Chapter 32

95 8 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos nun, Nakita ko din sila Ryu at Tipp na nag uusap habang nag kakape. They look tired, and it's look like they didn't sleep.

Nagkasalubong ng tingin namin ni Ryu kaya nginitian nya lang ako.

Akala ko uuwi sila ng canada ngayon dahil may training pa sila, talaga nga namang tigas ng ulo ng mga taong ito.

"Oh, You're awake, Goodmorning my lady" Bati ni Tipp ng makita din ako

Tumango lang ako sa kanila at sinilip saglit si daddy saka pumunta ng kusina para tumulong kay ate, pria at maxine na nagpeprepare ng almusal.

"How's your feeling, love?" My sister asked

"I'm fine, you don't have to worry." I said

"You sure?" Pria asked

"Yeah." I smiled "What are you cooking?" Pag iiba ko sa usapan

"Porridge, For everyone" Sabi ni Maxine

"Why are you cooking porridge, does your head hurt too?" I asked them in confussion

"We know that if you eat porridge alone, you will lose your appetite because you don't like the taste, so we will eat with you." Sagot ni Pria

Who's ideas is this?

"Will you also eat porridge? For me?" I laughed, Nakakacool kaylangan talaga nila kumain ng lugaw para sakin

"Why not, If that's the only reason for you to be strong." Sabi naman ni Maxine

"It was Max's idea, we just followed" Bulong ni ate saka lumabas ng kusina para ilagay ang pagkain sa sala

Hindi kasi pwedeng iwan ang daddy sa sala kaya naisipan din nila na doon nalang kumain.

"Smells yummy." Sambit ni Tipp ng maamoy ang pagkain

"Lugaw lang yan, yummy ka dyan." Bulong naman ni Ryu na alam nya naman na hindi yun maintindihan ni Tipp.

"Busog pa ako" Sabi pa nya saka ngumiti kay ate at kay Maxine

"Kumain ka, lugaw lang yan tsaka walang lason yan" Bulong ni Max kay Ryu

"Whats wrong?" I asked them

"Ayaw din kumain ng lugaw ayaw nya din kasi ang lasa." Sagot ni Max

"Oh, it's okay if you don't eat-"

"Sino nagsabing hindi ako kakain? Sarap sarap kaya ng lugaw." Ryu cut me off

"You sure?" I asked

"Oo" Sagot pa nya sabay salin ng lugaw sa bowl nya.

Totoong kumain naman talaga si Ryu, pero halatang napipilitan, tsaka infairness madami nakain nya.

"Inom kana gamot pagkatapos." Sabi ni Max pagkatapos kumain

Sinunod ko naman ang mga bilin nila. Pagkatapos nun ay si Ate na ang nagkusang maghugas ng mga pinagkainan

Nakaupo nanaman ako ngayon sa isang monoblock sa harap ni daddy. Wala akong magawa kundi ang tignan nalang sya.

"You have a visitor outside." Tipp whispered ng makalapit sakin

Tumayo naman ako agad para tignan kung sino ang bisita. Ang pagkaka alam ko may mga neighbors at ang secretary lang ni dad ang dadating ngayon, kaya baka sila siguro.

Kahapon lang din namin pinaalis ang mga helpers, since wala na si dad at wala na silang babantayan dito plano ko din ibenta tong bahay at lupa at magrenta nalang ng apartment malapit sa school at office.

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon