Chapter 24

115 9 0
                                        

Yuki's pov:
Flashback: 10 years ago.

Matapos ko inumin ang gamot na binigay sa akin ni nanay(yaya namin, at mama ni Ryu) ay papasok na sana ako sa kwarto namin ni yuri ng bigla kong marinig ang away ni mommy at daddy kaya nahinto ako sa paglakakad at napalingon sa kanila.

"Ayoko na Cristofer, sawang sawa na ako sa mga kasinungalingan mo!" Sigaw ni mommy habang kumakalas sya sa pagkayakap ni daddy.

"Wag mo naman kaming iwan Yera, Isa pang pagkakataon nakikiusap ako kahit para nalang sa mga bata." Pagsusumamo ni daddy

"Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako Yera, umaasa si Yuri sayo." Sambit pa ni daddy

"Isa pang pagkakataon? Cristofer, ilang ulit kanang nagsinungaling sakin, ilang ulit kang nagloko sa amin, pero pinatawad kita. Lahat ng mga pagkakamali mo inintindi ko, lahat ng mga gusot mo inayos ko, at ngayon lang ako napagod. Ngayon lang ako nahimasmasan sa katotohanang nararapat pala na bitawan na kita" Sabi ni Mommy

"Kaya naman natin gawan ng paraan para makahanap ng pera diba? Yera, sa akin ka nalang sumama, sa amin ng mga anak mo" Pagpupumilit pa ni daddy

"Mga anak ko? Isa lang ang anak ko Cristofer, wag mo ako gawing ina sa isang batang hindi ko naman kadugo, wag mo ipilit sa akin na tanggapin ko ang anak mo sa labas!" Sigaw ni mommy

"Yera, Tama na! Matagal na panahon na naming pinagsisihan yun. Hanggang ngayon ba naman ay inuungkat mo parin ang nakaraan?" Sambat ni nanay ng makalapit kay mommy at daddy

"Alam mo ba ang mga pinagsasabi mo Fhey? Inuungkat ko ang nakaraan, hinding hindi ko talaga matanggap tanggap ang mga kawalang respitong ginawa nyo. Sa tingin mo ganun ganun nalang kadali ang magpatawad? Fhey, tinuri kitang totoong kapatid ko, tinuri kitang ate ko!!! Ni minsan ba nagreklamo ako sa mga masasakit mong salita, ni misan ba narinig mo akong nagtatalak sayo dahil sa hindi ka concentrate mag trabaho dito. Hindi diba? Kasi ganun kita kamahal bilang ate ko, pero ano itong isinukli mo ha? Ano 'to?" Sigaw naman ni Mommy

"Mas mabuti pang mag kanya kanya nalang tayo ng buhay. Kalimutan mo nang naging magkaibigan tayo" Sabi ni mommy kay nanay "At kalimutan mo nadin na naging loveteam mo ako" Bumaling naman ang tingin ni mommy kay nanay.

Matapos nila mag away ay agad na tumungo si mommy sa kwarto nya para mag impake ng mga damit nya. Pagkalabas nya ay nakasunod si Yuri sa kanya dala dala din ang mga gamit nya

"Sasama ka Yuri?" Tanong ko sa kapatid ko

"Oo" Maikling sagot nya

"Iiwan mo naba ako dito?" Tanong ko pa sa kaya kaya napairap sya

"Ano naman ngayon kung iiwan ka namin? Mabubuhay kapa din naman kahit wala kami sa tabi mo e" malditang sabi nya

"Don't leave me" Pagsusumamo ko saka niyakap sya

"Aalis ako hanggang gusto ko, I- don't... Love you!" Sigaw nya sabay tulak sa akin dahilan para mapaupo ako sa sahig

"Let's go Yuri" Wika ni mommy kaya sumunod na si Yuri

Don't leave me Yuri please.

I'm begging you

Ikaw lang ang meron ako. All I want is my sister!!

Please comeback.

Nakaupo parin ako sa sahig habang pinagmamasdan silang makalayo sa akin, dahan dahan nang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

Bakit hindi nyo ako sinama?

Nagkulang ba ako bilang anak at kapatid nyo?

May mali nga ba akong nagawa?

Safe Ride With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon