Chapter 9

539 18 0
                                        

Chapter 9

"Baguio here we come!"

"John Paul Joseph Cadayona, napaka-ingay mo! Ngayon ka lang ba makakapunta sa Baguio?"

"Moe, pare, chill ka nga lang diyan. Eto kaya unang Baguio trip ng Tikis. Masaya 'to!"

"Marami kayang wala. Pati yung favorite girl ko." Mahinang sambit ni Diva.

"Diva!" Awat sa kanya ng mga kasama namin.

"What?" Inosente nitong tanong.

Nagkibit-balikat nalang ako. Alam ko naman ang pinupunto nila eh. Instead of arguing with them I just put on my headphones. Music on. Ignore the world. Escape reality.

Nasa Sitio La Presa kami. Ewan sa mga 'to kung anong trip nila. Alam ko naman kung anong meron dito eh. Dito yung place sa Forevermore. Yung palabas nila Enrique. Napanood ko kasi yun eh.

"Ano bang ginagawa natin dito?" Bored kong tanong sakanila.

"Malamang mamamasyal." Sarkatiskong sabi ni Mayton. "Grumpy." Mahina niyang sambit pero narinig ko kaya I glared at her.

"Tama na yan, tara na." Awat ni Gino habang nakaakbay kay Maqui.

"Buti nalang hindi marami yung tourists ngayon dito." Pansin naman ni Maqui.

"Oo nga eh. Iwas mob na rin." Pagsang-ayon ni Rocco.

"Pero nakakapagtaka lang kung bakit ang konti ng tao dito. Diba?" Tumango naman kami sa sinabi ni Maqui. "Parang piling-pili. Tsaka parang familiar sila. Parang mga staff ng artists."

"Oo nga no. Baka naman may shooting dito?" Enzo

"Baliw! Kung meron, edi sana hindi tayo pinapasok." Rocco

"Teka, wait." Yassi

"Taray, i-translate daw ba?" Wyn

"Whatever, Wyn." Umirap pa si Yassi. "Diba sina Daniel yun?"

"Sinong Daniel?" Mark

"Daniel Padilla."

"Pinsan ko?" Bella

"Hindi. Pinsan ko, Bella. Pinsan ko kasi si Daniel eh." Sef

"Sira ulo ka talaga, Cadayona." Mahinang binatukan ni Bella si Sef. Tapos tumingin siya kay Yassi. "Teka, Yassi nasaan ba?"

"Ayun oh." Sabi ni Yassi sabay turo sa grupo ng mga tao na nasa tabi ng bahay dito sa La Presa.

"Julie?" Si Maqui yan. Dahilan para mapatingin ako lalo sa parteng yun.

May isang babaeng naka-pullover, skinny jeans at sneakers. Nakangiti siya katabi ng isang mestizong lalaki na mukhang may lahi. Nakaakbay yung lalaki sakanya habang naka-lean yung babae sa balikat nito. Tumawa yung babae. Pamilyar. Sa tawa palang nakilala ko na siya. Si Julie nga siya.

"Is that Enrique beside her? And she's with them? Magkakaibigan sila?" Wyn

"Uwi na tayo." Bigla kong sabi.

"Moe?"

"I said let's go!" Nagulat sila nang sumigaw ako. Pati ako nagulat rin I didn't intend to shout.

Napalingon ang grupo nila Daniel sa amin. Mas nakita namin kung sinu-sino sila.

Sila Daniel, Kathryn, Yves, Miles, Kiray, Igi Boy, Enrique at Julie. Kasama rin sina Joanna na nasa kabilang side ni Enrique at si Jac na nakakandong naman kay Enrique.

"Moe!" Sabay na sabi ni Kathryn at Daniel tapos lumapit sila samin.

Nakasama ko yang dalawang yan dahil isa kong endorsement kaya medyo close naman kami. Madalas ko silang makakwentuhan kapag may event since kami yung medyo nagkakalapit ng age.

Too Late... or Not?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon