Ryu pov.
"Ma, may race ako mamaya kaya baka hindi ako makasama sayo sunduin si Yuri." Wika ko kay mama habang kumakain kami ng agahan
"Ayos lang anak, umuwi ka nalang pagkatapos ng race para naman ay hindi mabored si Yuri dito." Sagot nya sa akin
Sabi kasi ni mama na ngayon daw ang byahe ni madam senyorita, syempre alam ko din na bumyahe na sa canada si Yuki at dahil hindi sanay mapag isa yung si Yuri maldita e, talagang agad agad na pupunta yun dito.
Maaaring nakalimutan nya ang mga nakaraan, pero hindi ibig sabihin na nawala din yung mga takot nya sa malamin, sa dilim, at lalo na sa mga multo.
Tanda tanda ko ang takot nga e.
Yan ang isa sa kahit mahirap paniwalaan ay pinipilit kong protektahan sya.
Natatakot sya maiwan, natatakot sya mapag isa, kaya hindi ko sya maiwan iwan kahit magkalayo ang lugar namin.
Hindi nya nga lang ramdam kung paano at kung ano ang paraan ko para gabayan sya.
"Ma, alis na ako." Sigaw ko kay mama matapos ako makapag ready
"Oh sige, mag iingat ka, uwi pagkatapos ng race." Sigaw nya naman pabalik galing ang boses sa loob ng kusina, naghuhugas ng plato
Ganito ang routine ko. Matapos mag agahan ay didiretsyo ako sa field, minsan kung walang training ang mga newbie na racer ay tinutulungan ko si mama sa gawaing bahay.
Hindi ko din maiwan iwan ang race dahil alam kong nangangailangan kami ngayon ng pera, panggamot kay papa.
Ilang beses na ako kinausap ni papa na ayos lang daw sya at hindi nya na kaylangan paoperahan, pero hindi ko sya pinapakinggan, alam kong nagdurusa na sya sa sakit nyang hindi nya naman deserve. Tsaka racing is my passion, it's too late para umatras pa ako.
"Vicente, may training ang mga newbie pagkatapos ng race." Wika ng coach ko
"Pass muna coach, may importanteng bisita ako e." Sagot ko habang nakangiti
"Lalakbayan ng Gabriel Ryu isang dragon sa racing ang training para sa importanteng bisita, wow, gaano ka importante yang bisitang yan?" Sambit ng papa ni Maxine
"Sobrang importante, Master." Sagot ko naman habang nakangisi parin
Sya ang master namin sa racing, sya ang pinakaunang nanalo sa race dito sa lugar namin, sya din ang may ari ng race field na pinag r-racing namin, sobrang yaman nila pero kung makapag bonding sila sa amin ay parang magka level lang kami, kaya sobrang swerte namin na naging kaibigan namin sila hindi sila nag m-matter sa pera para maging maibigan at kapamilya ka, nakapag travel narin sya papunta sa Canada, Thailand, at Japan. Kung ako tinatawag nila na 'Dragon sa racing' syempre hindi din ako ang unang tinawag nila nyan, ang papa ni Maxine ang unang bininyagan sa tawag nayan, kaya nga ako tinawag na 'bossing' kasi ako daw ang sunod na sumabak sa labanan pagkatapos kay master, syempre unang race ko natalo ko ang master.
"Bagong gawain ata yan, bossing" Pagtawa ni Maxine
"Darating si Yuri." Nakangising sagot ko kay Maxine kaya nakita kong nanlaki ang mata nya
"Talaga? Gusto ko pumunta pero may lakad ako, ang malas naman" walang ganang sabi nya
"Kung makabusangot sa mukha akala mo naman hindi na uuwi" Sambit ni master kay Maxine
"Well, sige na nga." Ani Maxine
Pagkatapos ng race ay agad na ako nagpaalam sa kanila para maagang mag out, kaylangan ko pa maligo at linisan ang motor ko, nako pag ako nakita ni Yuri na madumi, siguradong mandidiri nanaman yun, ang arte pa naman nun.
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
RomanceBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...