Chapter 20

768 31 5
                                    

Rated SPG. This chapter contains language not suitable for very young readers. Read at your own risk.

Chapter 20

"Mmm..."

"Lord? Wala naman po sigurong multo dito no?" Takot na sabi ni Maqui na nagsign of the cross pa nang makarinig ng mahinang ungol.

Paano ba naman kasing hindi siya matatakot? Eh dalawang araw nang hindi gumigising si Julie at tunog lang ng aircon pati ng machine na nakakabit sa kaibigan ang naririnig sa hospital suite nito sa tuwing naiiwan siya rito. Katulad ngayon.

"Mmm.."

Di sinasadyang mapatingin siya sa kama ni Julie at nakitang ang kaibigan pala ang gumagawa ng ingay na iyon.

"Julie?"

Nakita niya pang gumalaw ng bahagya ang kamay nito kaya napasinghap siya.

"Omygosh! You're awake! Wait, tatawagin ko lang si Doc."

Mabilis na lumabas si Maqui at tinawag ang doktor.

Pagkadating ng doktor ay chineck agad nito si Julie habang si Maqui naman ay maluha-luhang nakatingin lang kay Julie. Tinanggal na rin nito ang machine na nakakabit kay Julie Anne dahil stable na naman ang lagay nito.

"I must say that, you're really a strong woman, Ms. Julie Anne."

"Julie na lang po. Doc?"

"I'm Dr. Clark Medina. At wag mo na kong i-po dahil hindi naman nagkakalayo ang age natin." Pakilala nito. "So as I was saying, you're doing fine. We've ran a CT scan on you yesterday and based sa results, wala namang na-damage na kung anuman sa brain mo. Minor head injury lang dahil sa impact ng pagkakabangga sayo."

"Eh doc? Yung cast ko?"

"Dalawang linggo lang yan, Julie."

"2 weeks talaga? As you can see, Doc, may trabaho ako. Hindi pwede ito."

"Julie, that's better kaysa naman ma-injured nang sobra yang braso mo at hindi mo na magamit ng ayos."

Napayuko naman si Julie.

"You'll be good, Julie. Saglit lang ang 2 weeks."

"Thank you, Doc." Tango ni Julie.

"It's my job. You're welcome tho."

Pagkaalis ni Dr. Medina ay lumapit agad si Maqui kay Julie.

"My God, Julie! Pinag-alala mo kami. Teka, may gusto ka bang kainin? Tubig? Juice? Ano, bes?"

"Maq." Untag ni Julie sa kaibigan.

"Oh?"

"Si Elmo?"

Dapat ay kanina niya pa talaga ito itatanong kay Maqui kaso nga lang ay mabilis itong nalalabas at tinawag ang doktor.

"Ay putangina naman, Julie Anne! Naaksidente ka na't lahat, Elmo pa rin?! Alam mo bang dalawang araw ka nang walang malay!" Hindi makapaniwalang litanya ni Maqui.

"2 days?!" Gulat na sabi ni Julie.

Akala kasi ni Julie ay oras palang ang itinatagal niya sa kwartong iyon.

"Oo. At dahil yan sa lalaking hinahanap mo."

"Maqui, walang naman siyang kasalanan dito eh. Aksidente lang yung nangyari. Tsaka ako yung hindi tumitingin sa daan." Malumanay na sambit ni Julie Anne.

"Ay wow, bes! Dakila ka naman masyado! Pinapanindigan mo talaga yang pang-Princess Sarah mong kabaitan! Grabe, wala akong masabi. Samba na ko sayo!"

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon