"Hanggang kailan bakasyon mo dito?" Tanong ni Maxine habang bumibili kami ng pagkain galing sa pagligo
Sinabihan ko kasi sya na baka sayang lang yung opurtunidad na pagsali ko sa racing nayan kasi nagbabakasyon lang ako dito.
4 months kasi yung training tapos 4 months nalang din ako dito. I already used my 1 month nang di namamalayan, ang bilis talaga ng panahon pag masaya ka.
"4 months nalang" Sagot ko
"Pwede naman after 4 months, Bumalik ka ulit dito and after that pwede kana mag race." Sabi naman nya
"I don't know if makakabalik pa ako dito, After 4 months kasi my dad decided to go to new york." Sabi ko kaya natahimik sya
"Eto nalang, Para may memories ka'din dito, ako nalang mag t-train sayo, walang bayad 'to just accept my offer, I really want to help you." Aniya kaya agad akong napatingin sa kanya
"Really?" Tanong ko kaya tumango sya
"Let's be friends." Aniya habang inaabot ang kamay
Tapos na kami mag shake hands kanina ah
"Sure." Sabi ko sabay abot nalang din sa kamay ko
Bumalik kami sa dagat at nakita namin na tumigil na sa pagliligo sila yaya, papa, ryu at ate.
"Hi max." Tili ni ate sabay yakap
"I missed you, Were have you been?" Tanong ni Max sabay taas sa kilay
"Naghanap ng ambisyon sa buhay" Sagot naman ni ate kaya sabay silang tumawa
Habang nag kukwentuhan si ate at maxine ay abala kami ni yaya sa paghahanda ng pagkain para sa panghapunan namin
Nandito parin kami sa tabi ng dagat, naisipan namin na mag overnight kasi minsan lang daw kami mag bonding lalo na babalik nanaman si ate sa manila sa susunod na buwan
"Anak maiwan muna kita dito ha, pupuntahan ko lang ang papa nyo at bibili muna kami ng sawsawan nyang isda" Sabi ni yaya kaya tumango ako
Hindi ko naman maiwan 'tong mga pagkain dito kasi maraming aso na pagala gala, baka masayang lang yung effort kung kakainin lang ng mga aso
"Abala ako sa pag timer ng cellphone ko habang nag p-pose sa harap ng sunset, wala akong mautusan na magpicture eh, dami kasing daldal ni Ate at Maxine, si Ryu naman nakikisama sa chismiss ng dalawa.
"Lonely mo naman." Agad akong napairap at tinimer ulit ang cellphone ng marinig ko ang boses ni Ryu na papalapit sakin
"Kung tinutulungan mo kasi ako edi sana 'di na ako mal-lonely!" Pairap na sabi ko
"Oh" Sabi ko sabay abot sa kanya ang cellphone kaya ayun tinanggap nya naman
"Ayusin mo yan, yung magmumukha akong princessa" Utos ko sabay pose
"Ang sabi ko magmumukha akong princessa, bat nagmukha akong engkanta?" Malditang tanong ko ng makita ang picture
"Ayos lang yan magandang engkanta naman yan e" Aniya habang umuupo dito cottage
"Hoy bawal pa kainin yan!" Galit na palo ko sa kamay ni Ryu ng kumuha sya ng isang sliced ng watermelon
"Ang dami dami pa dyan oh, relax 'di ka mauubusan" Nakangiting sabi nya kaya inirapan ko nalang sya at nagselfie nalang
Kaso ng tignan ko ang picture ay nakisali ang mokong, pero infairness ang ganda ng ngiti nya
"Gusto mo ba ang kapatid ko?" Tanong ko kay Ryu habang pinagmamasdan namin si ate
"Ewan" Aniya
"Anong klaseng tanong yan, Oo o hindi lang gusto kong marinig" sabi ko kaya napakibit balikat sya
BINABASA MO ANG
Safe Ride With You
RomansaBack when they are both kids, They used to be a childhood friend, But Yuri Coleen Carson get into a plane incident, Kaya nalimutan nya ang kanyang mga pangako, masayang ala-ala at pagsasamahan sa lalaking matagal nya nang minamahal, He is Gabriel Ry...