Chapter 10

118 15 0
                                    

"Racers begin in, 3... 2... 1.."

Agad na kami nagpatakbo ng sari-sarilig bike ng mag zero na ang time.

"You can do this." Sabi ni Ryu habang sinasabayan ako.

"We can do this." Sabi ko kaya kita kong napatango sya

Habang nagpapatakbo ako ng bike ay hindi ko inaabala na baka matalo ako, inisip ko nalang ang mga sinabi ni Ryu at Maxine na sumali ako sa racing na ito para sa pangarap ko.

Mommy sorry hindi ko nasunod sinabi mo, but I promise na mag iingat ako palagi.

Sinabayan din ako ni Maxine sa pagpapatakbo hanggang  maya maya ay nanguna na sya, syempre pagdating sa racing, wala kang ibang kakampi kundi ang motor mo, si Ryu ayun na sa pinakauna, syempre magpapatalo pa'ba yan.

I started banking sa mga curve na daan, medyo mas napabilis din ang pagpatakbo ko ng motor sa mga straights na lines.

Pero syempre hindi ako yung last sa mga racers, proud din ako sa sarili ko dahil mabagal ako pero may mas mabagal pa pala sakin, but I know they can do this.

Hindi talaga ako nastress ng sobra dahil sa racing na ito, nagawa ko pa'nga kumakanta kanta.

"Let's go together." Agad ako nagulat ng may biglang tumabi sakin at sumigaw dahil hindi masdayong marinig dahil sa helmet na suot

"Ryu?" Tanong ko habang sa daan nakatingin

"Hello senyorita." Aniya

Hindi nya parin ako nilalampasan, gusto nya talaga sumabay sakin.

"Akala ko nasa unahan kana?" Tanong ko

"Anong nasa unahan, ikaw yung nangunguna senyorita, nilagpasan mo nga ako kanina eh angas mo naman." Aniya

Marami na akong nilagpasan kanina, pero hindi ko naman aakalaing ako pala ang nagunguna.

Last loop nalang at ako parin ang nangunguna, nakasunod lang si Ryu sakin, para bang ayaw manguna at manalo.

Patapos na ng patapos ang oras, at ngayon lang ako nagfocus ng sobra

"Relax lang." Sigaw ni Ryu sa likod ko

Feel nya ata siguro na bumabagal na ang pagpapatakbo ko ng motor.

Pero sa huli, Ako parin ang 1st placer at champion.

"Ang galing mo!" Sigaw ni Ryu sabay yakap sakin ng mahinto kami sa finish line

Sa 500+, o mas madami pang racer na nandito sa field, Hindi ko aakalaing magiging first ako.

Nakatungtung na ako sa 1st na letter, si Ryu sa 2nd, at yung isang lalaki naman sa 3rd habang kinukuhaan kami ng picture ng mga photographer at ang mga tao sa paligid

Nakita ko din sila yaya at papa sa malayo na animoy hindi makalapit dahil sa sobrang dami ng tao kay ngumiti lang ako sa kanila at kumaway.

They happy.

"So Ms. Yuri Coleen Carson, how do you feel now that it's your first time to join and win this racing?" Tanong ng reporter sabay bigay sakin sa microphone.

"I'm happy because it's one of my dreams to try, and I also want to thank the people that they thought I couldn't do, thank you because I did it for you." Sagot ko sabay bigay ng mic sa kanya kaya lumipat naman sya sa second place na si Ryu.

"Mr. Gabriel Ryu Vicente, ang palaging winner, at ang tinanghal na dragon pagdating sa race track, how do you feel now that Ms. Yuri is the first placer and you are no longer, because there was no one better than you before." Tanong ng reporter kaya nagkatinginan kami ni Ryu.

"I'm glad she won" Sagot ni Ryu habang hindi pa inaalis ang mata sakin

"Aren't you angry or jealous of her?" Tanong pa ng reporter

"I'm not angry, all racers have the right to win, and also I'm not jealous because she deserves to win here, I'm even proud of her because she did it." Nakangiting sabi ni Ryu

I'm so proud of you too, Gabriel Ryu.

Nang humupa na ang mga tao ay dun din lumapit sila yaya at papa.

"Ang galing nyo talaga" Sabi ni yaya sabay kiss sa pisnge namin ni Ryu.

"Ang galing mo dun ah, Biruin mo first time mo sumali, first time din nanalo, Galawang Ryu Vicente lang e" Natatawang sabi ni Maxine ng makalapit din

"Baka sya ata trainor ko" Natatawang sabi ko din

"Pero malas sya kasi naubusan sya ng gas nung panahon nayun, ikaw sumobra pa ang gas" Sagot nya kaya mas lalo kaming tumawa

"Wag nyo'kong pagtripan naririnig ko kayo." Sambat ni Ryu habang abala sa pag ngingiti sa fans nyang pinipiktyuran sya.

Nag celebrate kami ng victory sa bahay, Syempre marami din ang mga naging bisita, dumalo din si Maxine, Halos lahat ata ng mga kapitbahay nandidito.

Kinahapunan nun, nagyaya si Maxine kasama ang papa at mommy nya na magcamping daw kami sa malapit sa dagat, Syempre kumare ni yaya ang mommy nya saka kumpare din ni papa ang papa nya kaya sama sama na kami lahat.

Medyo malayo layo ang destination na pupuntahan namin kaya ginamit namin ang van nila Maxine.

Kasama din namin ang boyfriend ni Maxine kaya sobrang mag eenjoy kami sa trip na ito for sure.

"Congrats nga pala sa panalo nyo bossing Ryu, Pretty ay este cute Yuri" Sabi ni Gian ang boyfriend ni Maxine

Nagkukwentuhan kasi kami dito sa loob ng sasakyan habang nagbabyahe para daw hindi kami ma bored, 3 pm kami umalis at mukhang 6:30-7:00 kami makakadating dun

"I already told you, She's not pretty nor cute, She's-"

"Gorgeous? Yes bossing alam ko yan" Pagputol ni Gian sa sasabihin ni Ryu

"Mabuti at alam mo" Sagot ni Ryu kaya agad ako siniko ni Maxine

"Ang cute naman tignan na pinaglalaban ni Ryu kagandahan mo,Biruin mo sa buong buhay ko  akala ko motor pinaglalaban ni Ryu, yun pala ikaw" Bulong ni Maxine sakin

"Tumahimik ka Maxine, Wala sa lahi namin ang magpa uto" Pairap na sagot ko kaya tumawa sya

"Kaylan balik mo sa manila, Yuri?" Tanong sakin ng mommy ni Maxine

"Sa susunod na buwan po, tita" Sagot ko naman

1 month nalang.

"Kaylan ulit balik mo dito?" Tanong pa nya kaya tumawa sila

"Hindi pa'nga nakakauwi ma, Balik na agad" sambat ni Maxine

"Mamimiss ko kakulitan ni, Yuri e, Kayo ba hindi nyo ba sya mamimiss?" Tanong ni tita sa kanila

"Syempre mamimiss, lalo na nito kay bossing" Sagot ni Gian sabay siko kay Ryu

Tahimik buong byahe si Ryu, Sya kasi palaging pinagt-tripan nila Maxine at Gian

"Babalik po ako dito tita siguro pag nakauwi kami galing new york dito po ako didiretsyo, Syempre mamimiss ko din kayo" Sabi ko

Parang dati lang ayokong pumunta dito sa siargao, Pero ngayon ayoko nang umalis.

"Pupunta ka ng new york?" Bulong ni Gian ng makalipas ang ilang minutong pagkukwentuhan

"Oo, dun na kami titira" Sabi ko

"Kaylan kayo uuwi?" Tanong naman ni Ryu

Para namang si Tita Kareen to, Hindi pa ako nakaka alis maypa tanong na kaylan uuwi.

"I don't know, 5-6 years siguro. 3 years lang naman ang law, but I need to work." Sabi ko dahilan para makatahimik sya

"Babalik ako, I promise." Bulong ko sabay kidhat sa kanya

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon