Chapter 11

122 15 0
                                        

And gaya sa inexpect ko, nakarating nga kami ng 6:55pm.

Agad na itinayo ng mga lalaki ang tent, share ng tent si yaya at papa, at share din yung mommy at papa ni maxine, habang share din kami ni Maxine samantalang si Ryu at Gian, share din sila

Marami ang baon namin na pagkain kasi hindi to naubos kaninang umaga sa mga bisita, may natira pa naman kasi.

"Mamimiss kita" Wika ni Ryu habang pinapanood namin sila na naliligo sa dagat

Kami lang ni Ryu ang hindi pa naliligo kasi nakaramdam ako ng ginaw kanina, at sinamahan lang ako ni Ryu.

"Hindi naman ako mawawala, aalis lang" Sabi ko saka sinandal ang ulo sa balikat nya

"Mag iingat ka'dun ha, Kasi wala ako dun para ipagtanggol ka pag may mga lasing man na magtangka sayo" Aniya kaya ngumiti lang ako

I will my man.

I will.

makalipas ang ilang minutong katahimikan ay biglang umalis si Ryu, jijingle siguro.

"Senyorita" Tawag ni Ryu saka agad akong lumingon sa kanya

Dala dala nya ang jacket nyang may hoodie saka pinasuot sakin, Eto pala ang kinuha nya sa loob ng tent kanina.

Tinanong nya kasi sa akin kung may jacket ba ako at sinagot ko na meron kaso croptop jacket, Pictorials lang at vlog ang sinadya ko dito sa camping namin, hindi ligo sa dagat.

7:30 na ng magutom sila kaya agad na kami kumain, Hindi pa sila nagbibihis kasi maliligo pa'daw sila, Medyo maaga padin para sa campfire.

"Hindi ka maliligo?" Tanong ni Gian habang tinutulungan ako magligpit ng mga pinagkainan.

"Hindi na siguro, Malamig eh" Sagot ko saka umupo na sa upuan.

"Alam mo, Ngayon ko lang nakitang ganyan si Ryu sa babae" Aniya

Nakabihis na si Gian, ayaw nya na'daw maligo kasi giniginaw nadin sya.

Tinitignan lang namin sila na naliligo, Naliligo na'din si Ryu, ayaw nya sana kasi wala akong makasama, syempre hindi nya nakita si gian na tapos na maligo, pero sinabihan ko naman sya na ayos lang ako kaya ayun nakumbinsi naman sya.

"Dati maraming naging girlfriend yan si bossing, kaso ang masama, hindi nya siniseryoso, hindi naman sa sinasabi kong playboy sya pero yun bang ayaw nya patapak ng mga tao." Aniya kaya napatingin ako sa kanya

"May ugali si Ryu na ganun?" Tanong ko

"Noon, Pero ngayon nakikita kong nagbabago na sya, dati ayaw nya maging under, pero ngayon inuunder mo. Dati yung mga babae sumusunod sa kanya, pero ngayon sya na sumusunod sayo, iba pala talaga ang epikto ng pag-ibig e-no?" Kwento nya kaya napatawa ako

"Maswerte si Ryu kasi may Yuri sya." Dagdag nya

"Maswerte din si Maxine kasi may Gian sya" Sabi ko

"Alam mo yung pag-ibig namin, Opposite, Napaaga yung pagmamahal nya samantalang ako nahuli-"

"Hindi pa huli ang mahalin sya Yuri" He cut me off kaya napatingin ako

"Napaaga yung pagmamahal nya sayo pero hindi ibig sabihin nun huli na para mahalin mo sya, oo opposite nga nga ang pagmamahal nyo, araw at gabi, pero walang boundary ang pagmamahal para hindi kayo maging masaya" Aniya pa

"Try mong mahalin si Ryu, I swear hindi ka mabibigo sa pinili mong desisyon" Sabi pa nya saka dumating si Ryu

"Tapos na ako maligo" Sabi ni Ryu habang nakatingin kay Gian

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon