Chapter 13

106 14 0
                                    

"Asan si Yaya?" Tanong ko kay Ryu na nagtitimpla ng dalawang kape

"May binili lang kasama si manang" Aniya saka binigay ang isang tasang kape

Agad ko namang tinaggap yun at tinignan si Maxine at Ryu na nagtititigan lang, Ni goodmorning or Hi wala.

"Cr lang ako" Sabi ko sa bago ilapag ang kape sa mesa saka umalis sa harap nila

Gezzz. I need to pee.

Paglabas ko ng restroom ay nakaupo na sila at parang nag uusap ng seryoso, Nasa gitna nila si Gian na parang nang eestorbo sa usapan.

"Bossing, di mo ba iinumin yang kape, akin nalang oh" Tanong ni Gian kay Ryu kaya tinitigan ito ng mokong na parang dinasour.

He always like that, lalo na pag kay Gian, Para bang nakukuha nya sa tingin si Gian. Aiiissh!

"Senyorita" Wika ni Ryu ng mabalingan ako ng tingin

Agad nya naman tinapik ang tagiliran ni Gian para umalis kasi pang dalawa lang talaga ang kasya sa upuan, para kay Ryu at Maxine lang sana yun kasi may importante silang pag uusapan, Nakikisali pa 'tong si engot.

"Umalis nga kayo dyan, Maxine dun ka, Gian alis." Wika ni Ryu

"Ako nauna dito, Tsaka tumabi ka'lang naman ng upo sakin ah, Kayo umalis dito, shooo, Yuri dito ka tabi tayo" Sabi ni Maxine kaya nakatawang tumabi ako sa kanya

"Hoy, Remember mga babae kami-"

"Oo babae si Yuri, ikaw babae kaba?" Pagputol ni Gian sa sasabihin ni Maxine kaya agad namang nag-init ang ulo ng babae at sinapak ang boyfriend

"Babae ba ako, ha?" Nakangising tanong ni Maxine habang hinihila ang buhok ni Gian

"Sige magpikunan kayo dyan, Solo ko si Yuri." Sambat ni Ryu ng makatabi sa akin ng upo saka kinidhatan si Gian at Maxine

Ng makabalik sila yaya at tita ay agad na kami nag agahan saka naligo.

We took pictures first bago mabasa sa tubig, Kasi remembrance daw, Tsaka nakapag picture din naman kami sa campfire namin.

"Marunong ka lumangoy?" Tanong ni Gian sa'kin dito sa dagat kaya agad sya inakbayan ni Maxine.

"Ikaw ang dapat namin tanungin nyan." Nakangising sabi ni Maxine

"Kaya nga nagtatanong ako kay Yuri para kung nalaman kong hindi sya marunong lumangoy, e parehas na kami" Sabi ni Gian kaya agad kami tumawa ng malakas

"Laki laki mo na Gian, tapos kalalaki mong tao di ka marunong lumangoy?" Natatawang sigaw ni tita

"Age just not matter naman daw sabi nila" Sagot pa ni Gian

"Anong age just not matter, bobo, age doesn't matter yun" Sambat ni maxine kaya naghalakhakan parin kami

"Marunong ka'ba Yuri?" Bulong sa akin ni Gian ng makalayo na sila

"Yah" Sagot ko kaya napakatol sya sa ulo nya

"Panget naman kabonding nito" Sabi pa nya kaya tinawanan ko sya

"Tara na dun sa kanila" Pagyaya ko sa kanya habang tinuturo ang lahat na nasa malalim na

Sa palagi kong pagliligo sa dagat ng kasama ko si Ryu, parang nasanay na ako sa malamin, at nawawala na yung phobia ko.

"Ayoko, baka malunod pa ako at mategi, naku magpaparami pa ako ng lahi ko" Aniya

"Sige, ikaw din pag nandito ka sa mababaw baka ano ano ang humigit sayo mula sa tubig, may kasabihan kasi sila na mas nakakatakot sa mababaw kaysa sa malalim kasi pwede kang higitin ng lupa, It's your choice then" Sabi ko saka iniwan sya

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon