Kinabukasan nagising ako ng mapayapa, Thank God, Hindi ako nanaginip ng kung ano ano, Ang tanging panaginip ko lang ay ang sinapak sapak ko si Ryu, Sensya na akala ko ipis e.
"Masaya kana nyan?" Tanong ni Ryu habang nililinis ang madumi nyang motor
Kinuwento ko din kasi sa kanya ang malala kong panaginip tungkol sa kanya tsaka sa pagkaka alala ko,wala namang racing kahapon ah, Pero bakit halos araw araw nalang syang naglilinis ng motor nya.
"Tapos alam mo Ryu, Ang sinagot sagot mo lang sakin ay 'senyorita tama na ipis-ta nalang natin sa kabilang baranggay yang kalutangan mo" Pagbibiro ko sa kanya
"Ah ganun ah?" Aniya saka binasa ako ng tubig
"How dare you-"
"Ay ipis-sensyahan mo yung kamay ko senyorita, Hindi ko sinadyang mabasa ka ng tubig" Sagot nya naman
"Ayos lang" Sagot ko
"A-Ayos lang s-sayo, Bago ata yan ah, nagpipigil ng pasensya" Aniya kaya agad akong lumapit sa kanya ay tinapunan sya ng tubig na meron sa lalagyan
"Ayos lang kung makakaganti ako" Sabi ko saka tumakbo palayo sa kanya
I know hindi sya titigil hanggat hindi sya nakakaganti lalo na sobrang basa na nya tapos ako daplis lang
"Madaya" Sigaw nya ng makatakbo na ako sa kalasada
*Beep-Beep*
"S-sorry po" Agad ako napatakbo sa gilid ng may humintong sasakyan sa harap ko dahil muntik na ako mabangga
"What happen to you?" Tanong ng isang pamilyar na boses ng maibaba nya ang bintana ng sasakyan
Hindi ako nakapagsalita sa nakita ko, What the hell is he doing here?
"Why are you so wet, What happen?" Tanong pa nya sabay labas sa sasakyan
"D-Daddy?" Tanong ko saka napalingon kay Ryu
"Change your clothes! ASAP!" I mouth pero kinunutan nya lang ako ng mukha
Ayaw ni Daddy ang mga maduduming tao, lalo na pag nalalapitan nya.
"Magbihis ka!" I mouth again kaya napatango sya at dali daling pumasok sa loob
"Why are you here? Akala ko next month mo pa ako susunduin?" Tanong ko sa kanya habang sinasabayan syang makapasok sa gate at ng ihanda ni yaya ang upuan nya dito sa labas ng bahay nila
Mainit kasi sa loob kung dun sya tatambay, mas lalo lang syang magrereklamo.
"Napag isip isip ko kasi na baka bored kana talaga dito, kaya susunduin na kita, Pack your things now sweetie, Were going home" Masayang sabi nya
"Agad agad, Di ba pwedeng bukas, o sa susunod na araw nalang?" Tanong ko
"Hindi na pwedeng bukas o sa susunod na araw pa tayo aalis kasi I booked a ticket para mamayang gabi" Aniya
"Pupunta na tayo sa new york, Diba yun ang gusto mo?" Tanong nya ng nakangiti kaya akward na nginitian at tumango lang din ako sa kanya
At gaya sa sinabi ni Daddy, I pack my things dali dali, ayaw nya din kasi yung mabagal kumilos.
"Mag iingat ka dun ha?" Sabi ng boses lalaking kakapasok lang sa kwarto
Gabriel Ryu.
"I will." Sabi ko
"Hintayin mo ako ha?" Wika ko ng makitang nagtutubig ang mata nya
"Hindi man ito ang tamang panahon para sa ating dalawa, alam kong dadating din yung tamang panahon nayun. Maaaring matagal man ako mag hihintay gagawin ko parin para sayo. Hindi ko pinipilit na mahalin mo ako ngayon pero hindi ibig sabihin na susuko na ako. Patuloy parin akong mag mamahal sayo hanggat pwede na, at hanggat mahalin mo din ako. Hihintayin kita senyorita, kaya mag iingat ka palagi" Aniya saka niyakap ako.
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
Storie d'amoreBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...