Chapter 7
"Ate, matagal ka pa ba? Excited na ako eh. Pakatagal mo."
"Wow ha! Tinawag mo pa akong Ate. Hayyy. Eto na nga, patapos na ako oh."
"Ate, you've been saying that for about 30 minutes already."
"Joanna Marie, napaka-mainipin. Pasensya naman po. Eto na talaga!"
"Julie, Joanna, bilisan niyo diyan! Aalis na tayo." Narinig naming sigaw ni Papa mula sa baba.
"See? Mabagal ka kasi Ate. Dalian mo na diyan. Kanina pa rin naghihintay si Kuya sa baba." Masungit na sabi nitong mainipin at excited kong kapatid.
Honestly, di naman talaga ako mabagal kumilos. I'm having second thoughts about this out-of-town trip. Ewan ko! Ang gulo ko rin kasi eh. Pero napag-isip-isip ko rin na makakabuti sakin 'to. Fresh air. Different environment. And I'm with my family.
So, kasama sa family si Quen? My conscience asked me.
Siya yung nag-aya. So, malamang kasama siya. At syempre gusto rin ni Jac. I answered.
Pwede namang tanggihan si Jac at sabihing family bonding lang diba?
Hindi naman na iba si Quen samin. He's my friend.
Okay. As you say so.
Bakit kaya kontrabida ang mga konsensiya natin no? Nakakabaliw. I am having an argument with myself. Argh!
Bumaba na ako just to see them na nakaupo sa sala at mukhang kanina pa talaga ako hinihintay.
"Sa wakas!" Jac said. I looked at her questioningly. "Ate, ikaw na lang kasi ang hinihintay namin. Lika na, dali!"
She held my hand and guided me outside our house. While sina Mama, Papa, Joanna at Quen ay nakasunod lang samin.
Buti nalang kasya kaming lahat sa sasakyan. Quen left his car sa garage namin.
Quen and I sat on the last row. Si Mama sa passenger seat syempre. Yung dalawa kong makulit na kapatid nasa gitnang row.
"Ikaw!" Kinurot ko sa tagiliran si Quen.
"Oww! Bakit nanaman?"
"Kundi dahil sayo edi sana nagpapahinga lang ako sa kwarto ngayon."
"Edi sana hindi ka na lang pumayag kung labag pala sa kalooban mong sumama samin. Tsaka kaya nga tayo pupunta dun para makapag-relax eh."
"As if namang titigilan ako ng mga kapatid ko pag hindi ako pumayag."
"Alam mo bakit di mo nalang aminin na ayaw mo kong kasama."
Tapos tumalikod na siya sakin at humarap sa bintana.
I felt guilty with what I've said. I shouldn't have said that. I didn't mean it that way. Nainis lang talaga ako. Ang aga kaya nilang manggising. It's still four in the morning. I'm not a morning person kaya expect me to be this grumpy.
"Hindi sa ayaw kitang makasama.."
"Eh ano?"
"Hindi tayo bati."
Childish. Bulong niya na narinig ko naman.
"I heard that."
"Did that on purpose tho."
"Psh."
"Bakit ka ba nagagalit sakin?"
"I'm not mad at you."
"Eh ano pala? Nagtatampo?"
Hindi ako sumagot.
"What did I do ba?"