"Ayoko ng mabagal, ayoko ng mabilis, normal na speed yung gusto kong makita." Utos nya ng makasakay sa bike
Ako yung nagmamaneho at sya ang backride ko para makita at makontrol nya yung speed ko
"3, 2-"
Hindi paman nag 1 ay agad ko na pinatakbo ang bike
"Stop!" Sabi nya kaya huminto din ako
"Sinabihan ba kita na magmadali ? C'mon senyorita paano ka makakapag koncentrate nyan kung natatakot ka sa akin" aniya
Kami lang kasi dalawa ang nandito sa track, wala si Maxine kasi naghahanda ng snacks.
"I'm sorry." Sabi ko hanggang sa maramdaman kong niyakap nya na ako
His hugs.
It feels like.
Comfortable.
"Wag kana umiwas sa akin please, miss na kita." Aniya sabay kalas sa pagkayap
Bumaba sya ng bike para ayusin ang helmet ko na nadisarrange kanina dahil sa pagkayap nya
"Ang kaylangan mo lang gawin ay ang mag concentrate, wag mong isiping nasa likod mo ako, wag mong alalahanin na baka matumba tayo, wag mong ipahalata na may backride ka, sumunod ka sa boses ko, pero wag mong isunod pati ang mata at damdamin mo." Aniya sabay sakay ulit
"If hindi ka komportable sakin, wag mo ako pansinin, basta mag focus ka'lang sa pagmamaneho" Dagdag nya
"Bibilang ako ng tatlo, Pag zero, patakbo mo na ang bike, 3, 2... 1, zero!" Sigaw nya kaya dahan dahan ko nang pinatakbo ang bike
Hindi ko kasi marinig ng maayos ang boses nya lalo na nakahelmet kami, hindi talaga marinig ang boses pag hindi sumigaw.
First try ko backride ko si Ryu, second try hindi na kasi sabi nya kaya ko na'daw, tama naman sya kinaya ko nanaman, and I survive.
I did it!
Habang nakaupo kami tatlo ni Ryu at Maxine dito sa bleachers nila ay naisipan namin mag kwento tungkol sa naging buhay nila sa Racing.
Sabi nila hindi daw madali ang racing, pero enjoy.
Ilang beses na'rin sila matumba sa bike na ang speed ay 100+ pero nagpatuloy parin sila pangarap nila.
"First race talaga ni Ryu malala e" Natatawang sabi ni Maxine
"Wag mo na ipa alala" Sabi naman ni Ryu
"Ano nangyari?" Curious na tanong ko
"First race kasi nya 16 years old palang sya, e bawal naman sumali ang mga minor kaya dali dali syang lumapit kay papa at nagpatulong na e fake ang age nya at gawing 18." Kwento ni Maxine kaya nakinig lang ako
"Tapos nung matulungan na sya ni papa, nakapagrace na sya, tapos nung patapos na ang race, kunting piga nalang sa bike, 1st na sana sya, ang galing ni Ryu mag maneho, pero ang malas lang nya kasi muntik nang umabot sa finish line, nawalan pa sya ng gas, ayan tuloy talo" Tawang kwento ni Maxine kaya napatawa din ako
Malala nga.
"Pero ang swerte mo nun tol, Agad agad ka nagka bike" Sabi ni Maxine sabay siko kay Ryu
"Agad sya nagka bike?" Kunot noong tanong ko
"Yang bike ko ngayon, 16 years old pa ako nyan nang bigyan ako ng kompanya ng racing, nung panahon na maubusan ako ng gas-" sabi ni Ryu pero pinutol ni Maxine ito at sumabat
"Nakita kasi ng racing company ang potential ni Ryu na magiging magaling na rider" Proud na sabi ni Maxine
Ang galing nya talaga.
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
RomanceBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...