Chapter 15
"Julie Anne, gising! Hoy, male-late ka na."
Ang ingay naman nito. Natutulog yung tao eh.
"Ano ba?! Istorbo ka ng tulog. Tsaka anong ginagawa mo dito, Gil?" Bulyaw ko sakanya as I made my way to the bathroom para gawin ang morning rituals ko.
"Okay ka lang ba, San Jose? Diba ihahatid kita ngayon kasi nga may pupuntahan sina Tito Jonathan at Tita Ivic tapos yung driver niyo naman ihahatid yung mga kapatid mo. Tapos ngayon kaya yung first shooting day ng short film niyo ni Elmoboy."
Napatigil ako sa sinabi niya. Ugh! How could I ever forgot about that?!
"Aish! Oo nga pala." Sabay batok kay Quen.
"Aray! Bakit?"
Lakad-takbo naman ako papunta sa dining room namin para makakain ng almusal at makaalis na. Nakasunod lang si Quen sakin.
"Bakit di mo agad sinabi?!"
"Kanina ko pa kaya sinasabi sayo yan. Eh ang kaso mukhang hindi mo naman narinig kasi ang himbing ng tulog mo kanina." Paliwanag naman niya. "Teka, bakit ba late ka na nagising? Hindi ka ba nag-alarm?"
"Nag-alarm." Sagot ko habang sinisimulan nang kumain.
Mabuti na lamang at maaga ang pasok ng mga kapatid ko kaya maaga ang gising ng mga kasambahay namin. At mabuti nalang ay nandito si Quen. Kung hindi? First day na first day ng shooting namin ay late ako. Nakakahiya!
Napatingin sakin si Quen with the look seryoso-ka-ba-diyan.
"Nag-alarm? Eh bakit... wait." Tumigil siya saglit tapos bigla siyang tumawa habang nagsasandok ng pagkain.
"Tulog-mantika ka nga pala. Kahit mag-alarm ka, walang epekto. Aray!"
Batuhin ko nga ng kutsara ang loko. Mang-aasar pa eh!
"Ang sakit nun ah! Eh totoo naman eh. Kampana yata ang dapat na alarm clock mo eh. Para sure na magigising ka talaga."
Inirapan ko lang siya.
"Kumain ka na nga lang diyan. Ang daldal mo. Male-late na ako."
"Kasalanan ko?" Nang-aasar pa niyang tanong.
Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa pagkain. Gosh! I can't be late!
Pagkatapos ng mabilisang almusal. Nagmadali na rin akong maligo at mag-ayos. Bakit ba kasi napuyat ako kagabi eh?!
Masyado mo kasing iniisip si Elmo. At naeexcite kang makita at makatrabaho ulit siya. Sagot naman ng isip ko. Aish!
Nakarating na kami sa location. Dun ko lang napansin na dito din pala kami nagshoot before para sa first movie namin.
"Oh pa'no? Alis na din ako. Si Tito Jonathan daw yung susundo sayo mamaya. Text mo 'ko pag may kailangan ka o kapag may nangyari ah."
"Quen, okay nga lang ako. Kaya ko 'to." Ngumiti ako sakanya at bumeso. "Sige na, ingat sa pagddrive ah."
Nagpaalam na ko sakanya tapos umalis na rin siya agad. May commitment din kasi siya today. Mabuti na lang nakaya pa sa schedule niya na maihatid ako.
"Goodmorning po!" Lumapit siya kina DMR at DRG saka bumeso.
"Goodmorning, 'nak. Nandiyan na pala yung mga gamit mo sa loob ng tent. Kararating lang din kasi ni Alex."
"Ah. Sige po."
Palakad na sana ako papunta sa tent ng magsalita si Direk Rico.
"Mukhang hinatid ka ng boyfriend mo ah."