," giit pa ni Jarred saka ngumiti. "Pero salamat sa pag-amin ng kamalian mo. At least, baka may pag-asa pa na magkaayos kami ni Leigh Anne.
Napayuko na lang si Leigh Anne at itinago ang ngiti sa mga labi niya sa sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...