EPILOGUE

777 32 6
                                    

EPILOGUE

"Happy anniversary, baby!"

Napatigil sa pagr-rehearse si Julie dahil sa pagsigaw na iyon ng isang pamilyar na boses. Nilingon niya ito.

"Elmo?"

"Hi, baby!" Lumapit agad ito sa dalaga na hanggang ngayon ay tulala pa rin. Hinalikan ni Elmo si Julie sa labi na nakapagpabalik dito sa realidad.

"A-anong..."

Hindi niya alam kung anong sasabihin niya at kung paano siya magr-react. For pete's sake! Hindi lang naman siya ang nasa rehearsal studio. Napalinga siya sa paligid at nakita ang mga kasama na nakangiti lamang sakanya na para bang sinasabi na okay lang sakanila.

"Hello, everyone!"

"Hi, Moe!"

"Moe, I thought..."

Hindi matuloy-tuloy ni Julie Anne ang sasabihin niya dahil sobrang windang siya. Anong ginagawa ni Elmo dito?! At hindi ba ito nangangamba na magka-issue nanaman? For pete's sake! Madaming tao ngayon sa rehearsal studio! At hindi rin nila masyadong kilala ang mga nandito.

What the hell is he thinking?! She thought.

"Direk, pwede ko po bang kidnapin si Julie?"

"Sige lang, anak."

"Let's go!"

Hanggang sa makarating sila sa kotse ni Elmo ay windang pa rin si Julie.

Paanong hindi? Eh parang kagabi lang ay nagtatampo siya dito dahil first anniversary nila.. ulit.. tapos ay nasa ibang bansa pa ito at nagbabakasyon. Binantaan pa niya itong makikipagbreak siya kapag hindi ito umuwi ngayon ngunit hindi natinag ang lalaki at sa isang araw pa raw talaga ito makakauwi. Tapos ito?! Biglang nandito? Hindi tuloy alam ni Julie kung maiinis siya kasi nga nagtatampo pa siya at hindi nito sinabi na uuwi ito ngayon o matutuwa dahil miss na miss na niya ang nobyo. Nabbwisit si Julie dahil hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Probably, because...

"Julie? Baby..."

"Shut up, Magalona." Mataray na sambit ni Julie Anne habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Hindi pa rin sila umaalis ni Elmo sa parking lot.

"B-bakit?"

Nang mahimasmasan ay nagsimulang pagkukurutin ni Julie Anne si Elmo. Panay iwas naman ang ginagawa ng lalaki.

"A-aray! Julie.. aah! T-tama na. Aray!"

Tumigil naman ito saka pa napahalukipkip at ibinaling ulit ang atensyon sa labas ng bintana.

"Sakit." Bulong ni Elmo.

"Bwisit ka kasi!"

Naiinis talaga siya dito. Kahit pa sabihing miss na miss niya ang boyfriend niya, bigla nalang talaga siyang nairita dito. Damn this guy!

"Ano nanamang ginawa ko?"

"Sabi mo, hindi ka makakauwi ngayon?!"

"Eh surprise nga kasi, baby. Oh diba? Effective! You know how much I love to surprise you, right?"

Palagi naman siyang nas-surprise ni Elmo. Palagi ring effective kasi nas-surprise talaga siya. Pero ewan ba niya at bwisit na bwisit siya kay Elmo ngayon.

"Pasalamat ka nakauwi ka, kundi break na talaga tayo."

"And I will never let that happen."

Umirap pa sakanya si Julie. Pero ilang sandali lang ay lumapit ito sakanya at binigyan siya ng isang halik sa labi.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon