Chapter 5

113 15 0
                                    

"Oh saan kayo galing? Kanina pa namin kayo hinahanap" Bungad ni yaya ng makapasok kami sa bahay

"Sa tabi tabi lang po, nainitan po kasi ako dito" sabi ko ng nakangiti kaya ayun mukhang nakumbinsi naman sya habang si Ryu hindi mapakali, ni hindi nga ako tinitignan

Galit kaya sya sakin?

"Birthday ko bukas, punta kayo ha?" Wika ni Maxine dito sa loob ng bahay

Hinatid nya kasi si ate kasi medyo napatagal tagal din ang ang chikahan nila, ginabi na'din kasi.

"Pwedeng pass muna?" Nakangiting sambat ko

Ayoko muna magsasama sama sa kanila lalo na makikita ko nanaman na naglalambingan si ate at ryu.

"Apat na buwan ka nanga lang dito hindi kapa dadalo sa birthday ko, napakasama mo namang kaibigan" Pag aarte nya kaya inirapan ko sya

"Oo na pupunta na, wag na umiyak" natatawang sabi ko kaya tuwang tuwa naman sya

"Nga pala manong, manang, mauna na ako may bisita rin kasi ako sa bahay na naghihintay baka ano sabihin, Ryu, Yuki, Yuri, salamat sa meryenda" Sabi nya kaya nagpaalam narin kami sa kanya

"Ingat ka" Sigaw ko

"Goodnight Love." Wika ni ate ng makahiga sa tabi ko

"Goodnight" Sabay na wika namin ni Ryu hindi kasi sinisirado ang pinto ng kwarto dahil kung may kaylangan man kami dire-diretsyo kay Ryu.

"A-Ah, Goodnight sa inyong dalawa" akward na sabi ni ate sabay pikit sa mata

Sinusubukan ko ding ipikit ang mata ko pero bakit ganito.

Makalipas ang ilang oras ay hindi talaga ako makatulog kaya lumabas ako, tulog na si ate at ryu

"Mommy? I miss you so much" Sabi ko, Life wouldn't be this hard kung nandito lang sana sya.

"Miss kana din nya for sure." Agad akong nagulat ng may magsalita nanaman sa tabi ko

"Hobby mo ba na palaging panggugulat sakin na hindi magpapa alam ha?" Tanong ko

"Bakit may nanggugulat bang nagpapaalam?" taas kilay nyang tanong

"Oo try mo sa susunod." Sabi ko

Kainis nag eemote ako dito e, ayan tuloy nasira.

"Sorry kanina" Sabi nya ng makaupo kami

"Sorry din, Hindi dapat kita sinigawan" Sabi ko

"Bati na ulit tayo?" Aniya kaya inirapan ko sya

"You wish" Sabi ko habang nakangisi sabay pasok sa loob at matutulog na

"Goodnight, senyorita" Sabi nya ng makapasok din sa loob

"Nyt." sagot ko sabay pikit na sa mata

Kinabukasan ay agad kami nagtungo sa bakery para sa inorder naming cake para kay Maxine

Simple lang ang cake na pinagawa namin kasi rush, Pero maganda naman yung pagkagawa, may design na motor habang yung gilid naman may mga mukha nya, wacky faces to galing sa cellphone ni ate

"What about cupcakes?" tanong ni ate kaya tinignan lang namin sya

Ikaw na bahala pumili ate, ikaw din naman magbabayad

"Ayaw nya ng sweets, ayos na siguro yang cake" Sambat ko

Alam kong ayaw ni Maxine sa sweets kasi sabi nya hindi daw sya komportable, sinabi nya na'yun sakin nung maligo kami ng dagat

"Roy, Sa mall tayo mamimili tayo ng gift." Utos ni ate kaya tumango lang si Ryu

Nagmomotor lang kasi kami at infairness, kasya kami tatlo sa maliit na upuan ng motor nya

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon