"Tinulungan lang yan ni Ryu dati dahil naflat gulong ng sinasakyan nila kaya inihatid nya gamit motor nya hanggang sa kinabukasan hinanap nya talaga kung saan nakatira si Ryu para magpasalamat kuno tapos niyayaya nya si Ryu na sumama daw sa seol sa kanila kasi gagawin daw sya na artista kasi parang koreano itong Ryu namin, kaso ayaw daw kami maiwan dito kaya ayan hanggang ngayon nagpupumilit parin si Manager Han." Sabi ni yaya
Totoong parang koreano si Ryu, yung mata kasi nyang singkit. Kaso yung pangangatawan nya ay pang pilipino parin
Pagkatapos makaalis yung sinasabi nilang Manager Han ay kumain narin kami.
"Ano sinabi ni Manager Han?" Tanong ni yaya kay Ryu habang kumakain
"Ganun parin niyayaya parin akong pumunta dun sa kanila tsaka sabi nya kahit 'di pa ako nakakapag desisyon pwede naman daw na mag bakasyon lang ako dun,binigyan nya kasi ako ng number nya para tawagan lang daw sya kung sakaling dadalaw man ako dun pero parang ayaw ko muna 'di ko kayo kasama e." Sagot nya
"Sayang naman ang oportunidad na'yan anak, diba sabi mo dati gusto mo maging artista?" Tanong ni yaya
"Pero ang layo naman ng korea ma, 'di ako komportableng mapalayo sa inyo lalo na kay papa na inaatake sa puso minsan" Aniya
"Anak ayos lang ako wag mo akong aalalahanin, Yung pangarap mo ang tuparin mo" Sambat ni papa
"Ah basta ayoko muna pa, kung para sa akin talaga yang pagiging artista nayan mabibigay yan sa tamang panahon." Sabi nya
Natapos kami sa pagkain ay ilang minuto rin nagpahinga na sila yaya at papa. Halas onse na ng kami ni Ryu ay hindi makatulog kaya niyaya nya ako lumabas, sumama naman ako kasi wala nanaman akong gagawin kaya nandito kami ngayon sa harap ng nagbebenta ng balut kuno.
"What's that?" Nanlaki ang mata ko ng ibigay nya sakin ang bagay na parang itlog, eto naba ang balut?
"Balut, eto nalang ang benebenta pag gabi lalo na sa ganitong oras, sirado na ang mga streetfoods tsaka ang mga tindahan" Aniya
"Ano yang itim?" Tanong ko ng may makitang kakaiba sa laman
"Sisiw yan. Sige na, sipsipin mo lang yan tapos kainin mo, pag dimo kaya kainin ang sisiw bigay mo sakin, lagyan mo ng suka at asin para masarap" Aniya
"Bossing. First time ba makakain ng ganyan kasama mo?" Tanong ng lalaking tindero
"Oo kuya, palibhasa puro mamahaling pagkain kinakain kaya di alam pano kainin 'tong balut." Natatawang sagot ni Ryu sa tindero
"Dali na senyorita" Sabi nanaman nya habang inaabot sakin yung hawak nyang balot
"What if mamatay ako dahil kinain ko yan? Ikaw ba magpapaliwanag kay ate na ayaw ko maging artista? Ikaw ba magsasabi kay daddy na ayokong palagi nyang na s-spoil? Tsaka ikaw ba maghahanap kay mommy sa seol at sasabihing mahal na mahal ko sya, at umuwi na sya, ha?" Sunod sunod na sabi ko kaya tinawanan lang nila ako
"Senyorita, 'di to lason di ka mamamatay nito." Aniya ng tumatawa
"Favorite 'to ng ate mo, hindi mo alam?" Tanong nya makalipas ang ilang minuto
Kumain na kasi ako pero yung sisiw binibigay ko sa kanya, sabi nya naman e
"Matagal na kayo magkakilala ni ate?" Tanong ko rin
"16 years" Aniya
Hindi na ako nagtanong kung ano pa sa kanya, hindi nya din naman ako sasagutin ng maayos na sagot, hayaan nalang natin na sya mismo magsalita.
Alas dose y medya na kami nakauwi ni Ryu at pag uwi namin ay natulog kami agad
Kinaumagahan nagising nalang ako na may katabi na ako sa kama.
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
RomanceBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...