"Senyorita, Nakahanda na ang ipangliligo mo." Sigaw ni Ryu sa labas ng kwarto
Lumabas ako ng kwarto at dumiritsiyo sa kusina kung saan naroon ang maliit nilang banyo.
"Aaaaaahhhh!" Sigaw ko ng madapo sa balat ko ang malamig na tubig
Parang yelo, ang lamig sobra.
"Oh, nangyari sayo anak?" Nag aalalang tanong ni yaya
"I-It's cold, wala bang mainit init na tubig dyan?" Pagrereklamo ko
"Senyorita, ang mainit na tubig ay para lang sa kape, Hindi pwedeng sa balat ng tao." Sigaw ni Ryu
At dahil hindi na talaga nag init ng tubig si Ryu, Nagtiis nalang ako sa sobrang lamig na tubig.
"Oh kape." Wika ni Ryu sabay abot sa tasa na may nangangamoy kape
"Why would I accept that, Baka mamaya may lason yan." Pairap na sabi ko sabay yakap sa sarili
Maulan ulan din kasi kaya sobrang lamig
"Kung may lason man 'to, Mamamatay kang masaya." Sabi nya sabay lapag ng kape sa mesa na nasa harap ko
Sinulyapan ko sandali ang kape saka si Ryu, bago ko kinuha ito at ininom dahil sobrang lamig na talaga.
Kung mamamatay man ako ngayon, Paniguradong si ryu ang dahilan.
"Pandesal senyorita, pasensya na at ito lang kaya naming bilhin para sayo, Mahal kasi ang boorger dito." Sabi ng asawa ni yaya fhey habang inaabutan ako ng pandesal
"Wag nyo na'po akong tawaging senyorita, Hindi ko nga po din alam bat ako tinatawag na senyorita ga'yong yuri naman ang pangalan ko, tsaka ayos lang po itong pandesal, salamat po." Sabi ko kaya ngumiti sya at tumango.
"Alam mo, bata ka palang nagtatrabaho na'rin ako sa inyo." Wika nya kaya nagtaka akong lumingon sa kanya
Tumabi sya ng upo sakin habang nakatingin sa labas na umuulan
"Really?" Manghang tanong ko
I've never recognized him, baka din siguro sobrang bata ko pa noon kaya di ko na maalala.
"Oo, 3 years old ka'pa nun, nang mag apply ako bilang driver nyo, kasabay ko mag apply nun yung yaya mo, Dala dala namin si Ryu, kasi wala namang maiwanan si Ryu dito tsaka 6 years old pa sya nun, Halos buong araw kayo magkasama ni Ryu, naglalaro kayo minsan pa'nga pinapalaro mo ng manika, ayaw nya sana maglaro kaso nagagalit ka, kaya ayun todo sunod sya." Kwento nya dahilan para mas lalong mamangha ako
All my life akala ko si ate lang ang kalaro ko, wala kasing lumalapit sa'kin kasi maldita daw ako at ayaw nila sa akin.
"Pero nung magkasakit ako, Kaylangan namin umuwi, iyak ka ng iyak ng panahon na'yun kasi iiwan kana daw ni Ryu, Pero alam mo ang sabi ni Ryu nun, 'magkikita tayo ulit senyorita.' hanggang sa dumating nga ang panahon ng pagkikita nyo." Nakangiting pagpapatuloy nya
"That's why he was still calling me Senyorita, Dahil ba sa ugali ko?" Akward na tanong ko kaya tumawa sya at napatango
Hindi ko alam bat agad ko nakalimutan si Ryu, basta ang importante nalaman kong magkaibigan pala kami noon.
Noon!
Past is past Yuri, move on! Wag kang umasa na magiging magkaibigan kayo ulit ni Ryu, kasi jerk sya!
Makalipas ang ilang oras na kwentuhan namin ay agad na kami tinawag ni yaya para maghapunan
"Akin na plato mo anak lalagyan ko ng kanin." Wika ni yaya kaya binigay ko ang plato ko
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
Storie d'amoreBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...