Chapter 11

687 24 4
                                    

Chapter 11

Matapos ang short vacation ni Julie ay oras naman na para bumalik sa trabaho. Ganun din si Enrique.. at Elmo.

Masaya si Julie sa muli nilang pag-aayos ng kanyang matalik na kaibigan na si Maqui. Ngunit hindi niya maiwasan na malungkot sa tuwing maiisip niya ang dating nobyo.

Last day nila sa Baguio ay napag-isipan ni Enrique na isama na rin sina Maqui sa pamamasyal kasama ang pamilya ni Julie. Katwiran nito'y hindi naman iba ang Tikis sa pamilya ni Julie. Bagamat tutol ang dalaga sa naisip ng binata ay wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag dito. Tama naman ang binata sa sinabi nito eh, hindi niya kailanman maiiwasan ang dating kasintahan dahil maliit lang ang mundong ginagalawan nila.

Kasama nga nila si Elmo sa pamamasyal, ngunit hindi naman nila ito maramdaman. Tila inilalayo nito ang sarili sa lahat. Maging sa mga kapatid ni Julie na dati rati'y kakulitan nito.

"Kuya Moe! Gusto ko po dun." Pag-aaya ni Jac kay Elmo sa isang playground. Hinawakan pa nito ang kamay ng binata.

Marahang inalis ni Elmo ang kamay ng bata mula sa pagkakahawak sa kanya.

Lumuhod siya upang mapantayan ito.

"Jac.. Si Kuya Quen mo na lang ang isama mo dun. Masama kasi ang pakiramdam ko eh. Sorry ah."

Pilit na ngumiti nalang si Jac sa binata saka ito lumapit kay Enrique na kasama ang kanyang Ate Julie.

"Kuya.."

"Oh, Joanna. Bakit?"

"May gusto lang po akong ipakiusap sayo."

"Ano yun?"

"Alam ko pong hindi na kayo ni Ate at hindi kayo magka-ayos ngayon. Pero sana.. sana lang wag niyong idamay si Jac. Wala naman siyang alam at kinalaman sa nangyari sa inyo eh."

"Joanna, that's---"

"Kuya, gets ko naman eh. Gets ko na you're trying to distant yourself from everyone especially samin. Pero sana kung may problema kayo, wag niyo nang idamay yung iba. Kuya, nasasaktan ka. Nasasaktan din naman si Ate eh. Pati si Jac nasasaktan din. Alam mo ba kung bakit?"

"B-bakit?"

"Kasi JuliElmo fan siya. She once said that she don't need to believe in fairytales' happily ever after kasi kayo palang daw ni Ate sapat na para maniwala siya sa dun. Maniwala sa love at sa forever."

"I...uhm.."

"Tapos halata naman sayo na umiiwas ka samin kaya mas lalo siyang nalulungkot at nasasaktan. Kuya na ang turing niya sayo eh, pati na rin ako. Pero parang nung naghiwalay kayo ni Ate, pati samin nakipaghiwalay ka na rin."

Walang salitang maisip si Elmo na isagot o sabihin man lang kay Joanna. Para bang napipi ito at nakatulalang nakatingin lang sa nakababatang kapatid ng dating nobya. Tama kasi ito eh. At nahihiya siya dahil sa inasal niya.

Nang walang makuhang sagot kay Elmo ay napili na lang ni Joanna na umalis at makisama sa masayang kwentuhan at kulitan nila Julie.

"Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan kayo. Gusto ko mang kampihan ang anak ko pero ayoko namang maging unfair sayo. Lalo na kung.."

Tumingin si Elmo sa ama ni Julie.

"Lalo na kung pareho naman kayong nasasaktan."

"Tito.."

Ngumiti lang ito sakanya at tinapik ang balikat niya.

"Pumunta ka na dun. Wag mong ilayo ang sarili mo. Ikaw lang din ang nagpapahirap sa sarili mo."

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon