Chapter 5

635 24 0
                                    

Chapter 5

Alam mo yung feeling na hinihiling mo na sana posible nalang yung time machine? O kaya naman posible sana na may filter ang bibig mo para hindi ka nakakapagsalita nang hindi mo pinag-iisipan.

I hurt him so bad and I'm afraid that it'll be hard for me to make him come back to me. And to take it all back, the thing that I've said to him.

I just arrived from New York this morning and since that time, I'm just here inside my room.

Pagpasok ko kanina dito sa kwarto, naramdaman ko agad na may kulang. Nakaramdam din ako ng pangungulila. Nandito pa kasi lahat ng mga bagay na may kaugnayan sakanya. Bakit ba nandito pa ito? Simple lang, dahil hindi ko kayang pakawalan ang mga 'to. Feeling ko kasi kapag inalis ko ang mga bagay na may kaugnayan sa kanya ay tuluyan ko na siyang pinapakawalan. At ito ang bagay na hinding-hindi ko magagawa. Kahit pa sabihin na ako ang nakipaghiwalay, hindi ko pa siya tuluyang binibitawan sa buhay ko.. sa puso ko.

"Ate?"

Nagulat naman ako sa tawag ni Joanna. Naiwan ko sigurong bukas yung pintuan. Lately, I'm being too careless.

"Joanna? Bakit?"

"Dinner na."

"Sige, tara."

Nasa hagdan palang kami nang may marinig akong tawanan mula sa dining. Napatigil ako sa paglalakad. Bakit nandito siya?

"Joanna."

"Bakit, Ate?"

"Anong ginagawa niya dito?" Masungit kong sabi habang nakataas ang kilay ko.

"Ahh. Ehh.. kasi Ate."

"Joanna Marie."

"S-si Jac kasi, Ate."

"Ano nga?"

"Kanina pa siya dito. Pinatawagan samin ni Jac si Kuya. May gusto kasi siyang laro kaso hindi niya alam kung paano laruin kahit ako di ko alam. Nakita niya kasing nilalaro ni Kuya yun nung isang araw eh."

"Nung isang araw?"

"Kasi nung nasa ibang bansa ka, madalas si Kuya dito. Request ni Jac. Naglalaro lang sila. Hindi naman makatanggi sina Mama kasi nga gusto ni Jac. Tapos kaninang after lunch hiniram niya yung phone ko. Hindi ko alam pero tinawagan niya pala si Kuya at pinapunta dito kaya nagulat nalang kami na dumating siya habang natutulog ka."

Ever since talaga sobrang close ni Jac sakanya simula nang ipakilala ko siya. Bukod sa gwapo siya at crush siya ni Jac ay malapit talaga siya sa mga bata. Nagulat lang ako na pumupunta pala siya dito. At hindi ko talaga alam yon.

"Lika na nga dun." Aya ko kay Joanna.

"Oh, buti nagising ka na, anak. Akala namin bukas ka pa magigising eh." Bungad ni Papa sakin pagpasok ko sa dining room.

"Grabe naman, Pa. Walang gisingan lang?"

"Oo 'nak. Muntikan na kung hindi ka pa ginising niyang kapatid mo." Segunda naman ni Mama.

Napagtulungan nanaman po ako ng pamilya ko.

"Ate!" Tawag ni Jac na abot-tenga ang ngiti. Uh-oh. I know that kind of smile.

"Yes, bunso?" Malambing kong sabi.

"Punta tayong Baguio." Nakangiti niyang sabi.

Nagulat naman ako dun. Baguio? Kelan pa naging gala itong kapatid ko? At sinabi niya talaga yon na parang GMA to North Edsa lang ang layo ng Baguio sa Manila.

"Jac, Baguio ba ang sinabi mo?" Ulit ko

"Opo!"

"Bunso, anong gagawin mo sa Baguio? Pa? Ma?" Naguguluhan kong sabi.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon