Rated SPG. This chapter contains language not suitable for very young readers. Read at your own risk.
Chapter 19
"JULIEEEEEEEEE!"
Paglabas ko ng tent nakita ko ang kumpulan ng tao sa may gitna ng kalsada.
Kumakabog ang dibdib ko habang lumalakad ako palapit dun. Shit! Wag naman sana. Please.
Few meters away, nakita ko sila Direk at yung mga staff namin. Sila pala yung nakakumpol sa daan. Nakita nila ako kaya nag-give way sila sakin.
"Moe." Tawag nila sakin.
Napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa taong nakahandusay sa sahig at duguan. Julie.
"S-sir." Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Yung driver ng SUV na sa tingin ko ay nakabangga kay Julie. "S-sir, hindi ko po... s-sinasadya. Bigla po kasi siya tumakbo. H-hindi ko po napansin. S-sorry po."
Hindi ko alam kung paano magr-react. Hindi ko alam. Si Julie lang ang nasa isip ko. Natagpuan ko nalang ang sarili kong sinuntok yung driver ng SUV.
BOOOGSH!
"Elmo!"
Inaawat nila ako at inilayo dun sa nakabangga kay Julie.
"Sorry?! Eh siraulo ka pala eh!" Pilit akong kumawala sa pagkakahawak sakin nila Direk.
Wang! Wang! Wang!
"Elmo, tama na yan. Kami na ang bahala sakanya. Sumama ka na sa ambulansya."
"Hindi Direk!" Mariing sabi ni Maqui saka pa ako tinignan ng masama. "Ako po ang sasama kay Julie."
"Excuse me po." Sabi nang rescue team tapos mabilis na chineck si Julie. Pagkatapos ay dali-dali nilang isinakay si Julie sa isang stretcher nang buong pag-iingat.
Wala akong nagawa kundi habulin lang ng tingin si Julie na isinasakay sa ambulansya habang nakasunod si Maqui dito. Patuloy naman sa pags-sorry yung nakabangga kay Julie pero wala akong pakialam dahil ang tanging nasa isip ko lang ay si Julie. Kailangan ko siyang makita at masigurong okay lang siya.
Hindi ko na nagawang magpaalam sa kanila. Natagpuan ko nalang ang sarili kong pinapaharurot ang kotse ko at tinatahak ang daan patungo sa pinakamalapit na ospital. Sigurado akong doon dadalhin si Julie.
Mabilis akong bumaba ng kotse matapos kong maipark ito. Tumakbo ako papunta sa emergency room at nagtanong sa nurse na nasa desk.
"Julie Anne San Jose po."
Nag-angat ito ng tingin at nanlaki ang mga mata nang makita ako.
"Elmo Magalona?"
"Yes, it's me. Nasaan po si Julie Anne?"
Hindi naman siya natinag at mukhang kinikilig pa.
"Omygosh! Totoo ba ito? Kayo siguro talaga no? Juice colored! Yung faney heart ko. Oxygen please!"
"Miss, I don't wanna be rude but can you just do your job and tell me where is she? I badly need to see her."
Mukha namang natauhan siya saka pa nag-ayos ng upo.
"Ahmm. S-sorry, Sir." Nahihiyang sabi nito kasabay nang pagcheck niya sa isang logbook. Tumingin ulit siya sakin. "Nasa operating room na po si Ms. Julie."
"Saan ba yung operating room niyo?"
"Pasok po kayo sa loob, diretso lang po. Tapos kumanan po kayo. Yung last door po dun yung operating room. Nandun na din po pala si Ms. Frencheska."
