Chapter 18
"I need you two to go out together."
Yan ang bungad samin ni Direk Mark nang kausapin niya kami ni Elmo after ng workshop.
"Direk, kailangan ba talaga yan?" Untag ko.
Humarap siya sakin.
"Julie, aren't you aware na marami ang nagtataka sa mga kilos niyo?" Bumaling naman siya kay Elmo na tahimik lang na nakatingin samin ni Direk. "Halata nila na nagkakailangan kayo. At alam niyo pareho na hindi maganda sa image niyo yun as a loveteam."
Nahihiya akong napayuko sa sinabi ni Direk Mark. Nahihiya ako kasi ang laki ng expectations nila samin tapos ganito pa yung mga nangyayari.
Tumingin ako sakanya saka nagtanong.
"In short, ipapalabas namin na ayos kami at nagd-date? Promo?"
"Exactly!"
"I won't do it."
Napatingin kami kay Elmo nang sabihin niya iyon.
"Elmo?"
Humarap si Elmo kay Direk.
"Direk, I'm sorry but I can't do it with Julie. We can still gain more positive feedbacks without that promotion scheme."
Then he walked out of the greenroom.
"Julie?"
"Wag nalang po nating pilitin si Elmo. We'll work harder nalang po." Matamlay na sabi ni Julie.
Nagtext ako kay papa na mamaya na ako sunduin habang paakyat ako sa roofdeck. Kaagad naman akong naupo sa sahig pagdating ko dito.
Tumulo nalang bigla ang mga luhang hindi ko namalayang kanina ko pa pala pinipigilan. That scene earlier broke my heart.
"I won't do it."
"Direk, I'm sorry but I can't do it with Julie. We can still gain more positive feedbacks without that promotion scheme."
Ganun ba niya kaayaw na makasama ako? Bakit sa iba, game na game siya sa promo? Bakit sakin hindi?
"Ano nanamang nangyari, Julie Anne?"
Bahagya akong nagulat then I immediately wiped my tears before I looked at her.
"Maqui?"
"Ako nga." Umupo siya sa tabi ko saka siya tumingin sakin. "Okay, spill it."
Inisip ko muna kung saan ba ako magsisimulang magkwento. But I know that I have to tell her everything that had happen. I sighed before I finally speak up.
"Direk asked us to go out together." Panimula ko.
"Oh, edi ayos!" Masayang sabi niya pero agad ding napakunot ang noo niya. "Anong problema dun?"
"Sakin, okay. Pero ayaw niya. Ayaw niya sigurong mainvolve pa sakin." Sabi ko pa saka humilig sa balikat niya.
Bahagya niyang inalog ang balikat niya dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Bes, hibang ka ba?! Anong ayaw mainvolve? Eh from the very start na tinanggap niya yung projects with you, may involvement na siya ulit sayo." She pointed out.
"Ayaw niya lang siguro kaming makita ng mga tao na magkasama offcam." Nakayukong sabi ko.
She sighed. "Gusto mo ba?"
"Syempre, gusto."
"Gusto mong lumabas kayo out of promotion?" She said in disbelief.
"Ha?"
