CHAPTER ELEVEN

104 4 1
                                    

"Lala!"

Habol-hiningang huminto si Jarred sa hallway nang mapagtantong hindi na niya mahahabol pa si Leigh Anne. Di niya maipaliwanag ang labis na takot sa mga mata nito kanina kay bigla itong nag-walkout.

Niluwagan niya ang necktie at naisipang bumalik na lang sa office. There, he found Mr. Romulo getting annoyed.

"I-cancel na lang natin ang deal! Napakapangit ng ugali ng assistant mong 'yan!"angil nito at padabog na lumabas. Nahampas tuloy ni Jarred ang mesa nang di oras. Mr. Romulo is a big loss, mahihirapan siyang maghanap ng bagong ka-deal sa advertising project. Last time he checked, patapos na sa proyekto sina Hilda at Josh. Mauungusan na naman siya ng dalawa at mambubuska na naman kapag nalamang failed siya ngayon.

Napayuko tuloy siya at naipaling ang tingin sa sahig. Isang notebook na may kung anu-anong palamuti sa cover nito ang nasa lapag. Suspetsa niya ay babae ang may-ari no'n pero wala namang ibang babae maliban kay Leigh Anne na nasa office niya palagi kaya imposibleng may iba pang tao na makaiwan ng notebook.

Pagbukas niya sa unang pahina ay may nakasulat na "Diary". Naintriga man siyang basahin 'yon pero alam naman niyang pribadong gamit ang isang diary para basahin ng ibang tao. He sighed as he threw it on his table.

Napailing siya at nag-dial na lang sa telepono. Si Ms. Legarda na HR officer ang nais niyang makausap.

"Ms. Legarda, pwede mo bang ibigay sa'kin ang information ni Leigh Anne? Pati 'yong pinirmahan niyang kontrata sa SLi," bungad ni Jarred.

"Okay Sir. Dalhin ko d'yan within 5 minutes," sagot ni Ms. Legarda.

"Thank you,"he mouthed after he hung up the phone. Naupo siya sa swivel chair at muling napadako ang tingin sa notebook na nasa ibabaw ng mesa. Napailing siyang kinuha iyon at muling binuklat ang kasunod na pahina. Doon niya nakumpirma na si Leigh Anne nga ang may-ari nito. Nahulog yata ang diary kanina nang mataranta itong kunin ang bag at nagkandatapon-tapon ang mga gamit.

Napilitan tuloy siyang silipin ang ilalim ng mesa dahil baka may iba pang nahulog na gamit na pagmamay-ari ni Leigh Anne.

Nakita niya kaagad ang lipstick nito na coral red ang shade. Ewan ba niya pero bigla siyang napangiti dahil pumasok sa isip niya kung paano mas nagiging attractive si Leigh Anne kapag nakapahid ang lipstick sa mga labi nito. The thought of her made his heart palpitate. Ilang buwan na rin silang magkasama at inoobserbahan niya lang si Leigh Anne. Si Leigh Anne na yata ang pinakamatiyagang empleyado na nakilala niya sa SLi. Ni minsan hindi niya ito nakitang magreklamo sa mga pinag-uutos niya at hindi naman siya tanga para i-disregard ang pagsisikap nitong mag-adjust. In short, Leigh Anne is more than a hardworking woman and he must appreciate every efforts of her.

Dapat pala hindi na siya naging harsh sa dalaga. Hindi pa nga umaabot ng isang oras simula nang umalis ito sa opisina, gusto na niya itong makita agad. He wants to punch himself. Bakit ngayon niya lang napagtanto ang kahalagahan ng kanyang assistant?

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at muli na sana niyang babasahin ang diary ni Leigh Anne pero may kumatok naman. Napilitan siyang ikubli ang diary pagkapasok ni Ms. Legarda.

"Sir, heto ang 201 file ni Ms. Leigh Anne," wika nito nang ilapag ang folder sa mesa ni Jarred.

"Thanks," pakli ni Jarred at hinayaang makalabas sa opisina si Ms. Legarda. Kumuha siya ng ballpen at sticky note para kunin ang address ni Leigh Anne. Nakahinga rin siya nang maluwag kahit papaano. Maybe a little talk could solve the misunderstanding, gusto niyang malaman kung bakit ito nag-walkout. Pero sa kabilang banda, naisip niya rin na baka may fault din si Mr. Romulo.

Pinatunog niya ang dila dahil may kung anong ideya na pumasok sa kanyang isipan.

Makakakaapekto rin sa trabaho niya kung magpapalit siya ng assistant dahil kabisado na ni Leigh Anne ang schedules niya at sanay na rin itong sumagot ng emails. Kaya mamayang gabi, pupuntahan niya ang bahay ni Leigh Anne at magpapaimbestiga siya tungkol naman kay Mr. Romulo.

May alas na rin naman siya kung sakaling mag-resign nang tuluyan si Leigh Anne, hawak niya ang kontratang pinirmahan nito.

Muli niyang kinuha ang diary ni Leigh Anne at dumako na siya sa ikatlong pahina. Nakita niya ang petsa, year 2007, probably her first time writing on it.

Lumiwanag ang mukha ni Jarred pagkatapos niyang mabasa ang two pages. Pero bakit nagdulot ng kakaibang kilig ang diary ni Leigh Anne?

My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon