Chapter 6

115 14 0
                                    

Hindi ko alam saan ako napadpad simula nung gabing yun, basta nagising nalang ako kinaumagahan nasa bahay nanaman ako nila Maxine.

"Buti naman at gising kana, nakita ka ng boyfriend ko kagabi na walang malay sa daan habang basang basa sa ulan kaya dito ka nya dinala, hindi kana nya inihatid sa kanila manong at manang kasi baka nakakaabala, mag agahan kana muna bago ka umuwi sa inyo" Aniya habang nilalapag sa kama ang soup

"S-Salamat." sabi ko

Siguro nag aalala na sila yaya at papa ngayon, si ate kaya kamusta na?

"Ano ba nangyayari sayo, kagabi habang naglalaro tayo kitang kita ko na nagpipigil ka sa luha mo, tapos nagbabasa kapa sa ulan" Aniya

"Hindi ko din alam" Sabi ko habang tinitignan lang ang pagkain

Wala akong ganang kumain.

"Gusto mo ba si Ryu?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya

"Kagabi ko pa gusto malaman pero ayaw mong sagutin, Now tell me Yuri, Gusto o mahal mo ba si Ryu?" Tanong nya pa

"Pag sinabi ko bang oo mababago ba ang panahon at mapapasakin ba si Ryu na hindi nasasaktan ang kapatid ko?" Tumatawang sabi ko sabay bagsak ng luha

"I like him, but I love her." sabi ko sabay hawak sa ulo ko

Ang sakit sa ulo ng alak, may hangover pa talaga ako.

"Salamat sa almusal, But I need to go, nag aalala na sila yaya at papa for sure" Sabi ko sabay tayo

"Hatid na kita" aniya

"No, thankyou kaya ko na tsaka malapit lang naman" Sabi ko ng nakangiti kaya tumango nalang sya

Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko si Ryu na naglalakad din, Pupunta siguro 'to kela maxine para kunin ang motor nyang naiwan kagabi

Para kaming strangers na hindi nagtitinginan, hindi nagkikibuan, hindi nag ngingitian habang nagkasalubong.

Ganito ba feeling ng masaktan?

Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad, hindi ko man lang nakayang lingunin sya, Ayoko na.

Tama na.

Sobra na akong nasaktan.

Nakauwi ako ng bahay at gaya ng inexpect ko, nag aalala nga sila kasi bakit daw hindi ako dun natulog.

Hindi parin ako kinikibo ni ate dahil sa nangyari kagabi, she's really mad at me.

Habang tinutulungan ko si yaya na maghugas ng plato ay biglang tumunog ang cellphone ko

Maxine calling...

"Hello Maxine?" Sagot ko sa tawag nya

[I just want to inform you that may training tayo mamaya, 10 am, be ready wear comfortable clothes, don't wear short pants, or croptops.] sunod sunod na sabi nya

"May hangover pa ako, Maxine." Pagpapalusot ko

Hindi naman na talaga masakit ang ulo ko pero tinatamad ako ngayon e

[Gusto mo ba mag training at may matutunan o uuwi ka ng manila na hindi natatry ang isa sa mga pangarap?] agad akong napakamot sa ulo ko ng pagalitan nya ako

She always like that, sanay na ako sa ugali nyang paiba iba.

"oo na, 10 am noted." Sabi ko

[don't be late, may kaparusahan ang ma late.] aniya sabay patay sa tawag

9:30 na ng makabihis ako si ate nakamukmuk lang sa kwarto, I want to talk to her pero natatakot ako, si yaya nasa labas naglalaba ng mga gamit namin, si papa nagpapahinga sa kwarto masakit daw kasi ang ulo, habang si Ryu naman, ewan hindi ko na sya nakita simula nung magkasalubog kami kanina.

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon