Chapter 24

1.6K 31 6
                                    

Reminder for readers: Get ready to shed some tears. Grab your tissue, Jewels!

"Mommy, why does El look like me?" tanong sa akin ng aking inosenteng anak, nakakunot ang noo. Lumingon ako sa kanya. Tama ba ang narinig ko?

"Pakiulit nga 'yong binigkas mong pangalan niya, anak?" tanong ko ulit sa inosente kong anak. Nakatitig lang siya sa akin kaya nagtaka ako.

"Mommy, why are you crying po?" malungkot na tanong ng anak ko. Oo nga pala, bakit ako umiiyak ng walang dahilan, umiiyak ako nang hindi ko namamalayan. Bakit ba napaka-emosyonal ko? Buntis ba ako? Nakakabuntis ba ang halik?

"Hindi, baby ko. Hindi po umiiyak si Mommy. Napuwing lang." Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi.

"His name is El po, sabi niya po sa akin kanina," paliwanag ng aking magandang anak. Ang kalabog ng aking dibdib ay mas dumoble pa.

"Elyzia is right po, my name is El, Eldon Lavigne," pakilala ng gwapong bata na nasa harap ko. Bigla namang kumirot ang aking dibdib.

Para akong binagsakan ng kung anong mabigat at hindi ako makagalaw. Mas lalo pang tumulo ang aking luha. Ang sakit. Parang may kutsilyong nakabaon sa aking puso. Sana ay mali ang kutob ko. Sana hindi, sana mali.

"Son," boses ng lalaki na nasa aking likuran. Nawala ang aking kakarampot na pag-asa nang siya ang dumating, nang si Mikel ang dumating. Kahihiling ko lang, Lord naman e.

"Daddy! Daddy!" sabay na tawag ni Cheska at ni Eldon sa kanilang ama.

Mas lalo lang gumuho ang pag-asa ko nang marinig ang boses ng aking pinakamamahal na anak. Para akong natood sa pwesto. Hindi kinakaya ang nangyayari.

Lumingon si Mikel sa dalawang anak, hindi alam kung sino ang kaniyang lalapitan.

Mas lalo lamang akong napahagulgol sa pag-iyak, hindi ako makahinga. Ang sakit-sakit sa dibdib, parang may punyal na nakabaon sa puso ko. Bakit nangyayari ang ganito? Lumingon si Mikel sa akin, namumula ang kaniyang kulay-abong mga mata. Nagtatanong, naguguluhan. Makikita ang galit, sakit, at pagtangis. Halo-halo ang nakikita kong emosyon sa kanyang mga mata. Umiiling na lamang ako at hindi makapagsalita.

Nilapitan ni Mikel ang umiiyak niyang anak at inalo. Mas lalo lamang lumakas ang iyak ng aking nasasaktan na anak. Gusto kong tanggalin ang sakit na nararamdaman niya, gusto kong maglaho na lang kami na parang bula. Nilapitan ko siya kahit parang hirap akong ihakbang ang aking mga paa. Niyakap ko siya at gusto kong patahanin sa pag-iyak.

"Mommy ko, di ba siya ang Daddy ko?" humihikbing sabi niya at tinuro ang Daddy niyang umiiyak habang karga si Eldon na natigil na sa pag-iyak.

Hindi ako makapagsalita. Para akong napipi at hirap na hirap kung paano bigkasin ang nais kong sabihin. Parang may kung anong nakabara sa aking lalamunan.

"Mommy ko, di ba po? Siya yung nasa selpon mo po?" tanong na naman ng aking anak. Tama sila, nasa huli ang pagsisisi. Kung hindi ko na lang sana pinakita ang mukha ni Mikel noon, hindi sana ako mahihirapan ng ganito, hindi sana nasasaktan ang anak ko.

Ito ba ang parusa ng aking paglaro sa pag-ibig? Napasobra ba ako?

Hindi pa nga ako nagsisimula, may kapalit na agad na sakit. Hindi naman ako ang nagloko, wala naman akong kasalanan, nagmahal lang ako. Kasalanan ba 'yon? Ang magmahal ng totoo? Ang magmahal ng lubos?

Gusto ko lang naman maging masaya, pero bakit ako pinapahirapan ng ganito?

Tuloy-tuloy lang ang buhos ng aking luha, hindi tumitigil hangga't nakakaramdam ako ng sakit.

"Di ba po, Mommy ko? Siya po, di ba, ang Daddy ko?" umiiyak na sabi ni Cheska habang yakap-yakap ako.

Ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat hikbi ng aking anak. Hindi ito nawawalan ng pag-asa, na tila siguradong-sigurado na ito nga ang daddy niya. Wala akong choice kundi sabihin ang totoo.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon