Chapter 16
After ng unang araw nila sa paggawa ng short film ay naging maayos naman ang mga sumunod na araw. Pagkatapos nilang matapos ang short film ay nasundan pa ito ng recording. Kung saan ay sila ang kakanta ng OST ng pinakabagong teleserye na Maybe This Time.
Inabot ni Julie ang isang paper bag na may lamang pagkain at may nakadikit na sticky note.
Good morning, Elmo! Goodluck to us. :)
- JTinignan naman ni Elmo ang laman ng tupperware sa loob ng paper bag. Carbonara tsaka garlic bread.
Inabot niya naman ito pabalik kay Julie.
"What's this for?"
"Nothing. Uhm, naisipan ko kasi magluto ng breakfast and I'm craving for pasta. Kaya ayan, dinalhan na rin kita."
Napakunot ng noo si Elmo. "You cooked?"
Hindi naman kasi talaga nagluluto si Julie Anne. Isa siya sa mga taong takot sa mantika kaya ganun nalang ang pagtataka ni Elmo. Pero sa kagustuhan ni Julie na mapalambot ulit ang puso ni Elmo ay hindi na niya inisip kung anong mangyayari sakanya sa pakikipagbakbakan sa mantika. Hinihiling din niyang sana kahit papaano ay masarap ang luto niya.
"Hindi naman masamang mag-try diba?"
"I know what you're doing, Julie. And I'm not buying it."
"Moe, can you just... can you just.."
"What?"
"Can you just take it? I know you didn't take your breakfast. That's not good, you know."
Inabot ulit ni Julie ang paperbag kay Elmo. Ang binata naman ay tinitigan lamang ito. Hindi na sana ipagpipilitan ng dalaga ang breakfast nang bumuntong-hininga ang binata at kinuha ang paperbag saka naglakad palabas ng recording studio.
"Whatever." Mahinang sambit ni Elmo bago tuluyang lumabas.
Ang sungit! Kung di lang kita mahal, kanina pa kita sinapak eh.
Sumilay naman ang ngiti sa mga labi ni Julie nang magsink-in sa kanya na tinanggap ni Elmo ang breakfast na niluto niya. Masaya siyang hindi nasayang ang effort niya sa pagluluto. Alam niya rin kasing paborito iyon ni Elmo at sigurado siyang hindi matitiis ni Elmo ang carbonara. Natalsikan pa siya ng mantika kanina at halos mapaos siya kakatili habang nagluluto. Nagkasugat din siya gawa ng mantika kaya naman kahit mainit ang panahon ay naka-jacket siya. Tiis-tiis muna siya dahil sa pagluluto kasi niya kulang na ang oras para lagyan niya pa ito ng concealer.
"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Elmo kay Julie.
Nagr-rehearse sila para maayos yung recording mamaya.
"Huh?"
"Ang init-init tapos naka-jacket ka. May sakit ka ba?"
"Wala akong sakit. Tsaka malamig naman dito sa studio eh."
"Malamig? Eh pinagpapawisan ka nga. Alam mo, tanggalin mo nalang. Madali ka pa namang magkasakit."
Hindi makapaniwala si Julie sa naririnig niya. Ramdam na ramdam niya ang concern sa boses ni Elmo. Hindi tuloy niya napigilan ang sariling titigan ang binatang nasa harap niya. Ang gwapo lang talaga ng lalaking ito. Sa totoo lang, kinikilig siya dahil kasama niya ito ngayon. Bonus pa na nag-aalala ito sa kanya. Ngunit hindi niya maaaring tanggalin ang jacket niya dahil nga makikita ang mga talsik ng mantika.
"Hoy!"
"Ha? Ano yun?"
"Sabi ko tanggalin mo yang jacket mo. Pinagpapawisan ka na eh."