A/N: Dapat di ko pa 'to iupdate eh. Pero kasi nainspired talaga ako sa mga sinabi ni Ate Jo julielmolovin Thanks Ate.
And wag kayo mahiya magcomment. Haha. :)
So eto na...
*****
Chapter 6
Balik-Pinas. Balik-reality. Balik-sakit. Balik-iwasan.
Sunday na naman. Meaning? Its Sunday All Stars Day.
"Julie!"
Tumatakbong sambit ni Christian kay Julie.
"Oh! Bakit, kuya?"
"Nakapagrehearse ka ba kahapon para sa prod natin mamaya?"
"Syempre naman! Ikaw lang tong absent kaya solo flight ako kagabi sa tech reh."
"Sorry, Jules ah. Umuwi kasi akong Cavite kahapon eh."
"Ayos lang, kuya. Alam na mamaya."
"Dating gawi?" Sabi ni Christian na tinaas-baba pa ang kilay.
"Dating gawi!" Hyper na sabi ni Julie.
"Bakit pala di ka kasama sa Acapella prod?"
"Ehh... Ano k-kasi.. kuya.."
"Si Maqui?"
Napatungo lang si Julie.
"Alam mo Jules. Yung mga tulad ni Maqui, yan yung mga rare na kaibigan at bestfriend." Inakbayan ni Christian si Julie. "Hindi ko sinasabing magbati na kayo at pilitin mo ang sarili mong makipag-ayos sa kanya. Ang sakin lang naman, wag mong hayaan na maglaho nalang yung mga magagandang napagsamahan niyo. Jules, I know na marami kang na-realize nung nasa ibang bansa ka. At isa pa. Hindi lang kaibigan ang dapat pahalagahan mo at bigyan mo nang pansin. Pahalagahan mo rin yung taong magpapasaya sayo at kukumpleto sa glow ng mukha mo tuwing ngumingiti ka."
Sa mga sinabi iyon ni Christian ay hindi napigilan ni Julie ang mapaluha. Agad din niyang niyakap ang tinuturing niyang kuya sa industriya.
"Thank you, kuya. Alam kong malapit ko nang maayos yung samin ni Maqui. Pero yung kay..."
"Ssshh. Think positive. Wag mong kalimutang macho ka. Nako, sumexy ka lang. Nakalimutan mo na ang pagkamacho mo. Kayang-kaya mo yan. I'm always here for you."
Humiwalay si Julie sa pagkakayakap kay Christian at umakbay rito. Wag kang umangal! Abot niya naman eh.
"Swerte ko talagang kuya kita!"
"Naman! Talented na, gwapo pa!"
Natawa sila parehas.
"Ang humble mo, kuya. Grabe!" Sarkastiskong sabi ni Julie na mas lalo nilang ikinatawa.
"Kuya Ian!" Rinig nilang tawag kay Christian ng isang babaeng galing sa kabilang dressing room.
Nagkatinginan ang babae at si Julie. Habang si Christian nama'y naramdaman ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya napagpasyahan niyang magsalita.
"Bakit, Maq?"
"Rehearse muna daw."
"Ah. Sige." Sagot niya rito saka siya humarap kay Julie. "Baby sis, yung mga sinabi ko sayo ah. Good luck sayo tsaka satin mamaya."
Tumango lamang si Julie bilang tugon rito.
Umalis na sina Christian at Maqui.
Pumunta naman saglit si Julie sa fire exit. Gusto niya lang mag-internalize at tumambay na rin habang wala pa siyang ginagawa. Nakapag-ayos na rin naman siya kaya ayos lang. She still have 30 minutes to sit there and prepare herself.