Chapter 18

1.6K 33 2
                                    

CHANTY POV

"Mommy, mommy!" masayang tawag ng tatlong taong gulang kong anak sa akin. Her name is Francheska Elyzia Abella.

"Bakit, baby ko?" malambing kong sagot sa anak. Ang cute-cute talaga ni Cheska. Sarap kagatin ng magandang anak ko.

"Mommy, I can't tie my hair po," malungkot na sabi niya at nagpout pa talaga. Medyo may kahabaan na rin ang mahabang kulay brown niyang buhok.

"Sige, si Mommy na lang ang mag-aayos ng hair mo ha?" Tumango naman agad ang anak ko. Kahit kailan talaga ay masunurin si Cheska, mana talaga sa akin.

"Di ba po, mommy, kapag big girl na, hindi na dapat baby?" inosenteng tanong niya, kaya natawa na lang ako sa kadaldalan ng anak ko.

"Yes, kapag big girl na, hindi na baby, pero ikaw, forever baby ka ni Mommy." Binuhat ko siya at hinalikan sa matambok niyang pisngi.

"Kahit big girl na po ako?" nagniningning ang mga matang tanong niya. Tumango ako.

"Yes, kahit big girl ka na." Pinanggigilan ko siya. Ang ganda-ganda talaga ng anak ko.

Katatapos lang namin mag-ayos at handa na kaming lumabas. Bitbit ko ang aking maleta at ang maliit na maleta ni Cheska.

"Let's go outside na, baby. Your Dada is waiting for us na," aya ko sa anak na excited nang makita ang Dada niya.

"Good morning, Dada!" excited na tumakbo si Cheska sa Dada niya.

"Good morning, baby!" salubong naman ni Sean kay Cheska na nagpakarga agad sa kaniya.

"Kamusta ang baby ko?" si Sean na pinanggigigilan ang bata. Kung sa amin pa lang dalawa, lamog na ang anak namin, paano pa kaya kapag nakita na siya ng Lolo at Lola niya.

"I'm fine naman, Dada. Look, oh, Mommy fixed my beautiful hair." Hinawakan pa talaga niya ang maliit niyang ulo.

"You're so pretty, baby girl," papuri naman ni Sean. Kahit kailan talaga, sweet si Sean.

"Yeah, I look like my Mommy, she's pretty like me. Do you think Mommy's pretty, Dada?" Bibong tanong ng anak ko. Napangiti naman ako. Kahit tatlong taon palang ay matatas na siyang magsalita.

"Of course, Mommy is pretty!" sang-ayon naman ni Sean kay Cheska bago tumingin sa akin at kumindat.

Lakas talaga ng trip nito. Hay naku, kung alam niyo lang talaga. Napapailing na lang ako.

"Dada, na miss ka po, Cheska," sabi ng cute na si Cheska at nilaruan ang kulay brown na buhok ng kaniyang Dada.

"Miss na miss na miss ka rin ni Dada," sabi naman ni Sean at inaayos ang nagulong buhok ni Cheska dahil sa kakulitan niya.

"Dada, pasalubong ko po?" Natawa naman kami sa biglang tanong ng anak namin.

Hindi talaga niya nakalimutan ang pinangakong pasalubong ng kaniyang Dada. Araw-araw itong kinukulit ni Cheska tungkol sa pasalubong niya raw. Ito namang si Sean nakakalimutan niya palagi. Mabuti na lang at hindi nagtatampo ang baby girl namin.

"Syempre naman, baby, may pasalubong si Dada para sa'yo. Our favorite, Barbie." Masayang sabi ni Sean. Iniabot niya ang malaking Barbie kay Cheska. Napagustuhan na naman ng husto ng anak namin.

Tuwing umuuwi si Sean sa Paris, nanonood kaming tatlo ng Barbie. Nagmo-movie marathon kami. Minsan pumupunta pa ng sinehan para lang manood. Basta Barbie talaga, paborito naming tatlo. Minsan naman iginagala namin ni Sean si Cheska sa mall. Sobrang nag-eenjoy kaming tatlo sa daming memories na aming nabuo. Ang bonding na iyon ang kahit kailan ay hindi ko makakalimutan. Isa sa mamimiss ko sa Paris.

"Yey, thank you, Dada ko," masayang sabi ni Cheska at pinuno ng halik ang kaniyang Dada. Hay naku, ang dalawang ito talaga.

"You're always welcome, baby. Magpakabait ka lang kay Mommy, may pasalubong ka na kay Dada!"

Kanina pa nagkukulit si Cheska habang buhat siya ng kaniyang Dada. Naawa naman ako kay Sean dahil kanina pa niya buhat ang anak namin. Sabi ko nga na ako naman ang magbubuhat dahil habang lumalaki si Cheska, lalo lamang itong bumibigat, pero ayaw ni Sean, siya na lang daw ang magbuhat dahil palaging namimiss niya ang bata.

"Baby, 'wag kang masyadong malikot at baka nahihirapan na si Dada. Ang bigat mo pa naman, anak," natatawa kong sabi sa cute kong anak.

"Sorry Mommy, sorry, Dada. Behave na po Cheska. Hindi na po kulit," seryosong sabi ng anak kong umiiling tapos ginagalaw nito ang hintuturo na akala mo ay matandang naninermon sa amin.

Madalas ko itong ginagawa sa kanya lalo na kapag may nagagawang siyang kasalanan. Nagaya siguro niya. Ang talino talaga ng anak ko, mana talaga sa kaniyang ama. Kahit ang pagiging malambing ay namana niya.

Nasa airport kami ngayon pauwi ng Pilipinas. Oo, Pilipinas. Kung saan ako lumaki, kung saan iniwan ko ang masasakit na alaala na ayaw ko nang balikan pa. Pero ngayon, handa na ako, handa nang harapin ang lahat ng aking kinalimutan sa nagdaang tatlong taon.

"Mommy ko, who's there in the Philippines?" tanong ni Cheska habang naglalaro sa kaniyang iPad. Nakikinig naman si Sean sa pag-uusap naming mag-ina. Narito na kami ngayon, nakasakay sa eroplano.

"Your Lolo's, and Lola's. Y-your," napatigil ako ng muntikan ko nang mabanggit. Hindi ko alam bakit iyon ang pumasok sa isip ko. Nagkatinginan kami ni Sean at hinawakan niya ang nanginginig kong kamay. "Y-your Tito's and Tita's."

"I want to see them na po, and kiss them." Halata sa boses niya ang saya. Pumapalakpak pa ang maliliit niyang mga kamay.

Pagkalapag ng eroplano, ay tahip-tahip ang kabang naramdaman ko. Ilang taon din akong nawala. At heto ako ngayon, babalik nang muli.

"Mabuhay! Welcome to Philippine Airlines, our destination has been reached. Please kindly take off your seatbelts and don't forget anything. Welcome aboard. Thank you for flying with us."

"Ano, ready ka na ba?" tanong ni Sean, na nakahawak sa kamay ko. Seryoso ang tono ng pagkakasabi nito.

"Ready na ako," kinakabahang sambit ko. Nanlalamig ang aking kamay, halatang kabado.

"Okay, take off your seatbelt, love." Pagkasabing-pagkasabi ni Sean niyon ay,

Isang hakbang...

Nang makahakbang ang aking dalawang paa sa sahig, masasabi ko na rin...

Finally, nakabalik na ako. The old Mayumi Chantrea Abella is back. Finally back in my old home, my old self, and my old life, but even though the old memories remain, the new memories are still going on...

Ang bawat sugat sa aking puso at isipan ay hindi lamang nagpapakita ng aking pagkatalo, kundi pati na rin ng aking tapang at katatagan. Ito ang mga palatandaan ng aking pag-angat mula sa dilim ng aking nakaraan, patunay na ang aking kakayahan ay makakayang harapin ang anumang hamon na dumating sa aking buhay.

My scars are not marks of defeat but badges of courage.

Hello, Philippines...

"Let the GAME begin!" sabay na sabi namin ni Sean at parehong natawa.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon