Chapter 17
Did he just.. kissed me? Somebody wake me up please. Gosh!
Napatingin ako sa gilid ko just to see Elmo looking at us. He turned his back and started to walk away. Shit talaga! Bakit si Elmo pa yung nakakita?!
Tumingin naman ako sa siraulong Quenito na 'to. Aba't! Nakangiti pa ang loko.
"Elmo.."
Bago ko pa man masundan si Elmo hinatak naman ako pabalik ng lalaking 'to.
"Teka lang, bru!"
Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa niya kong halikan. Well, okay lang naman sakin. Naiintindihan kong masyado lang siyang na-overwhelm. Not that, gusto kong mahalikan niya ha. I mean kilala ko si Quen. Basta. Pero yung makita ni Elmo na nasa ganung posisyon kami? Ibang usapan na yun. Kaya bago pa ako makapag-isip ng gagawin ko sakanya, natagpuan ko nalang ang kamay kong dumapo sa pisngi niya.
PAK!
"Ahh!" Daing niya habang hawak ang kaliwang pisngi niya na namumula dahil sa sampal ko. "What was that for?!"
"Tinatanong mo talaga yan ha, Enrique Mari?!"
"Bru naman!"
"Wag mo kong ma-bru bru diyan. Bakit mo ginawa yun?! Ha?!"
Napayuko naman siya tapos nung nag-angat siya ng tingin ay nakangisi na siya sakin. Lord, nababaliw na po ba 'tong bestfriend ko? Wag naman po sana. Sayang kagwapuhan nito eh.
"Sarap mo pala humalik, bru." Sabi niya pa habang hinahaplos ng hinlalaki niya yung labi niya.
Binatukan ko naman siya kaagad.
"Hoy! Siraulo ka talaga! Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Quen ah."
He raised his hands in mock surrender. "Okay. Sorry na. Chill ka nga lang, Juls. Tsaka kaya---"
"Chill?! Paano ha, Enrique?! Nakita mo ba yun? Ha? Si Elmo yun!" Naiiyak kong sabi. "Quen naman eh. Paano nalang yung plano kong mapabalik ulit siya sakin kung nakita niyang hinalikan mo ko?"
"You kissed me back, Julie."
"Yes." I admitted. "But just because I thought of him. I thought of Elmo. Hindi ko alam pero parang nawala ako sa sarili ko at naisip kong siya ang humahalik sakin."
Napayuko ulit si Enrique at narinig ko ang malalim niyang paghugot ng hininga.
Yes. The moment I closed my eyes, si Elmo yung pumasok sa isip ko. Probably, because I'm longing for him. Nawala sa isip ko na si Enrique ang kasama ko at hindi si Elmo.
"Sorry. Akala ko lang kasi..." Napahinto siya tapos tumingin sakin habang nakangiti na halata namang napipilitan lang. "Uhh.. I mean nagawa ko yun para ano.. ahh.. para pagselosin si Moe. Odiba? Mukhang effective naman kasi nag-walkout siya."
I know him much more than he knew himself kaya I am very sure na hindi totoo ang rason niya. Maybe yes, he did that to make Elmo jealous but he has another reason. And saying those words at him isn't good. I'm being insensitive again. Bullshit!
"Quen, I'm sorry. Pero alam mo namang..."
"Julie, okay lang. Alam ko naman at gets ko namang si Elmo ang laman ng puso mo. Sorry kasi nadala ako. Hindi na mauulit." Pinagbuksan niya ako ng pinto. "Tara na, ihahatid na kita."
Buong biyahe kaming hindi nagkikibuan. Ngayon lang naging ganito katahimik si Quen and I felt really guilty. Sumobra ako sa mga nasabi ko kanina. I never intended to offend him. Nagpanic lang ako dahil nakita kami ni Elmo. And I honestly felt like I cheated on him.