Warning: Rated SPG. This chapter contains language not suitable for very young readers. Please be guided. Thank you!
*****
Chapter 8
"FRENCHESKA FARR!"
Inis na sigaw ni Diva sakin na katabi ko lang naman.
"Ano ba?! Makasigaw naman! Ang layo ko ha. Kaloka!" Sigaw ko pabalik.
"Eh kasi naman eh." Pagmamaktol niya.
"Ano ba kasi nga?"
"Pumayag ka na kasi." Sabi naman ni Yassi.
"Ayoko nga."
"Bakit ayaw mo? Para sa kanila din 'to, Maq." Singit naman ni Wyn.
"Ayoko nang makialam sa kanila, okay? Malaki na sila. They can take care of themselves. Hayaan na natin sila." Walang gana kong sabi.
"Pero Maq, paano natin sila hahayaan kung pare-pareho nating alam na parehas silang ma-pride. Kilala mo sila, Maq. Kilalang-kilala mo sila." Pamimilit pa ni Diva.
"Kung ayaw mo, kami nalang." Pagsuko ni Yassi.
"Anong gagawin niyo?" Taas-kilay kong sabi.
"Lahat. Lahat-lahat ng makakaya namin para maibalik sila sa isa't-isa. We'll do whatever it takes." Wyn
"Bahala kayo."
"Pati ba naman ikaw sumuko na?" Yassi
"Diba ikaw nga laging nagsasabi sa kanila na wag silang sumuko? Diba sabi mo tutulungan mo sila pag kailangan nila." Wyn
"Kayo na nagsabi. Tutulungan ko sila kapag kailangan nila. KAPAG. Hindi nila kailangan, so walang tulong na magaganap."
"Alam kong kaya ka nagkakaganyan dahil nagtatampo ka sa bestfriend mo. Kilala mo naman yun si Julie eh. Kapag nasa ganun siyang sitwasyon hindi na niya naiisip pa ang mga sinasabi niya. Bestfriend mo siya, Maq. Dapat alam mo yon." Diva
"Kung gusto niyong makialam sa kanila, wala na akong magagawa. I've had enough, guys. Marami na akong naitulong sa kanila. This time, sarili lang nila ang tanging makakatulong sa kanila."
Nang wala silang mapala sa akin, umalis na rin sila. At alam kong badtrip sila sakin. Pero kasi...
Napaisip din naman ako sa mga sinabi nila eh. Bestfriend ko si Julie. Barkada ko si Elmo. At sa aming lahat, ako ang mas pinakikinggan nila. But not this time. That time I mean.
"Julie! What happened? Tumawag si Moe saying that you broke up with him. Is that true?"
Pumunta agad ako sa bahay nila Julie when Elmo called na nakipagbreak si Julie sa kanya. He even cried to me over the phone. My ghaaad! Ano nanaman bang nangyayari sa kanila?
"Yes, it's true. At kung nandito ka para pagsabihan ako na balikan ang kaibigan mo? Pwede ka nang umalis." Matigas at malamig na sabi ni Julie habang nakahiga at nakatalikod sakin.
"What?" Di-makapaniwalang sabi ko.
Did I heard her right? Si Julie ba talaga ang nagsabi ng mga iyon?
Umupo siya sa kama at tumingin sakin.
"Ang sabi ko, kung sesermunan mo lang ako, you may now leave."
"What's happening to you, Julie?"
Naguguluhan ako. Ano bang nangyayari sa kanya? As far as I know, maayos naman sila ni Elmo eh. Except for the spotted pics all over the internet.