Chapter 13

688 22 4
                                        

Chapter 13

Paalis na si Elmo sa kinatatayuan niya nang makasalubong niya ang kadarating lang na si Enrique.

"Uy, Moe."

"Quen."

"Si Julie nakita mo?"

Tinuro ni Elmo kung nasaan si Julie. Agad namang kumunot ang noo ni Quen pagkakita sa dalaga.

Tumingin siya kay Elmo.

"Anong nangyari?" tanong ni Quen.

"Quen, alagaan mo siya ah. and never ever hurt her like what I did."

Naguguluhang tumingin naman si Quen kay Elmo.

"Sige na, alis na 'ko. Puntahan mo na rin siya. Basta yung sinabi ko sayo ah."
magsasalita pa sana si Enrique pero mabilis na nakaalis si Elmo.

Bago tuluyang umalis ay tumingin ulit si Elmo sa lugar kung nasaan si Julie at nakita niya kung paano ito yumakap kay Enrique.

"Game over, Magalona." Nasambit niya sa sarili sabay marahas na pinunasan ang kanyang mga luha saka tuluyang umalis sa lugar na iyon.

------------------------------

"So, saan tayo pupunta?" Tanong ko dito kay Enrique pagkasakay ko ng kotse niya.

Parehas kaming walang trabaho ngayon. And this guy ask me out. Hindi ito date. Hangout lang. Medyo clingy ito eh. Miss na daw ako eh kakakita lang namin last 3 days.

"Ahh.. hindi ko alam?"

"Enrique Gil, mag-aaya kang lumabas tapos hindi mo alam kung saan tayo pupunta? Napakagaling naman! Grabe!"

Nagsimula na rin siya magdrive. By the way, gamit pala naming sasakyan si Bumble Bee. Kahawig kasi nito yung sasakyan sa transformers. Astig!

"Ang sungit mo, Julie Anne San Jose. Joke lang syempre. Sa Mall tayo."

Bigla ko naman siyang hinampas. Aba, sira ulong 'to!

"Maka-hampas naman, Julie Anne. Nagd-drive po ako. Baka po mabangga tayo."

"Hoy! Siraulo ka ba? Anong mall ka diyan? FYI lang ah, medyo artista po tayo at medyo baka ma-mob po tayo sa mall." Mataray kong sabi. Ibang klase rin trip ng taong ito madalas eh.

"Jules, wednesday naman ngayon eh. Walang masyadong tao sa mall. Tsaka sa The Block naman tayo eh tapos tawid tayong SM North para manood. Oh diba?" Paliwanag naman niya saka pa ngumiti ang loko. Nagpapa-cute lang 'to eh.

"Oo na sige na. Goodluck nalang talaga satin. Sana makauwi tayo ng buo, walang pasa, at kalmot."

"Adik ka talaga. Tara na!"

We decided to go look for a movie first before anything else.

"Uhmm, which movie do you prefer?"

Tumingin muna ako kung anong movie ang showing bago ko siya sinagot.

"Stand by me."

"Seriously, Julie Anne?!" Halos pasigaw niyang sabi. Gulat na gulat lang?

Kinurot ko nga.

"Hinaan mo nga yang boses mo. Pag tayo talaga na-mob. Nako."

"Bakit yan kasi?"

"Tinanong mo ko kung anong gusto ko tapos magrereklamo ka? Sana di mo nalang ako tinanong. Labo mo, bruh."

"Aish! Oo na. Yan na nga."

"Napipilitan ka? Wag nalang."

"Okay lang nga."

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon