Chapter 8

123 16 0
                                    

"Sayang yung premyo, panggamot na sana yun kay papa" Sabi ni Ryu ng makauwi kami ng bahay

"Makakabawi ka'pa naman next race, Tsaka sabi naman ni papa diba na malakas na malakas pa sya, kaya magtiwala tayo sa kanya" Sabi ko kaya napabuntong hininga sya

Nakaupo kami ni Ryu dito sa labas ngayon hinihintay na gumabi

"Galit ka'pa ba sakin?" Tanong nya dahilan para mapatingin ako sa kanya

I've never hated you.

I'm just upset.

Hindi ko sya sinagot kaya hinawakan nya ang dalawang braso ko para mapaharap sa kanya

"Wag mo na ako iwasan, Please" aniya

Kitang kita ko ang mga mata nyang nagpapahiwatig ng kahinaan

"Please senyorita" Aniya nanaman

Wala akong nasagot sa kanya, Yakap nalang ang tanging ginawa ko

Ng makakalas kami sa yakap ay agad ako binuhayan ng lakas para itanong ang mga tanong na bumabagabag sa isipan ko

"Why did you choose me over my sister?"

"Why did you love me, even if girlfriend mo naman sya?"

"Why me? Ang dami daming babae na nasa paligid mo Ryu"

"Why did you hurt my sister?"

"Alam mo ba kung gaano sya nasaktan?"

"Alam mo ba kung gaano mo kami nasaktan?"

Sunod sunod na tanong ko, nakatingin lang ako sa malayo nindi ko sya magawang tignan

"Kasi mahal kita." Sagot nya

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nabuhayan sa sinabi nya

Sa dami dami ba naman ng tinanong ko, Yun lang isasagot sakin

"Bata pa'lang tayo, may kakaiba na akong nararamdaman sayo, hindi ko mabahagi yun, Pero ang tawag dun ay crush, Ang bait kasi ng kalooban mo, Kahit maldita ka sa paningin ng karamihan" Aniya

"Sabi ko, Dadating yung panahon na magkikita tayo ulit senyorita, at sa panahon na'yun pareho na tayong handa"

"Sabi ko pa sa sarili ko, Sa panahong handa na kami, sana wala ka'pang boyfriend para sakin ka mapunta" pagpapatuloy nya

"Girlfriend mo si ate diba?" Tanong ko

Hindi sya sumagot sakin kaya nagsalita ulit ako

"Answer me!" Sigaw ko

"Hindi." Walang emosyong sabi nya

"What do you mean?" Tanong ko

"Hindi naging kami ni Yuki, sinubukan namin magmahal pero ayaw talaga, Ikaw yung nangingibabaw sa isip at puso ko" Aniya habang nakatitig na sakin

"Kasi ikaw ang mahal ko, senyorita" Aniya pa

"Ryu, Hindi pwede-"

"Bakit kasi mahirap lang kami, at hindi ako tanggap ng pamilya mo?" Pagputol nya sa sasabihin ko

"No, Hindi sa ganun"

"Pero ganun parin yun" Sabi nya

"Kasi-"

"Mahal mo ba ako o hindi?" Tanong nya

I love you Ryu.

Sana ganun lang kadaling sabihin.

"I-"

"Hindi ko alam!"I lied habang nakayuko

"At hindi pwedeng maging tayo" Sabi ko pa

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon