Chapter 9

120 15 0
                                    

"Wag muna magpatakbo ng mabilis, Kaya mo naman sigurong mag relax muna no?" Wika ni Ryu dito sa track para ipasuot sakin ang helmet na bitbit nya

Pagkatapos nya akong suotan ng helmet ay agad na ako nagpatakbo ng motor, Excited malala ako e.

Sasabayan din ako ni Ryu at Maxine na magpatakbo ng motor mamaya, May inaayos lang sa gear.

Habang nagpapatakbo ako ng bike, I feel like.

Home.

Medyo nasanay narin ako at nagagawa ko na ang banking style na animoy nakakatakot sa una lalo na pag backride kalang, Yun bang feeling na parang tumatabi kana ng higa sa lupa.

Pagbalik ko ng makaikot sa napakalaking race track ay agad sumalubong sakin ang walang emosyong mukha ni Ryu saka nakapagkross ng dalawang kamay

"Kakasabi ko palang na mag relax ka muna, Hindi kana ba talaga marunong makinig, tsaka nagpaharurot kapa paano kung anong nangyari sayo?" Sunod sunod na sabi nya

"I"

"I don't speed, The bike does" Akward na sabi ko kaya ginulo nya ang buhok ko

Hindi naman talaga masayadong mabilis yung pagpapatakbo ko, 100 lang naman ang limit.

"Galing mo talaga pag ganyan, Yuri Coleen" Sambat ni Maxine kaya tinawanan ko sya

Totoo namang ang bike ang may kasalanan, Sumakay lang naman ako.

"Sa susunod, Pag sinabi kong mag relax mag relax ka kasi yang bike natin parang tao din yan, Pabilis ng pabilis yung pagtakbo nila, yan ang ikakapanalo natin, pero pag nasobra na napagod na'yan bigla nalang yang manghihina at isa nadin sa ikakatalo natin, tsaka kahit mas mabilis ang ibang bike kaysa sa bike mo, kung ituturi mo yang kakamapi mo, maaaring maipanalo mo parin yang racing" Paliwanag ni Ryu

Noted po.

"Tara na" Utos nya ng magready na sila

Sabi nila mag lalaban laban daw kami tatlo, Sino daw yung matalo sya manlilibre ng snack, pero hindi ko naman sila matalo talo kasi mabilis sila magpatakbo ng bike.

Ginawa ko nalang ang strategy na sinabi ni Ryu, Kaya nagrelax lang ako na parang ako lang nag r-race.

Hanggang sa malampasan ko sila at ngayon ay nangunguna na ako.

Galing din naman pala magturo ni Ryu.

"Galing mo dun ah" Papuri ni Maxine ng makapagpahinga kami

"Syempre naman, magpapatalo ba ako sa inyo?" Pagmamalaki ko sa sarili ko

Pero halata namang nagdahan dahan lang sila sa pagpapatakbo ng bike para lang malamangan ko sila.

Akala nyo talaga hindi ko mahahalata, Yan sila maxine at ryu, wala pang nakakatalo sa racing nyan, pero nagpa-uto sakin.

Gaya ng pinag-usapan kahapon, Whole day nga kami nagtraining ngayong araw.

Ang swerte ko din na naging kaibigan ko si Maxine, She's so cool, Idol na idol ko sya dati ng makita ko sya sa track na naglalaro, and now, isa na ako sa natuturuan nya para makapag race.

"Ready kana ba bukas?" Tanong ni Ryu habang nag d-drive pauwi ng bahay

Alas singko na, at kakatapos lang namin mag training, Grabi talaga sila, pag sinabing whole day, whole day talaga. Tapos bawal pa malate sa pinag-usapang oras kasi may punishment.

"Hindi ko alam kinakabahan ako e" Sabi ko

Totoong kinakabahan ako, What if pagtawanan lang ako ng karamihan bukas kasi mabagal ako magpatakbo ng motor, Tapos babae pa ako, Wala akong magandang maidudulot sa race.

Hindi ako takot matalo kasi galing na ako dun, Hindi rin ako takot na ma bash, kasi marami nyan sa youtube ko, Pero yung kinatatakutan ko ay baka sakaling hindi sila maniwala sa kakayanan ko.

"Kaya mo yan, Basta tandaan mo lang na sumali ka sa racing na ito para masubukan ang isa sa mga pangarap mo" Aniya

"Ryu" Tawag ko kay Ryu ng magising ako alas dos palang ng madaling araw

"Ryu"

"Gabriel!" Tawag ko pa

"Gabriel Ryu!" Sigaw ko nanaman kaya ayun nagising ko sya

"S-Senyorita, may problema ka?" Tanong nya sabay lapit sa akin

"May masamang panaginip ako, binugbog ka, at sinaktan ka nung lasing na lalaki na nakita natin nung isang araw, hindi ako makagalaw, hindi din ako makasigaw, buti nalang at parang may lamok na dumapo sa mata ko at nagising ako" Sabi ko

"Panaginip lang yan senyorita, wag ka mag alala hindi na ulit makakalapit yung lasing na'yun" Sabi nya

"Pano pag sinaktan ka nya?" Nag aalalang tanong ko

Ayaw ko kasi talaga managinip ng masama kasi kadalasan dun ay nagiging totoo.

Last ako nanaginip na hindi ko talaga nagustuhan, ay nung 10 years ago, napanaginipan ko si mommy na umalis ng bahay kasi may hindi sila pagkakaintindihan sila ni Daddy, Kaya ayun pag gising ko kinaumagahan nag iimpake na si mommy.

"Wag ka mag alala ayos lang ako, Matulog ka nalang ulit para may energy ka mamaya sa race." Aniya saka ako yakapin

Natatakot ako para kay Ryu.

Masama ang kutob ko sa lalaki na'yun.

Gaya ng sabi ni Ryu, Sinubukan ko parin na matulog ulit, Kaya pag gising ko agad na nakahanda si yaya ng pagkain.

"Kumain na kayo at para makaligo na, Damihan nyo ng kain para hindi kayo manghina sa racing mamaya" Utos ni yaya

Dumating si Maxine sa bahay nila yaya ng maydala dalang jersy at gear ko.

"May jersy nanaman ako, Bat nag abala kapa" Tanong ko

Bagong jersy nanaman kasi ang pinakita nya sakin na kapareha ng jersy nila ni Ryu, Kulay violet nga'lang sakin.

"Eto yung jersy na pinapabigay ni papa, First time mo sumali sa racing kaya pati sya sinusoportahan ka" Aniya

I am lucky to have friends and bestfriends like them.

Sa unang pagsabak ko sa racing, nanood nanaman si Yaya, Sana makaya ko 'to, sana maging maayos ang race.

Dumating kami ng race track na sobrang daming tao nanaman, Pumunta ako sa direksyon kung saan si Maxine kasi sabi nya yung coach nya nalang ang gawin kong coach dahil bukod sa iisa lang kami ng team, pareho lang din naman kaming babae

"Goodluck" Wika ni Ryu ng mag ready na ang mga racers.

Katabi ko kasi sya, Katabi ko din si Maxine nasa gitna kami pumwesto.

"Bago ka?" Tanong ng isang lalaki hindi paman kami nag s-start.

"Oo" Sagot ko

"Matatalo ka'lang" Aniya

Hindi ako nakasagot sa sinabi sakin ng lalaki kaya si Ryu ang sumabat

"Gozon" Wika ni Ryu

"Gozon ka diba, Gusto ko lang sanang matanong sayo kung sa una mong sali sa racing, nanalo kaba agad?" Dagdag nya

"Hindi diba, kaya wag kang magsalita ng ganyan sa mga baguhan dahil nagsimula ka'rin sa ganyan!" Galit na sabi ni Ryu

"S-Sorry Boss" Nakayukong sabi ng Racer

"Mag sorry ka sa kanya!" Utos ni Ryu

"S-Sorry newbie" Sabi ng lalaki sakin

"Ayos lang" Sagot ko sakto ding magsisimula na ang racing

"Wag mo nalang pansinin ang mga taong nagsasabi nyan sayo, basta proud ako sayo" Bulong ni Ryu kaya napangiti ako

Hindi nya kita na nakangiti ako dahil maysuot na akong helmet.

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon