"Leigh Anne, nabalitaan ko 'yong usap-usapan kahapon. Talaga bang nag-resign ka na? Bakit naman ang bilis?" sunod-sunod ang tanong ni Nick kay Leigh Anne sa kabilang linya.
Napasinghap naman si Leigh Anne sa mga tanong ni Nick. Kung gano'n kalat na sa buong kompanya ang isyu. Kumalat nang hindi man lang naipararating ang side niya kung bakit siya umalis. Kasalanan din naman niya dahil hindi siya nagsumbong kay Jarred kaugnay sa ginawa sa kanya ni Mr. Romulo.
"Basta, mahabang kuwento. Huwag mo na akong alalahanin Nick. Ayos lang talaga ako. Ayokong ma-stress ka baka sa sunod nating pagkikita, hindi ka na guwapo." Nakuha pa ring magbiro ni Leigh Anne kahit nilalamon na ng kalungkutan ang kanyang puso sa mga sandaling iyon.
"Okay ka lang ba talaga? Kung hindi ka okay, magsabi ka lang huh? Sinu-sino pa ba ang magdadamayan kundi tayong magka-batchmates 'di ba?"
Awtomatikong napangiti si Leigh Anne. Simehow she's moved by Nick's sincerity. Kung hindi lang talaga ito nice sa iba nilang colleagues, iisipin na niyang may pagtingin ito sa kanya.
"Oo na, magsasabi ako. Promise 'yan," wika ni Leigh Anne.
"Aasahan ko 'yang pagtawag mo sa'kin dahil magsasaya tayo ulit doon sa videoke bar na paborito ninyo ni Cassie," tinutukoy ni Nick ang katrabaho nila sa ibang department na ka-batch din pala niya at ni Leigh Anne.
"Oo naman, sige mag-ingat sa trabaho. Bye." Pinasigla niya ang tinig bago putulin ang tawag. She shrugged as she threw her phone on the bedside table. Nakagawian na niyang pagbuntungan ng inis ang cellphone at masuwerte na lang dahil hindi iyon nababasag.
2 days na rin ang nakalipas simula nang pag-walk out niya sa SLI. Di na rin siya tinawagan ni Jarred, probably he's disappointed for losing an important person prior to his tasks because of her.
Naisip niyang nasira niya ang maganda nitong record at maaring makaapekto iyon sa pagkamit ng CEO position. She badly wants to apologize but the fear is rising up whenever she tries to call or text him. Dahil na naman sa kanya, masisira na naman ang mga pangarap ng binata.
***
Sinalubong ni Jarred ang nanggagalaiti niyang nanay sa tanggapan nito. Nang magtama ang paningin nila ay napailing si Jarred.
"I heard Mr. Romulo cancelled his deal with you, paano na 'yan? Mauungusan ka na naman ni Josh! Saan ka kukuha ng advertising agency for your project huh?" sikmat ng kanyang ina na si Rena. Naibato pa nito ang ballpen sa sobrang inis.
"Ma, I can handle this," pormal na sagot ni Jarred.
"You always say that you can, kahit hindi naman. Papayag ka ba na hindi na Fontafella ang maging CEO? Akala ko ba matalino ka, akala ko ba—"
"Ma, hindi ako matalino. Akala n'yo lang lahat ng expectations ninyo. Kailan ba kayo natuwa sa'kin? Or kilala n'yo ba talaga ako bilang anak ninyo? Nalalaman n'yo ba kung stressed ako? Ni minsan hindi n'yo ako kinukumusta kung okay pa ba ako," lakas-loob na katwiran ni Jarred.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pabalang ang sagot niya sa kanyang ina. Nang makahuma siya ay nakagat niya ang ibabang labi at sinalubong ang nanlilisik na mata ng kanyang ina.
"I'm sorry po," he uttered an apology.
"Get out!" singhal ni Rena.
"Opo, aalis na talaga ako." Tumalim ang tingin ni Jarred at tinalikuran ang ina.
Napabuntong-hininga siya nang makalabas siya sa opisina nito. He's been really drained these past few days, aware naman siyang nauunahan na siya ni Josh habang siya ay wala pang nasisimulan sa proyekto. Idagdag pa na wala na siyang assistant dahil sa pag-alis ni Leigh Anne.
And speaking of her, bigla niyang naisip na kumustahin ito. He wants to know the reason why she left, hindi kasi siya kumbinsido na walang ginawang masama si Mr. Romulo kay Leigh Anne.
That's the thing, he needed to check Mr. Romulo, ano nga ba ang behaviour nito sa mga babae?
And about Leigh Anne, naisipan niyang bisitahin ito sa bahay para kausapin nang masinsinan bilang isang boss na nagmamalasakit. Pagkatapos ng shift sa trabaho ay tinunton niya ang address ni Leigh Anne. He hated the heavy traffic at night.
"Kailan ba mawawala ang traffic sa Pilipinas?" aniya at labis nang nababagot sa kalsada. Sa Quezon City kasi nakatira si Leigh Anne at walang ibang route na mas madali bukod sa EDSA. There, he struggled waiting until the flow of traffic goes smoothly. Forty five minutes ang tinagal niya sa Guadalupe hanggang maabot ang Kamuning area. Malapit na doon ang tirahan ni Leigh Anne.
Nakaramdam siya ng paggaan ng pakiramdam dahil nakarating din siya sa destinasyon. Nakiusap pa siya sa may-ari ng convenient store malapit sa bahay ni Leigh Anne upang mag-park saglit.
Biglang umusbong ang yanig sa puso ni Jarred sa t'wing humahakbang siya palapit sa tapat ng bahay ni Leigh Anne. It's the feeling he didn't understand. He just wanted to talk to her because of their profession, pero bakit kinakabahan siya at inuunahan ng takot na hindi na ito magtrabahong muli para sa kanya?
Nasa tapat na siya ng bahay at nagulat siya nang makita si Leigh Anne, may pamilyar na lalaking kasama. Minabuti niyang magtago sa likod ng poste para hindi siya nito makita.
"Leigh Anne, I hope na nag-enjoy ka sa date natin. Kahit papaano makakalimutan mo ang problema mo. Hahanap din ako ng work for you," anang lalaking kasama ni Leigh Anne at nginigitian pa siya nito nang pagkatamis-tamis, wari'y magnobyo ang dalawa.
"Thank you rin Nick, kahit papaano pinagagaan mo ang loob ko. Mag-iingat sa pag-uwi, salamat din sa paghatid mo sa'kin," nakangiting sagot ni Leigh Anne. Tumango si Nick at lumakad na palayo.
Papasok na sana si Leigh Anne sa loob ng tirahan ngunit may pagalit na boses siyang narinig na nagpatigil sa kanya.
"So, inaatupag mo pala ang pakikipag-date sa kapwa mo empleyado kaysa sa pagpasok huh?"
Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig at sinalubong ang matalim na tingin sa kanya ni Jarred.
"Ikaw? Anong ginagawa mo rito huh?" tanong niya habang paatras ang lakad dahil unti-unti siyang nilalapitan ng binata.
"Mag-usap tayo." Binigyang diin ni Jarred ang bawat salita. He's disappointed, not because of Leigh Anne's act of abandoning her job. The truth is, he was deeply hurt after seeing her with another guy.
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...